Liah 's pov
"Ina anong magandang lugar ang napuntahan niyona ni ama " tanong ko sa aking ina , dahil madalas ako nitong kwentuhan tungkol sa pang yayari nung nag lalakbay pa sila ni ama.
Hilig din kasi ng aking mga magulang na pumunta sa mga lugar kung saan nakaka mangha ang kapaligiran, gayondin ang aking pangarap , kwento ng aking ina noong nag lalakbay palang sila ni ama ay madalas silang mamangha sa mga bagay bagay na nakikita nila sa kabundukan.
" Alam mo liah ang ama mo noon, madalas siyang mag tungo sa kagubatan upang manguha ng makakain namin noon" kwento ni ina habang pilit kong inaabot ang mataas na upuan upang mapakinggan pa ang mga sasabihin nito, masyado kong kinahiligan ang pakikinig sa mga kwento ni ina , kaya diko namalayan ang pag uwi ni ama kakatwang binuhat ako nito at iniupo sa upuan na inaabot ko.
" Ina gusto kodin maranasan ang mga ginagawa niyo ni ama, gusto koring libutin ang mundo at puntahan ang mga lugar na bihira lang mapuntahan ng pangkaraniwang tao " magandang pag kakasabi ko sa aking ina , nasa mata ko ang kagustuhang matupad ang mga pangarap na iyon. Namangha nalamang ang aking mga magulang sa aking mga salita dahil narin siguro na dinila inaasahang sa edad kong ito ay nanaisin ko ang ganoong pangarap, agad naman akong tinabihan ni ama nasa labi nya ang matamis na ngiti .
"Kung ganon ay ipag mamalaki kanamin munti naming liah sapagkat namana mo ang ganyang kagustuhan sa amin ng iyong ina" wari ng aking ama saakin , sobra akong nagagalak dahil disila tumututol sa aking pangarap.
Pag gising ko kinaumagahan ay nagtungo ako sa kagubatan upang puntahan ang aking ama , madalas kona itong ginagawa dahil kinahiligan. Konaring mag laro sa kagubatan. Habang ako ay nag lalakad kakatwang huni ng ibon ang nag papaganda ng aking umaga dahilan para akoy manabik sa aking pag gagala, diko mawari kung bakit ganito ako kasigla .
Napadaan ako sa isang ilog at naisipang mamahinga , malapit narin naman ang akinaroroonan ng aking ama, naisipan kong uminom sa batis at mamitas ng prutas na lagikong ginagawa . Nag patuloy uli ako sa aking pag lalakad ng may marinig akong isang malakas na tunog galing sa kagubatan na kinaroroonan ng aking ama, kabado man ay dali daling tinungo ko ang kinaroroonan ni ama , laking gulat ko ng makita ang isang grupo ng kalalakihang diko namumukhaan na pinag pipyestahan ang nahuli nilang hayop .
Lumakas ang aking kaba ng maybiglang humila sa akin papalayo roon , dipaman ako nakakapag salita ay natigilan nako , sapag tataka at gulat napatitig ako sa isang batang lalaki na hinihila ako patungo sa batis na aking pinag pahingahan. Agad naman niya akong binitawan ng makataring kami roon.
" Ginoo ? Bakit mo ako hinila papalayo roon , ano ang kailangan mo?" Kapos man sa hininga ay nagawa kong itanong iyon ng magkasunod sunod .
" Iniligtas lamang kita sapagkat pagnakita kanila ay magagaya kasakin na kinuha at ginawang kasamahan " sabay upo sa ilalim ng puno at ganoon din ang gunawa ko " sa totoo lamang ay kaninapa kita sinusundan ,ngayun lamang kase ako nakakita ng bata na kagaya ko , ano ngaba ang ginagawa mo rito at nagiisa ka?" Tanong niya sakin.
" A' ano kase , pupuntahan ko sana ang aking ama " wari ko sa kanya.
" Sino ba ang iyong ama? Ano ang kaniyang ngalan? Naka upo man ay di nakaligtas sa akin ang kaniyang magagandang asul na mga mata .
" Ang ganda ng iyong mga mata ginoo " huli na ng mapagtantu ko ang aking mga nasabi.
" HAHAHAHAHA alam mo kakaibaka , ang tinatanong ko ay ang pangalan ng iyong ama ngunit imbis na sagutin ang tanong ko ay pinuri mo ang mga mata ko " sabay tawa ng nakaka loko .
" A' ano kase " nasa himig ng boses ko ang pagkapahiya sino nganaman ang dimahihiya sa lagaykong ito , ang tinatanong niya ay ang pangalan ng aking ama ngunit ang pag puri sa kaniyang mga mata ang aking isinagot , ano ba itong ginagawa ko nakakahiya ang kalagayan ko , natigilan ako sa aking iniisip ng mag salita siyang muli .
" Ako nga pala si drake anong iyong pangalan? " Gulat man ay pinilit kong magpaka Normal. " Umm a' ano ako si.. si .. liah , liah ang pangalan ko " pinamulahanan ako ng mukha sa dimalaman na dahilan , kaya agaran akong tumalikod sa kaniya .
" Alam mo ang ganda ng pangalan mo , at hindi madaling kalimutan " napa ngiti ako sa kaniyang mga tinuran, ano't itong natatawa dahil lamang sa pag puri niya ng aking pangalan " ikina gagalak kong makilala ka liah " sabay harap ko sa kaniya , dahil kabastusan lamang ang aking gagawin kung di ako haharap sakaniya .
" A' akorin , ikina gagalak kitang makilala drake " sabay ngiti naman sa isat isa . Mag sasalita palang ako ulit upang itanong ang kaniyang tirahan ay natigilan ako dahil sa napakalakas na sipol .
" Liah kailangan konang umalis , hanggang sa muli nating pag kikita " nalungkot ako sa aking narinig , pero bago paman ako makapag salita ay bigla niyang dinikit ang dalawang daliri niya sa aking noo upang ako ay mawirduhan , ngunit sa kabila non ay ibang pakiramdam ang naidulat non dimaipaliwanag na pakiramdam .
" Pa alam na liah " sabay takbo papalayo sa akin .
Nakakalungkot isipin na dikomanlang nalaman ang kaniyang tirahan, at kung ano ang kaniyang ginawa upang makaramdam ako ng ganoong klasing pakiramdam nangayun kolang naranasan. Mag kikita pakaya kami, walang kasiguraduhan iyon .natigilan ako sa pag lalakad ng marinig ko ang boses ng aking ama na sinisigaw ang pangalan ko at papalapit na ito sa akin..
Pag papatuloy.....
YOU ARE READING
ANOTHER WORLD (ON GOING)
Fantasysaang mundo ba ako na bibilang? isang batang babae ang biniyayaan ng pambihirang kakayahan , ano kaya ang kaniyang ma raramdaman kapag ito ay kanyang ma tuklasan ..
