Meet and Greet!

5 0 0
                                    


"Sean... Sean.. naririnig mo ba ako?"


Napakahimbing ng tulog ko noon, hindi ko na ata namalayan ang oras bukod sa higit sampung minuto na ang nakalipas, patuloy ko parin hinahanap ang boses ng isang lalaking na paulit-ulit tinatawag ang pangalan ko.


"Sean...Sean...."


Wala akong makita kundi isang silhouette ng isang anyong tao, pero isa lang masisisguro ko, hugis lalaki ang katawan nya, nakasuot ng long sleeve, naka pants, pero hindi ko matukoy ang kulay dahil sa liwanag na sumisilaw sa mga mata ko.

Hanggang malakipas ang ilan pang mga minuto.


"S-E-A-N!, Sean. Aba namang bata to mag a-alas otso na, liligo kapa"

*Knock-Knock-Knock*


Panaginip lang pala, pero sa panaginip kong yun, sobrang saya ko, sobrang gaan ng pakiramdam ko, dama ko ang paligid, hindi masyadong malamig, hindi masyadong mainit, pero mas intiresado ako sa lalaking hindi ko masilayan ang kulay o mukha.


"Sino kaya sya?"


Pilit akong binu-bunga-ngaan ng aking mama, kaya wala akong choice kundi ang mag madali, dinakip ko ang nakahayin na tinapay sa lamesa pag-katapos ko maligo, wala akong masyadong nilagay na gamit sa loob ng aking bag bukod sa iisang notebook at ballpen, hindi dahil sa tamad ako, kundi wala pa akong idea kung ano ang mga personal things na kailangan sa school namin, at dahil narin first day.


"Bye ma, love you"-Sean.


Bilang pag-galang sa aking mama, malimit akong mag goodbye kiss, pwede nyo kong tawaging "mamas boy". Sa totoo nag-iisang anak lang ako, wala na si Papa, kaya kami nalang ni mama ang nag tataguyod sa aming pamilya, pero wag kayong malulungkot kasi hindi naman kami tulad ng ibang na sa teleserye, pag hindi kumpleto "Poor" na kung tawagin. Malimit kami magkulitan lalo na kung marami akong free time, na-e-enjoy namin ang time namin ni mama sa panonood ng mga movies.


"Toy, toy!, nag bayad kana ba?"-manong.

"Nako sensya na po"-Sean.


Sawakas nakarating na ako sa campus namin kahit medyo late. Sobrang na e-excite ako pati pag babayad sa jeep nakaligtaan ko. Gustong-gusto ko talaga ang first day of school, hindi dahil sa meet and greet, kundi sa mga possibilities na kakitaan ko kung mag e-excel ba ako. I had a bad experience sa previous school ko, pero hindi naman ito ang dahilan kung bakit ako nag transfer, will lang ng mother ko na lumipat kami ng tuluyan dahil sa kanyang job, at hindi ko syempre pwede iwan si mama.


"Hi po kuya, uhmmm pwede mo namin kayong video-han? para lang po ito sa documentation ng mga officers"-Officer

"Ahhh sige"-Sean.

"So, kuya tell me about yourself, konting intro lang, okay na kami dun"-Officer


Tinapat saakin ng isang officer yung kamera, mejo hindi ako mapalagay kasi nginig talaga ako sa mga ganitong activity, pero dahil in-need sila kaya kailangan ko pag-bigyan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Saw Your SilhouetteWhere stories live. Discover now