Chapter 31: Their Connection

Start from the beginning
                                    

Kinabahan ako sa sinabi niya. I sighed. He's probably right. I don't want to ask anymore questions. I need to rest. Ihinagis ko sa kanya ang telescope. Sinalo naman niya 'yon gamit ang isang kamay. I contacted everyone through Claudette's telepathy. Sinabi ko sa kanilang magpahinga na sila para bukas. Sinabi ko na lang na may magbabantay para sa kanila at wala pang balak sumugod si Jeanne ngayong gabi. Sinunod naman nila ang sinabi ko.

"Will you be fine?" I asked Cyrus. He nodded. Actually, hindi ko alam kung paano ang tamang pagtrato sa kanya. 

Bigla kong naalala ang nangyari kaninang umaga. "I saw black smokes surrounding the academy this morning,"  I said worriedly.

Umiling siya. "Pinaglalaruan lang kayo ni Jeanne. She wanted to make you all restless. Tiyak na mas madali kayong talunin kung wala na kayong sapat na lakas para lumaban," he answered.

I see. She's a clever girl to do that. I nodded. Isinandal ko ang ulo ko sa railings. I closed my eyes. For now, I will believe in him. Hindi ko na siya magawang tanungin pa. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. I don't know how to express my feelings. I couldn't believe, I could see my son in this time.

****

Friday. Maaga akong nagising. Cyrus was still widely awake and alert. I stood up.

"How's everything going?" seryosong tanong ko sa kanya. Umiling siya na ikinakunot ng noo ko.

"She's not yet moving. It's suspicious. Maybe she's still waiting for something. The new moon," he answered. "Now that you're awake. I will now leave and sleep."

"Wait. I have a question. You're from the future. Did you know that something like this will happen in our time? May alam ka ba sa maaaring mangyari ngayong gabi?" umaasang tanong ko sa kanya. Mas maganda sana kung may alam siya sa mangyayari. Makakatulong iyon upang makapaghanda kami kahit kaunting oras na lang ang natitira.

"Hindi makakatulong ang nalalaman ko. The past has been changed. It was very different. In the book written by Frances, you're the one who had been controlled by the darkness. But now, it was Mom. I don't have any idea. I'm also waiting for tonight's outcome," he said. Napansin ko ang kaseryosohan sa boses niya. Sa tingin ko, malalim ang iniisip niya. Pero nagulat ako sa sinabi niya.

"Bakit hindi na sa 'kin napalipat ang kapangyarihan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

He looked at me. "Natatandaan mo ba? Biglang dumating si Elysha. Actually, ikaw talaga ang balak niyang pasahan ng kapangyarihang 'yon. She's actually desperate to die and be free from darkness. And then Jeanne interfere. She controlled Elysha. Elysha attacked Mom and accidentally transfered her ability. Kung wala si Jeanne sa panahong ito, darating pa rin si Elysha na magiging dahilan ng kaguluhan," he explained. "I can't explain everything. We don't have enough time. Ipapaliwanag ko na lang ang iba sa 'yo kapag nakakuha ako ng pagkakataon. Bye," he said. Bigla siyang naglahong parang bula sa paningin ko. Hindi ko na nagawang magtanong pa.

I sighed. Dahil sa sinabi niya na hindi pa gumagalaw si Jeanne, nagpasya akong pumunta sa underground basement para makita si Xyra. I'm really worried about her. Nagdala ako ng pagkain para sa kanila ni Xavier. Tiyak na takot na takot na siya sa maaaring mangyari sa kanya.

Pagpasok ko sa loob ng room, napansin ko na gising na ang dalawa. Xyra seems restless. Mukhang hindi siya nakatulog nang maayos. She gave me a faint smile when she saw me. She looked pale. I know she's not feeling well.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"I'm fine. Nanaginip lang ako nang masama," she answered.

Kumunot ang noo ko. "About?" tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Nothing. Just some random dream. Masyado lang naii-stress ang utak ko kaya kung anu-ano ang napapanaginipan ko. Ano'ng nangyayari sa labas? Is everything going smoothly?" she asked.

Ibinigay ko kay Xavier ang pagkain niya. Lumapit ako kay Xyra. "Everything's fine. You don't have to worry about us," I answered. "Huwag mo nang isipin 'yon. Just eat for now," I added. She looked at me doubtfully. Halatang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. But she didn't complain. Tahimik na sinunod niya ang sinabi ko. I'm glad she's being obedient. 

I was looking at her the whole time. I don't want to miss every bits of her. Natigilan siya sa pagkain at nagtatakang tumingin sa 'kin. I smiled. She frowned. 

"You're acting strange," she said. Well, I don't think anyone can act naturally or care-free in this kind of situation. I laughed weakly and ignored what she said. Marahan kong hinaplos ang buhok niya. Kaunting oras na lang ang nalalabi sa 'min. I must do my best for her. For our future.

-----------------

TO BE CONTINUED...

Author's Note:

Hello readers! LOL. Ang tagal kong mag-update 'no? haha.. Sorry for making you wait. Thanks for reading this story <3 Take care always and God bless.

P.S. Nahihirapan akong mag-decide para kina Clauss at Xyra. :3

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessWhere stories live. Discover now