Kumain ako ng marami dahil may exam kami ngayon. Next week thesis defense na. Nakaka-excite na nakakaba.

Pagkatapos kong kumain ay iniwan ko na sila para maghanda. Isinuot ko ang aking uniformed at hinayaang nakalugay ang buhok ko.

"Tara na!!" sigaw ko papababa ng hagdan.

Usually sabay sabay kaming pumapasok. Si Rachel ay mamayang ala una pa kaya maiiwan siya dito.

"Teka. Eto sandwich tig-iisa kayo. Good luck!"

Iniabot ni Rachel sa amin ang sandwich. I hugged her because she's so sweet. Sa aming magkakaibigan ay siya ang pinakamaalaga.

Naglakad lang kami papunta sa univerisity para mas tipid. Sampung libo nablang ang pera ko dito kaya kailangan ko na talagang magtipid.

"Kinakabahan ako." rinig kong sabi ni Von.

"Huwag kang kabahan. Desisyon ako." wika ni Steffi sa kaniya.

Natawa nalang kaming apat habang naglalakad. Nang makarating kami sa gate ng university ay nagpaalam na kami sa isa't isa.

Sina Von at Steffi ay sa College of Health and Sciences. Kami naman ni El ay sa College of Arts and Sciences.

"Halah!!" sigaw ni El kaya napatingin sa amin ang mga tao.

"Gaga. Nakakahiya ka!" bultaw ko sa kaniya.

"Nakalimutan ko yung Ipad ko."

Hindi pa ako nakakapagsakita ay tumakbo na siya. Napailing na lang ako nang makitang lumabas siya ng gate.

Wala akong nagawa kundi magpatuloy na lang sa paglakad . Pagpasok ko sa room ay kaunti pa lang ang tao.

Lumapit sa akin ang isa sa mga blockmates ko. I looked at him seriously.

"H-hi?" awkward na tanong nito.

"What do you need?" tanong ko sa kaniya.

Naupo siya ng maayos at humarap sa akin. Ano namang kelangan nito? He's Kyro. Gwapo naman siya kaso maingay.

"U-uh. Itatan-nong ko l-lang--"

"CAN'T YOU SPEAK PROPERLY?"

Tumikhim ito. "Itatanong ko lang sana kung anong pangalan nung kaibigan mong taga-Psychology department." deretsong sabi nito.

Napangisi ako sa kaniya. Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata. So he's interested kay Ellaine.

Dahil mabait namana kong kaibigan at caring. Naglabas ako ng papel at ballpen.

Ellaine Faye Juarez.
20 years old.
Loves to eat and a bit clumsy.
IG: ellajuarez
Twitter: eljuarez
Fb:Ellaine Faye Juarez
Email: elfajuarez@gmail.com

Iniabot ko ang papel sa kaniya. Nang kukunin na sana nito ay inilayo ko.

"One wintermelon milktea. 75% sugar." wika ko at ibinigay ang papel.

"Noted, boss! Salamat."

Umalis siya sa harap ko kaya ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa. After 1 hour ay dumating na ang aming professor.

Gaya ng inaasahan ay nagkaroon kami ng 50 items na exam. Last na naman to kaya ayos lang.

Pagkatapos ng klase ko ay pumunta sa ako sa cafeteria. Nandoon si El hinihintay ako.

"Oh? Musta?" tanong ko sa kaniya.

"Gagi! Impressive daw sabi ni Prof. Cruz!" masayang sabi niya.

"Libre moko. Carbonara." wika ko.

Tumango siya sa akin at dali daling nag-order. Nakatipid pa ako. Wala na akong klase mamayang hapon kaya uuwi ako ng maaga.

"Boss! Heto na. Isa para sayo at isa para kay Ellaine." nakangiting iniabot ni Kyro sa akin ang dalawang milktea.

Sakto namang dumating si El kaya nakita niya ito. Napansin kong hindi mapakali itong si Kyro kaya tinapakan ko ang paa niya.

"H-hi!" bakas sa boses niya ang kaba.

"Hi.." parang nagdalawang isip pa si Ellaine.

Kinuha ko ang nakastyro foam na carbonara at milktea. I stood up and walked away. Narinig ko pang tinatawag niya ako pero sinenyasan ko siyang uuwi na ako.

"Kupida na naman ako..." pakantang sabi ko habang naglalakad.

Umuwi ako ng flat namin para magpahinga. Nang papaakyat na ako sa daan dahim nasa taas ang area namin ay nakasalubong ko yung Nathan.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglakad. Teka taga-dito ba yon? Ang alam ko ay sa kabilang subdivision siya.

"Hi!!!"

Napatalon ako sa gulat nang bumungad sina Sam at Zyra sa akin. Akala ko ba sa susunod na buwan pa sila dadating.

"Mukha bang hotel 'tong flat namin?!" sigaw ko.

A wish: 11:11Onde histórias criam vida. Descubra agora