"Kurt, for freak's sake nagbibiro lang ako!" sigaw ko at tinakpan ang mata.
"No, baby. Look at me." aniya habang tinatanggal ang kamay ko na nagawa niya.
Hawak ng isang kamay niya ang parehong palapulsuan ko habang ang isang kamay ay nasa dulo pa rin ng damit niya. Hindi ko na maibalik ang kamay ko kaya't mabilis natanggal ni Kurt ang t-shirt niya. Nakangisi pa rin siya lalo na nang pamulahan ako ng pisngi sa nakikita. Shit!
"Alright! Ikaw na! Ikaw na, Kurt ang may magandang katawan! Stop! OMG!" tili ko dahil pinatitingin niya pa rin ako sa mata niya.
Binitawan ni Kurt ang mga kamay ko saka niya ibinalik sa tabi ng ulo ko ang mga bisig niya. I could melt in his gaze. Hindi ko pwedeng ideny ang fact na mas maganda nga ang kay Kurt kesa kay Zane.
Nanatili akong nakatitig kay Kurt. Unti-unting hinihigop ng tingin ni Kurt ang katinuan ko. I can't believe na kaya niyang gawin to in just like that. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko na mapipigilan kung magpapatuloy pa ito.
Lumipat ang isang kamay ni Kurt sa baba ko para ibalik ang tingin ko sa kanya. Paunti-unting lumalapit ang mukha ni Kurt sakin. When I finally felt his breath, napapikit ako. That's where my lips felt his. Dahan-dahang humalik si Kurt sakin. Hindi ko napigilang hindi tugunin ang nanunuyang halik ni Kurt.
Pumunta sa batok ko ang isa pang kamay ni Kurt kaya't nawala ako sa pagkakasandal ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit tinutugunan ko si Kurt. Noong kami naman ay nakipag-hiwalay ako dahil sinubukan niya but now, I'm returning his kisses?
May malakas na tumikhim sa likod ni Kurt kaya't napamulat ako, only to find Chase and eomma looking at us. May malaking ngiti sa labi ni eomma habang si Chase ay sarkastikong nakangiti sakin at may halong galit sa mata niya. Hindi tumigil si Kurt kaya humugot ako ng lakas para makapagsalita lalo na't gulat pa ko sa nakikita ko.
"Kurt..." tawag ko rito at parang binuhusan ng tubig na lumayo si Kurt sakin.
Napa-irap ako sa kawalan at wala sa sariling binasa ko ang labi ko. Kinuha ni Kurt ang t-shirt niya sa tabi ko habang nakatingin sa nakangiti kong eomma. Seriously, why is eomma even smiling?
"We're sorry, tita." hinging paumanhin ni Kurt kay eomma.
"Oh, it's alright Kurt. May bisita kasi tayo so sorry din at naistorbo namin kayo." ani eomma na nagpakunot sa noo ni Chase.
Sinuot ni Kurt ang damit niya at nakangising tumingin sakin. Pinaupo ni eomma si Chase sa katapat kong sofa. Binigyan ako ng masamang tingin ni Chase as if I've done something wrong against him. Wala akong ginagawa sa kanya. Kurt has every right to do that dahil boyfriend ko siya but Chase? Damn, mahal ko siya pero wala siyang ni isang karapatan gawin iyon lalo na't hindi naman kami.
Umupo sa tabi ko ulit si Kurt, ang kamay ay nasa likod ko habang inaasar ako. "Still gonna tease me?" tanong nito sakin.
"Ayaw ko na. Ikaw na nga diba?" ani ko sa kanya na nagpatawa sa kanya.
I pursed my lips, trying to think of ways kung paano ko aasarin si Kurt. I don't care about Chase. Pumunta siya dito na hindi ko naman pinapupunta and I'm not going to come with him in just a snap.
"Kurt," tawag ni eomma kay Kurt mula sa kusina.
"Yes, tita?" ani Kurt at kasabay kong lumingon kay eomma sa likod namin.
"Are you busy? I need your help with something." sagot ni eomma kay Kurt saka kami binigyan ng ngiting di mo matatanggihan.
"I'm not busy, Tita and sure. I'll help." ani Kurt kay eomma.
Tumango si eomma kay Kurt bago ito bumalik sa kusina. Bumaling si Kurt sakin at humawak sa baba ko bago ako binigyan ng isang mabilis na halik sa labi. "I'll be back." aniya at tumayo na para sundan si eomma sa kusina.
Napangiti ako sa ginawa ni Kurt pero nabalik ako sa ulirat nang magsalita si Chase sa harap ko.
"I kissed you last night. You didn't smile like that." he said in a matter of fact.
"Don't you dare mention that in our house, Chase. Maririnig ka ni Kurt." ani ko sa sinabi niya na may kunot sa noo.
"I want us to talk, Irina." pakiusap ni Chase sakin.
"You want us to talk?" tanong ko at tinitigan niya lang ako na may halo pa ring galit. "Fine, we'll talk. Sumama ka sa'kin." ani ko bago tumayo at nauna sa paglalakad.
We'll talk, alright.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 15
Start from the beginning
