Chapter 52

127 12 3
                                        

CSS 52| Promises

“Nasaan ang anak ko?!” Ivory's mother was hysterical. My hair was in a mess the whole time. Natatakot na baka makunan o malaglag ang bata. “Rossweisse!” Sigaw nito, agad akong nakatanggap ng malutong na sampal. “Anong ginawa mo sa anak ko?!”

“Tita––” she was about to slapped me again when a hand stopped her, it was Tito. “I-I'm sorry po..” Wala akong ibang masabi, natatakot sa pwedeng mangyari. Wala ni isang nagsalita sa amin habang hinihintay ang doctor, umiiyak pa rin si Tita.

“Kapag may nangyaring masama sa anak ko, hindi kita mapapatawad..” Those words weigh to heavy. I was lost, it was like Ivory and her child life is in danger and it's my fault.

Hindi ko na nakayanan at napagpasiyahan ko munang iwanan sila. I need an fresh air to breathe, this day is a disaster.

“R-Ross..” Napatigil ako sa paglalakad ng makita siya, tulad ko'y mukha itong pagod na pagod. “K-Kumusta siya?” Nangangatal ang mga kamay nito. “K-Kumusta si Ivory?”  I closed my eyes tightly.

“I'm afraid that there's a big chance of miscarriage. But don't worry we will do everything.”

Remembering doctora's words, I snapped. “Hindi ba sabi ko sayo mag-uusap nalang tayong dalawa?! Ng tayong dalawa lang?! Pero hindi ka nakinig! Ngayon nasa loob si Ivory at walang kasiguraduhan ang bawat mangyayari! Dahil sayo Deiry! Dahil sayo!” Sigaw ko, hindi ko na alam. My mind went blank.

“Bakit kayo ganiyan sa akin? Bakit lahat nalang kasalanan ko? ” I stared at her, my mouth gaped open. “Porket kaya kong mag-isa, kaya ko lahat sinasaktan niyo ako ng ganito.. H.. H-Hindi n'yo man lang ba naiisip na.. na baka nahihirapan din ako? Na baka pagod na rin ako..” I looked away. “Ang selfish n'yo.. Sobrang selfish n'yong lahat... Totoo nga siguro na walang taong magtatagal sa akin.. G-Ginawa ko naman ang lahat ah, nagparaya ako, inayos ko naman ang ugali ko, nagbago ako.. Pero bakit ngayon kasalanan ko pa rin?” Deiry eyes were pooling with tears. “Ako yung sinaktan gusto kong magalit pero it turns out hindi pala pwede. Na hindi pala ako pwedeng magalit kasi.. kasi.. kasi deserve kong masaktan? Ganoon ba? Ako yung sinaktan niyo eh, hindi naman siguro ako nagkulang?”

I felt a lump on my throat having a hard time breathing. Ngayon lang siya nagsalita, ngayon lang. Ni minsan sa loob ng tatlong taon hindi ko siya nakitang nagsalita patungkol sa lahat, ni hindi ko siya narinig magsabi o umiyak.. Ngayon lang..

“Kayong lahat.. Ni minsan ba pinahalagahan niyo ako? Malas ba ako? Wala ba talaga akong dulot na maganda? Naghihirap din naman ako pero wala ni isang tumulong.. Kailangan din kita pero busy kang tulungan ang ibang babae kaysa sa akin.. Nalulunod din ako sa lahat pero bakit pinili mo akong mas lunurin? Girlfriend mo ako pero parang ang dating ay ako ang dapat makihati at mag-adjust? ” Deiry closed her eyes. “Hindi ako nagreklamo kasi sabi ko sa sarili kong kaya ko pa, k-kakayanin ko pa. ” Tumawa ito ng pagak. “Hindi na.. Hindi na ako susubok ulit, ayaw ko na.. Aakuin ko lahat ng sisi kapag may nangyaring masama sakanya. Huwag kang mag-alala Rossweisse hindi na kita pahihirapan.. K-Kung gusto mong manatili sa tabi ni Ivory sige.. A-Ayos lang, kung saan ka masaya.. H-Hindi na ako magiging pabigat sayo.. A-Ako na mismo.. A-Ako na mismo ang aalis.. B-But there's something I want to ask..” Her eyes were begging.. “D-Did you ever love me? In those days, months and years did you ever felt the love?” Hindi ako makasagot, hindi ko magawang ibuka ang bibig upang magsalita. “I guess not, I remembered that,” she chuckled. The light of hope left on her eyes faded. “Oo nga pala pinilit kitang mangako noon na sasabihin mo lang ang katagang Mahal kita  sa babaeng tunay mong minamahal. At ngayon malinaw na.. na hindi naman talaga ako...” Deiry stormed off and left him there.

