IKA-DALAWAMPU'T TATLO

9 3 0
                                    

Dear: Diary,

Lumipas ang ilang araw at naging maayos naman ang naging daloy nito. Akala ko nga patuloy na aayon sa daloy ng aking plano ang lahat, ngunit ng araw din iyon ay nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa aking kaibigan si CREAMY ICYY.

Ito ang ilan sa aming napag-usapan.

CREAMY ICYY
Active now

CREAMY ICYY
Long time no see, sis! Musta ka na?

Maxine
Ito, ayos naman. Eh, kayo musta na?

CREAMY ICYY
Kayo? Anong pinagsasabi mo?

Maxine
Nako, Creamy. Huwag ka nang magtago sa akin. Alam naman natin na nililigawan ka na ni Thaddeus.

CREAMY ICYY
Huh? Wait, don't tell me mali ang pagkabasa mo sa post niya last time?

Maxine
Hindi kaya, malinaw na malinaw sa akinang post niya. Congratulations sa inyo!

CREAMY ICYY
Wth?

Maxine
Bawal magmura.

CREAMY ICYY
Sorry, pero what? Don't tell me kaya hindi mo ako kinakausap ay dahil 'yun ang inakala mo?

Maxine
Hoy, hindi, ah. Busy lang ako kaya hindi kita na chat. Tsaka mukhang masaya ka na naman na kaya hindi kita nakikitang mag-online.

CREAMY ICYY
Hindi nga nagseselos, pero ano itong nakita kong umiyak ka? Ito rin 'yung kaparehang araw no'ng nagpost siya.

Maxine
Anong pinupunto mo?

CREAMY ICYY
Na iyong post na iyon ang iniiyakan mo.

Maxine
Hindi nga, eh! Pagsinabing hindi. Hindi.
Bahala ka na nga diyan.


Hindi ko na hinantay pang makapagreply siya. Eh, ano naman ngayon kung iyon ang dahilan? Maibabalik ba nila ang luha na aking niluha no'ng mga araw na iyon? Diba hindi?

Pekeng Mundo Series: Reckless LoveWhere stories live. Discover now