Lumapit sakin si Chase at niyakap ulit ako. Akala ko yakap lang ang gagawin niya nang ilagay niya ang kanang kamay niya sa pisngi ko at maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Nanlalaking mata akong napalayo kay Chase, takip takip ko ang bibig ko. Parang ang sarap manapak any moment now pero di ko alam kung saan o sino ang masasapak ko.

"I'll come back tomorrow to talk to your parents. You're going with me whether you like it or not, Irina." aniya habang di nakatingin sakin.

"Hindi pwede." ani ko na nakakunot noo at nagawa ko na ibaba ang kamay ko. Bumaling siya sakin na seryoso ang mukha ko na mas ikinagwapo ni Chase. Oh God why?

"I'll find a way. Get inside, it's getting cold and it's late. I'll see you tomorrow." aniya bago humalik sa pisngi ko at talikuran ako ng ganun ganun lang.

Napabuntong hininga ako sa ginawa ni Chase. He freaking kissed me without any permission. Hindi naman ata tama na ganun ganun lang ang ginawa ni Chase and for freak's sake boyfriend ko si Kurt. I promised Kurt that this week is owned by him so I can't go home yet. Susuportahan ko pa si Ina sa competition nila ni Zane.

Nalilitong pumasok ako ng bahay at sinara ang pinto sa likod ko. Binalot ulit ng dilim ang buong bahay kaya't pumanhik na ko papunta sa kwarto ko para makatulog na ulit.

Kinabukasan ay hindi ako mapakali dito sa sofa. Si Kurt ay palakad-lakad na naman sa harap ko at kinocontact niya ata yung secretary niya. Saka ko lang nalaman na napagtripan lang pumasok ni Niccolo at Kurt sa school namin ni Ina para sundan kaming dalawa pero nasa kolehiyo na talaga sila. Nagsayang sila ng pera ni Niccolo para sa amin ni Ina. Habang nasa kolehiyo ay inaasikaso ni Kurt ang kumpanya nila with the help of Niccolo. Number one reason kung ba't sila umuwi ng Pinas.

"Eomma!" sigaw ni Ina mula sa taas kaya napatigil kami ni Kurt sa pagkilos mula sa kanya naming pwesto.

Medyo mabagal na tumakbo si eomma papunta sa pwesto namin ni Kurt bago tumingin sa taas kung saan nanggalin ang sigaw ni Ina. Nang walang marinig na isa pang sigaw ay babalik na sana si eomma sa kusina nang may marinig naman kaming kalabog mula sa taas. Napatayo ako, shock evident on my face. Nagtinginan kami ni Kurt. Nakanga-nga siya habang ang cellphone ay nakatapat pa sa tenga niya.

"Have you seen your appa, Irina?" ani eomma sakin.

"He went out, eomma. Want me and Kurt to check them out?" tanong ko at bumaling kay Kurt.

Tinikom niya na ang bibig niya bago nagpaalam sa kausap niyang secretary. Tumango siya at pinatay ang tawag saka tumingin sakin ng nakangiti. Bumaling rin naman agad siya kay eomma at humawak sa braso ko at nagsalita.

"We'll check them out, tita." aniya kay eomma na may ngiti.

Tumango si eomma at ngumiti. "Alright. Mag-ingat kayo doon sa dalawa, ha?" aniya bago tumawa at bumalik sa niluluto niya sa kusina.

Inalok sakin ni Kurt ang kamay niya na may ngiti kong tinanggap. Pero nang paakyat kami ay ang saglit kong nakalimutan ay bumalik sa isip ko. Napatakip ako ng bibig nang maalala ang nangyari kaninang madaling araw. Hindi ko alam kung nananaginip ba ko kagabi o totoo lahat yun pero masyado lang ako wala sa wisyo kanina kaya hindi ko matanggap.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now