I can feel my heart contracting in pain, I can feel it wrenched away from my ribcage. Ang dami kong iniisip, ang dami kong oras para gumawa ng paraan..

Pangako, ang dami kong pangakong natupad mula sa iba't ibang tao pero nakalimutan ko ang kanya.. Wala akong tinupad ni isa sa mga pangako ko kay Deiry..


━─━────༺༻────━─━

Morning came I never left the hospital. The doctor said Ivory needs some rest, thankfully her baby is safe and sound despite of the bleeding incident. Nakabantay lang ako sakanya habang natutulog ito sa kama. Umalis na rin ang magulang nito para asikasuhin ang mga bagay-bagay.

In short I was incharged on Ivory again.

Pinuntahan ako kanina ni Mama dito sa hospital para makibalita sa nangyayari, nagtanong siya ng nagtanong pero wala ako sa mood sumagot. Sinabi rin pala ng mga magulang ni Ivory ang tungkol sa kasal. Hinihintay ko ang tawag ni Deiry at reply niya sa mga message ko pero ni isa wala, hindi ko siya mapuntahan para makahingi ng tawad dahil busy ako kay Ivory.

Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Iwan ang babaeng nagdadalang tao na nasa panganib ang buhay at iwan ito para kay Deiry na sigurado kong nasa tabi niya si Dorothy? I laughed bitterly.

Mga salitang binitawan ko dati, mga mura ko sa mga ginawa ni papa. Babalik din pala sa aking lahat, ngayon ako naman ang gago. Nasa sobrang gago ko hinayaan kong magkagulo ang mga tao sa paligid ko.

“R-Rossweisse?” Taranta ko siyang nilapitan..

Agad ko itong inalalayan.. “Dahan-dahan lang ah, huwag masyadong mag-gagalaw..” Paalala ko rito.

Ivory roamed her eye.. “A-Ang baby ko?” There's a hint of worry on her eyes, “a-ayos lang ba?”

I nodded as an answer, “oo naman.. Kaya magpahinga ka ng mabuti..” Sumunod naman ito sa sinabi ko pero alam kong gusto niyang magtanong. “Nandito kagabi ang parents mo kaso umalis rin.. Babalik daw sila mamaya,” sinimulan ko ng balatan ang mansanas at hinati-hati ito pagkuwana'y ibinigay sakanya.

“S-Si Deiry?” I stilled.

I shooked my head instead of answering her with a smile. “Hmm, mas mabuting huwag ka na munang mag-isip ng kung ano-ano. ” I eyed her. “Bakit ayaw mong sabihin kung sino ba talaga ang ama niyang baby mo? Ivory mahirap na lumaki ang bata ng walang ama––alam na alam ko iyon dahil malaki na ako ng magkaayos kami nina mama at papa.” I tried explaining things on her, tears fell from the side of her eyes.

“Ross, he wouldn't.. He will not take the responsibility, I know it very well..” She broke down. “It was one night stand, we're both drunk when we did it. He's a well known bachelor, he is ruthless. Hindi niya tatanggapin..”

“Pero sooner or later baka kumalat na ang balita. Hindi ka kasal pero nagkaanak ka. Problemado ang mama mo sa lahat ng nangyayari. Naghahanap ang pamilya mo ng lalaking magpapakasal sayo para takpan ang eskandalong ito..”

Meeting her eyes pleading and begging, “c-can you then accept it? C-Can you be the father, Ross?”


﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Promises

Sitio Series 2: Capturing Scintillating Scenery Место, где живут истории. Откройте их для себя