Prologue

28 2 0
                                    

"Kasumpa-sumpa, sana tamaan ng kidlat ang lalaking 'yan," bulong ni Sicy sa sarili habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa harap ng isang restaurant sa Makati.

Nagngitngit ang kaniyang mga ngipin nang makumpirmang siya nga ang lalaking nagparanas sa kaniya ng impyerno!

Bakit sa lahat ng makikita ay ang lalaki pang 'yan? Buhay pa pala siya!

Nagmamartsa akong tumalikod. Parang lulubog na ang bawat mahakbangan ko dahil sa diin nang pagkakatapak.

"Wait for me!"

Mariin kong kinagat ang labi. Humarap sa kaniya at malutong na tunog ng paglapat ng kamay ko sa pisngi niya ang narinig.

"Ouch, why?"

Peke akong ngumiti. "May lamok ka kasi sa pisngi." Tumalikod ako at nagmartsa ulit palayo sa kaniya.

"Ano bang kasalanan ko sa iyo?" Hinabol ako ni Nel Jan, hinawakan ang braso ko at marahang tumitig sa mata ko.

"Kapag hindi mo ako binitawan, ilulubog kita sa kinatatayuan mo!" Mariing sambit ko.

Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ko. "Tell me, then."

"Tell you, then, mong utot mo!"

"Huh?" Pumorma ang ngiti sa labi niya.

Hindi na ako ulit papadala sa mga pambobola ng lalaking ito. Kung noon, ngumiti lang siya patay na patay na ako sa kaniya. Ngayon, ang sarap paulit-ulit na paliparin ng palad ko sa pisngi niya.

"Sicyrene Barameda, what is your problem?" Inayos niya ang salamin. Kahit nakasalamin ang lalaking ito, guwapo pa rin siya.

Nakikita ko ang singkit na mata niya, ang matangos na ilong, double chin, hindi ganoon katangkad, pero masasabing may height naman.

Sino ba naman ang walang height?

"Tell me, why are you mad at me?"

"Alam mo," madiin kong sambit. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko. "Kausapin mo na lang ang sarili mo baka may makuha ka pang sagot." Nagmadali nanaman akong maglakad.

"Dead, I hate following someone!" Habol siya nang habol sa akin. Hinawakan niya ang braso ko.

"Then don't!"

"Nagtataka na talaga ako kung bakit ganyan ka? Wala naman akong kasalanan sa iyo."

"Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!" Sinapak ko siya.

"Ouch!" Inis niyang ginulo ang buhok. "Kanina ka pa sapak nang sapak! Kapag hindi ka tumigil, hahalikan kita!"

"Subukan mo, paduduguin ko 'yang labi mo!" Akmang tatalikod ako, pero dahil galit talaga ako sa kaniya. Sinuntok ko ang labi niya.

"Aray!" Sunod-sunod na mura ang binitawan niya. "Sicyrene!"

"That was just physical wound. Walang-wala sa sakit na naidulot mo."

"Huh? Nagkakilala na ba tayo dati?"

Gumapang ang kirot sa dibdib ko. "H-hindi." Pinigilan ko ang pagsungaw ng likido sa aking mata.

Hindi mo talaga ako kilala, eh, 'no? Kasumpa-sumpa ka talaga!

May mga lalaking huminto sa harap namin.

"Si Nel Jan!"

Ito na nga ba ang kinatatakot ko, ang madamay ulit sa gulong dala-dala niya.

Mabilis na hinawakan ni Nel Jan ang kamay ko. Kumaripas kami ng takbo dahil hinahabol lang naman kami ng grupo ng mga kalalakihang galit sa kaniya!

Mura ako nang mura. "Tandaan mo ito, Quijada! Isinusumpa talaga kita!" Ang dami kong reklamo habang tumatakbo.

Patay kami kapag naabutan kami ng mga lalaking iyon. May mga hawak silang baseball bat, kahoy at ang iba ay may mga bakal pa sa kamay.

"Kapag namatay ako nang dahil sa iyo, mumultuhin talaga kita!"

"'Wag kang maingay! Tumakbo ka na lang!"

"Sino nanaman ba ang mga 'yon? Kaaway mo nanaman? Matanda ka na nakikipagbasag-ulo ka pa rin!"

"Shut up!"

Lakad, takbo na ang ginagawa namin. Muntik-muntikan pa kaming maabutan ng ilan. Tagaktak na ang pawis ko at pagod na rin ako.

"Nel Jan!" May isang lalaking humampas sa likod ni Nel.

"Nel Jan!"

Mabilis na sinipa ni Nel ang lalaki tinamaan ito sa tiyan niya matapos ay sinuntok sa mukha. Talagang hindi kukupas sa galing makipagbasag-ulo ang isang ito.

"Let's go!" Hinila niya nanaman ako. "Kapag naabutan nila tayo, magtago ka!"

"Ipapakulam na talaga kita! Wala ka nang ginawa sa buhay ko kung hindi kamalasan!"

"Bakit ba galit na galit ka?"

"Itanong mo sa lolo mong panot!"

"Wala na akong lolo."

"Lola!"

"Really? Ngayon pa tayo magtatalo?"

"Really? Ngayon pa tayo magtatalo?" Panggagaya ko sa kaniya. Inirapan ko pa siya.

"Dito tayo!" Hinila niya ako paupo sa halamanan.

"Kapag talaga nabugbog ako, mapapatay na talaga kita!" Sinabunutan ko siya.

"You're safe when I'm with you."

"Oo nga pala, ikaw si Master."

"Master? Kilala mo talaga ako?"

Napairap ako. Ikaw lang naman ang hindi nakakakilala sa akin. Sa babaeng iniwan mong sugatan, duguan, luhaan at wala nang pag-asang mabuhay. Kung alam mo lang kung anong ginawa mo sa akin baka ikaw na ang magsumpa sa sarili mo.

"Ano nga?"

"Master ka, master sa pagpapaiyak ng mga babae, master sa pang-iiwan, master sa lahat ng katarantaduhan!"

"Diretsuhin mo na! Anong kasalanan ko sa iyo?"

"Alamin mo!"

May mga tao talagang akala natin sila na. Ibinuhos, ibinigay ang lahat-lahat, pero sa huli talo pa rin tayo. Talo pa rin tayo dahil hindi talaga tayo minahal. Ginawa nating mundo ang akala nating totoo. Napaglaruan lang tayo ng tadhana. Pinaglaruan lang tayo dahil hindi tayo mahalaga.

Tumulo ang luha ko. Masakit na, masakit pa rin kahit ang totoo ang tagal na panahon na.

Ayaw kong pasukin ulit ang mundong nagpagulo sa buhay ko.

DREADFUL GANG (I LOVE YOU SERIES #4)Where stories live. Discover now