Pumito ang referee hudyat na magpapatuloy ang game. Dikit naman ang score ng dalawang team, iyon lang ay lamang ng dalawa sina Jarrell. First quarter pa lang naman kaya hindi pa masyadong nakakakaba. Chill lang.

''Alam mo, hindi talaga maganda ang kutob ko riyan sa banner mo, Lucy,'' ani Bea ulit. 

''Edi magpa-check up ka. Baka may mali na sa puso mo.'' Humalakhak ako at saka pinasadahan ng tingin ang court. Kasama sa mga naglalaro si Jarrell kaya't agad akong tumayo.

''JARRELL! I LOVE YOU!'' I shouted with all my heart. Ang mga kasama naming nakaupo sa courtside ay malisyoso akong tinapunan ng tingin. 

''Lucy! Nakakahiya!'' saway ni Bea. Hindi ko siya pinansin.

''TALUNIN MO SILANG LAHAT! MGA PANGIT!'' dagdag ko. Napansin ko ang pagtingin ni Jarrell at ang pagtawa niya nang napagtanto niyang galing iyon sa akin. Agad akong kumaway at nag flying kiss.

''Hindi 'to beauty contest, gaga!'' muling wika ni Bea na tinatakpan ang mukha, mukhang nahihiya.

Tumawa lamang ako at muling umupo. Inayos ko ang suot-suot kong dark blue na jersey top ni Jarrell. Ipinares ko lang sa isang high-waisted na maong shorts. 

The game continued. Mabilis ang naging takbo ng laro at halos himatayin na ako nang mag 4th quarter. Dikit ang score ng dalawang team at isang minuto na lang ang natitira. Nasa amin ang bola at hawak-hawak ni Jarrell iyon habang tumatakbo sa side namin. 

Tatalon na sana siya sa 3 point mark nang hinampas ng kalaban ang braso niya, which made the referree call a foul. Agad akong napatakip ng bibig dahil sa gulat at napatayo habang ang mga katabi naming manood ay napa-awang ang bibig. Nasa side pa naman kami ng Ateneo! 

''Hoy! Ang pangit mo! Hindi ka ba marunong mag-laro?!'' sigaw ko nang nagtitigan 'yon at si Jarrell. 

''Lucy!'' mariing tawag ni Bea. Hindi ko siya pinansin.

Inawat sila ng referee kaya lumayo na sila sa isa't isa. Tumayo si Jarrell sa freethrow mark at naghanda nang mag-shoot. Habang nagd-dribble siya ay hinanda ko na ang banner na ginawa ko. 

This is the moment!

Tahimik ang buong arena at nakatuon ang atensyon ng lahat kay Jarrell na naghahanda na upang i-shoot ang unang freethrow. Ang bench ng aming university ay hindi gumagalaw dahil sa kaba. I'm sure they trust him, not because he is the star player but because he's really, really good with his craft. Iyon nga lang ay nakakakaba talaga ang ganitong sitwasyon! Tie ang laro at kapag nai-pasok niya ang dalawa, siguradong panalo kami! 

Kung hindi, edi goodbye!

After two dribbles, his first freethrow missed the basket. 

''Oh!'' I loud growl from the audience, who are apparently Ateneo's alumnus and fans. Siguradong natuwa sila dahil hindi pumasok ang unang freethrow!

''Shit! Mukhang matatalo tayo, ah!'' ani Bea, tensyonado.

''Huwag ka nga'ng nega!'' sagot ko. Bad energy would only manifest bad result. We do not need that!

Umirap ako at malalim na huminga bago tumayo nang tawid. Pumikit ako at unti-unting tinaas ang banner na ginawa ko. Napalunok ako dahil sa antisipasyon. Ngayon lamang ako kinabahan nang ganito dahil sa isang basketball game. Usually naman ay nakiki-ride lang ako Kina Kuya Ismael at Kuya Roman noong bata-bata pa kami na at sinasama kami ni Daddy. 

Kaya ngayong may sinusuportahan ako, nakakapanibago. Ganito pala ang feeling!

It was so quiet yet loud when I raised both of my hands, proudly holding the banner. Tahimik ang mga nanonood ngunit sobrang ingay naman ng mga nagtatambol kaya't mas nakakadagdag sa kaba. Ilang segundo pang nakapikit ang mga mata ko bago binuksan iyon nang makarinig ng mga nagtatawanan sa paligid.

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon