Chapter 4: Hospital

Start from the beginning
                                    

"I want ice cream, mommy!" Nakangiting sambit nito sa akin at binalingan na ang pagkaing inihanda ko para sa kanya. Umayos ako nang pagkakatayo at inihanda na ang gatas nito.

"Baby, we just ate ice cream yesterday." Turan ko dito at naupo sa tabi niya. Tinulungan ko itong hiwain ang pancake at binalingan ko ito. "What about cake?"

"Chocolate cake?" Tanong ni Ayah at sumubo ng isang slice ng pancake. Nakangiti akong tumango dito at namataan ang pagngiti ng anak. "Okay, mommy! Chocolate cake, please!"

Tinanguhan ko si Ayah at muling naghiwa ng pancake sa plato nito. Noong akmang magsasalita na sanang muli ako noong marining ko ang boses ni Veron. Mabilis akong napabaling sa gawi nito at namataan ang pagpasok nito sa kusina. Nakabihis na ito ngayon. Looks like nagising na rin ito noong lumabas ako sa silid namin kanina.

"Good morning," bati nito sa akin at hinalikan ako sa pisngi ko. Tipid kong nginitian ang asawa at tiningnan lang ang paghalik nito sa ulo ng anak namin.

"Daddy! Mommy will buy me and my friend a cake today!" Magiliw na sambit ni Ayah na siyang ikinabaling ni Veron sa gawi ko. Tipid muli akong ngumiti dito at binalingan ang anak. Pinagpatuloy ko ang ginawa at pasimpleng tiningnan si Veron.

"Wala naman akong gagawin ngayong araw kaya naman ay ako na ang maghahatid-sundo kay Ayah." Wika ko at tumayo mula sa pagkakaupo. Naglakad ako papalapit dito at kinuha ang tasa na nasa kamaya nito. "Magkikita rin kami ni Sasa ngayong araw." Pagpapatuloy ko pa habang tinitimpla ang kape nito.

"Sasa?" Tanong ni Veron at hinarap ako. "Who's Sasa?"

"She's my tita, daddy!" Singit ni Ayah sa usapan namin habang maganang kumakain pa rin nang hinandang pancakes sa kanya. "She's pretty and she speaks Tagalog, too!"

Namataan ko ang pagkunot ng noo ni Veron habang nakatingin sa akin. Tumango ako dito at ibinigay na sa kanya ang tinimplang kape.

"Siya ang bisita ko kahapon. Siya at ang fiancé nito."

"Kaya ka nagkaganoon kahapon? Dahil sa kanila?" Tanong ni Veron na siyang ikinakunot ko ng noo. Binalingan ko si Ayah at noong makitang patapos na ito sa almusal niya, tiningnan kong muli ang asawa.

"Mamaya na nating pag-usapan ito, Veron." Seryosong sambit ko at naglakad nang muli pabalik sa tabi ni Ayah. Muli kong inasikaso ito at noong matapos na itong kumain, niyaya niya akong bumalik na sa kuwarto niya para makaligo na ito. Tumango lang ako sa sinabi ni Ayah at maingat na tinulungan itong bumaba sa upuan nito.

"Go to your room now, baby. Mommy will be there in a minute." Turan ko sa anak na siyang sinunod nito agad. Naglakad na palabas ng kusina si Ayah at noong nawala na ito sa paningin ko, binalingan ko ang tahimik na si Veron.

"What do you think you're doing?" Mahinahong tanong ko sa asawa.

"I'm just asking, Amari."

"Ayah was here, Veron. Hindi man ito nakakapagsalita ng Tagalog, alam nating nakakaintindi ito." Sambit ko at nagsimula nang iligpit ang pinagkainan ng anak. Pagkalapag ko ng mga plato sa may sink, muli kong binalingan si Veron. "And to answer your question, hindi sila ang dahilan kung bakit nagcolapse ang katawan ko. I was tired, okay. Magkahapon kong kasama si Ayah at nanibago lang ang katawan ko sa activities ng bata. Alam mo naman kung gaano ka-hyper ito kapag nasa ekwela. Iyong lang ang dahilan at wala nang iba, Veron." Sunod-sunod na wika ko dito. "Walang kasalanan ang mga taong iyon, so, huwag mo silang sisihin dito."

"Amari..."

"Kumusta pala ang naging meeting mo kahapon?" Seryosong tanong ko dito na siyang ikinatigil naman nito. Hindi ito nakasagot sa naging tanong ko kaya naman ay muli ko siyang tinalikuran. Nagsimula na akong maghugas at noong matapos ako, namataan kong nakatayo pa rin si Veron sa puwesto nito kanina.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now