Chapter 1 - Sing to impress

127 11 6
                                    

Second story (^^, )/ hope you like it. Expect some changes in chapters ^^ I mean the typo errors, I'll edit those when I'll have time. So peee! (^°^)

@Alone_inthedark :*

Zed's POV

Nandito ako ngayon sa Tres Andanes Park. Ang park kung saan ko kinalakihan na puntahan. Ang park kung saan pinupuntahan ko kung ako'y maligaya't malungkot.. Ang park na ito at ang mga taong nagsisidaan dito ang saksi sa lahat ng nangyayari sa aking mundong akyat panaog.. Ito din ang park na dadalhan ko ng aking One True Love. Dito kami magkakaroon ng mga pangako. At dito rin maglalaro ang aming magiging anak.

Ako nga pala si Zed Grey, 17 years old. simpleng tao, gwapong bad boy guitarist, pero gusto ang sweet girls. No girlfriend since birth and searching for my Ms. Right. :)

At dahil masaya ako ngayon.. tutugtog ako para sa inyo..

Kinuha ko na ang gitara at nagsimulang kumanta.

"Strand in your eyes,
That color them wonderful,
And steal my breath,
And emeralds from mountains
Thrust towards the sky..
Never revealing their depth.."

Andito ako ngayon nakaupo sa malaberdeng mga damo, sa harap ng maraming tao, musika ang dala ko.

"I'll be... you're crying shoulder,
I'll be, you love's suicide,
I'll be better when I'm older."

I sing to impress, I sing for passion, I sing my emotions, and I sing to share the talent that I have. But most of all, I sing for love. Well that's me.. haha.

"I'll be the greatest fan of your life.
The greatest fan of your life :)"

Hayy,  ang sarap mabuhay :)

Ang sarap ng hangin dito..

Tinabi ko na ang gitara ko at tumayo, pinagpag ang damit at sa bahay ay humayo..

Nang makarating sa tinitirhan kong bahay.. tahimik pa rin gaya ng dati. Wala na namang magawa. I somehow hate Saturdays, busy ang mga tao.. Buti pa sa Sunday, medyo maingay at masaya! 6:30 pa naman ng gabi. Di pa naman ako gutom. Hay, ano pwede gawin?

Kinuha ko ang notebook ko kung saan maraming mga laman na kanta na aking mga nasulat pati ang ballpen. Pati na rin ang aking guitara.

Huminga ng malalim at nagsimulang sumulat.

Ang sarap naman mabuhay ng masaya
Kay ligaya ng buhay pag di nagiisa
Oo bad boy ako pero ako'y matinong tao
Hindi na nanakit, kung magmahal ay totoo

Sa gitara'y magaling, pagkanta ay aking hilig.
Mga babaeng kinikilig pag nagsimula ng harana pumipigil.

Chorus:
Love at first harana,
Love at first harana,
Love at first harana,
You and I. (2x)

Oooohh..

Kelan pa kaya dadating si Ms. OTV
Oo, yun nga, Ms. One True Love
Para madala ko na sa Tres Andanes park
Doon magpapalitan ng.. mga pangako.

Sa gitara'y magaling, pagkanta ay aking hilig.
Mga babaeng kinikilig pag nagsimula ng harana pumipigil.

Chorus:
Love at first harana,
Love at first harana,
Love at first harana,
You and I. (2x)

Oooohh..

First haranaaaaaa .. ohhh..
Naiinlove sila sa akingggggg..
Harana. ;)

Hahaha, oh ayan, may bago na naman akong kanta, gwapo ko talaga..

Saktong Sakto... 7:12pm na, magluluto lang ako ng adobong manok.

"Hmmmm.. Ang bango naman ng luto ko, gwapo ko talaga ^^" Sabi ko sa Sarili ko.

Kumain na ako ng luto kong sobrang sarap.. walang biro, ang sarap ng luto ko..

*Toot toot

1 unread message

May message pala ako.. binasa ko ito.. galing kay mama lang pala.

From: Mommy Sandra

Anak! Miss ka na namin, punta ka ngayon, may onti kaming salo salo at videoke dito tsaka andito yung bestfriend mong lalake, si Drake, kasama ang girlfriend niyang sino ba 'to? Si Vanilla ata ang pangalan. Ano punta ka?

Eh? Anong meron? Tsaka napa-aga ata ang dating ni Drake, anong nangyari?

Nireplyan ko si mommy Sandra at sabi ko."Okay po, ma. Maliligo muna ako, loveyou."

After 25 minutes

I'm dressed with Black v-neck shirt and a black slight fitted jeans.

*picture sa taas*

I weared a wax to my hair and make it up. Oh.... God!

I'm so handsome. ;)

I went outside at kinuha ang susi ng motor ko, ayoko gamitin ang sasakyan ko ngayon, wala mamang bonggang okasyon eh.

Pinaharurot ko na ang itim na motorsiklo ko..

Nasa labas nako ng bahay ng mga magulang ko at nakita ko si Drake nagaabang sa'kin.

Pinark ko na motor at tinanggal ang helmet ko.

"OH PRE! LALO KANG GUMWAPO AH.. HAHAHA!" Asar ng bestfriend kong ewan.

"Ulol! Hahaha.." lumapit ako sakanya at nakipag secret handshake.

Padating na rin yung babaeng girlfriend ata ni Drake. Si Vanilla daw pangalan sabi ni mama.

"Oh Pre! Ito nga pala si Janella, my the other half." Ahhhh.. Janella pala. Pfft. Mommy Sandra talaga oh, kailangan na ng hearing aid pati memory plus gold na rin.

"Sus! Bola, my the other half-other half ka pa jan." Sabi nung girlfriend ni Drake.

"Bakit? Totoo naman ah, my life, my soul, my heart, and my the other half." Kinindatan ni Drake si Janella.

"Bolero! Tadyakan kaya kita sa half mo." Hahaha. Brutal pala ng girlfriend ni Drake.

Kaya ako, di ako gagaya noh, dapat ako yung bad boy na kinakatakutan ng mga Good girls.

"Wag babe.. masakit yun. Hahaha."

"Ewan ko sayo." Tumatawa lang si Janella ng umiirap.

"I love you too." Sweet na pagsabi ni Drake, haha, chickboy talaga 'tong lalakeng 'to. Walastic. Si Janella tuloy, blush ng blush. Hahaha.

"Oh siya, sige! Nilalangam na tayo dito ano? So pwede?" Pilyo kong sabi.

"Hahahaha, oh siya sige, nandun si Tita Sandra at Tito Jeff."

Love at First HaranaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora