Kinatok namin ang kwarto ni Ina bago ito binuksan. Dito na rin kasi natulog itong si Zane dahil talagang hindi sila pwede maghiwalay hanggang sa magkasundo sila. 

 "Ina?" tawag ko habang si Kurt naman ay nilibot ang buong kwarto ni Ina.

Bumukas ang pinto ng cr at lumabas ang dalawa na parehas silang basang basa ng tubig. Nakabalot ang tuwalya sa baywang ni Zane habang si Ina naman ay ang pantulog niya ang basang basa. 

"Woah!" ani Kurt at agad tinakpan ang mata ko matapos akong hilahin palapit sa kanya.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko?" ani ko na nakakunot ang noo pero di ko pa rin sila makita gawa ni Kurt.

"I did nothing, Irina. Gusto ko lang maligo pero ayaw ng kapatid mo na pakawalan ako so I forced her to come with me." anito sakin.

Narinig kong tumikhim si Kurt bago nagsalita. "Ina, I suggest you take a bath but let go of this guy. Baka magkasakit ka pa bago ang competition niyo kapag natuyo ka ng ganyan." 

"Oo na." sagot ni Ina saka ko narinig ang pagsagot ni Kurt ng 'okay'.

Naramdaman ko ang paghila sakin ni Kurt palabas ng kwarto. Ang huli kong narinig ay ang pagsara ni Kurt sa pinto bago niya tanggalin ang pagkakatakip niya sa mata ko. Napabuga ako ng hangin sa intensity ng nakita ko. Grabe, alam ko namang maganda ang pangangatawan ng barkada sa ganung edad pero ang makita yun ng harap-harapan ay hindi ko kinaya. Paano pa kaya kung si Chase na diba?

Teka, ba't si Chase na naman nasa utak ko? For sure as fvck, panaginip lang yung kagabi. He will never do sh.t.

Pababa na kami ng hagdan ni Kurt. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang nakita kong katawan ni Zane. I'm still amazed. Busy kaming lahat sa studies and they still find time to work out. Hindi naman sila laking bukid or what but damn, that's quite a view.

"Ang ganda ng abs ni Zane, ano?" di ko napigilang sambit kay Kurt. Nakangisi pa ko.

Sumimangot si Kurt sa sinabi ko at medyo nauna sa pagbaba ng hagdan. Umupo siya sa kanina'y inuupuan namin sa sala kaya tumabi ako. Nakangisi pa rin akong nakatingin kay Kurt na nagtetext sa cellphone niya at nakakunot pa rin ang noo.

"I'm still amazed. It's too perfectly well----" naputol ang sinasabi ko nang tumayo si Kurt at iharang ang mga bisig niya sa tabi ng ulo ko.

"Amazed ka talaga?" tanong ni Kurt na parang nang-aasar.

"O-oo naman." sagot ko.

Tumayo si Kurt nang maayos at nginisian ako. Hindi ko gusto ang pagkakangiti sakin ni Kurt. Kung may maaatrasan lang ako, ginawa ko na. Humawak si Kurt sa dulo ng damit niya at nakangising nakatingin sakin, nagbabantang tatanggalin yung t-shirt niya.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now