"Don't you know that? No one will actually like you for real! Pa-high standard ka kasi na pabebe pero pumatol naman kay ano- oops! Should I say his name? Nako! Baka sabihan ka nila na assuming kaya huwag na lang. Mabait naman akong kaibigan, e!" mahabang sabi ni Attila.

Gustong-gusto ko nang umiyak nang bigla niyang kuhanin ang salamin ko kaya wala na akong makita.

"Attila, pakibalik na-"

Hindi ko nagawang maabot kaagad si Attila dahil sa mabilis niyang pag atras. Natatakot naman ako na baka madulas ako dahil sobrang labo ng mata ko.

She then laughed so hard.

Nakita ko na natigil na rin ang shooting sa labas. Umusbong ang galit sa akin nang makita ko si River na binubuksan na ang gate at nagtatangka nang pumasok.

Malabo ang pigura niya pero sigurado akong siya iyon.

Sigurado rin akong sasali siya sa eksena.

Nakakainis.

"Aww! The baby Maria's gonna cry na-"

"Will you stop your nonsense talk now?" usal ko na.

Ayaw kong dagdagan pa sana ang aking sasabihin. Ayaw kung magsalita sana hangga't maaari dahil malaki ang tyansa na maiyak ako upon talking.

Pinagpagan ko ang damit ko na nagusot at marahan na sinuklay ang aking buhok gamit ang daliri.

I sighed, trying to gain some confidence to face Attila.

Mas matangkad ako, mas nasa tama ang pag-iisip ko.

"Why? Did I get overboard ba? Masyado na ba akong savage woman-"

Attila's about to laugh again when I had the courage to talk.

"You're not a savage woman," mariing putol ko sa kaniya. Bahagyang kumunot ang aking noo nang malapit na si River.

Muli kong binalingan si Attila.

Kailangan kong makaalis sa posisyon na ito bago pa sumali sa eksena si River.

Baka lalo akong mapahamak at hindi na magkaroon ng tyansa na... makasama siya.

"You're not a savage woman. You're just insensitive, hypocrite, and narcissist bitch. You're not a woman," dagdag ko nang taas noo.

Natahimik ang lahat. Pati si River na palapit ay natigilan din dahil sa sinabi ko.

Ramdam at rinig na rinig ko ang tibok ng aking puso dahil sa sobrang kaba.

"That's you. Don't lose your compass, Attila," huli kong sabi bago siya lagpasan.

Nadaanan ko pa si River na mabilis na humawak sa kamay.

"You let go of my hand or I won't ever talk to you again?" galit kong banta.

"I..." usal niya at saka ako tinitigan sa mata. Binitawan din naman niya ako. "I'm so sorry, you may go."

Mabigat ang aking loob nang dumeretso ako sa washroom ng Valdemor.

Naluluha na ako nang makapasok sa banyo pero pilit kong pinigilan.

Pinilit kong kalmahin ang aking sarili. Hindi ko nakuha ang salamin ko kaya hirap na hirap ako sa pagkapa ng mga bagay.

Tsk.

Dapat talaga ay pumayag na ako sa kagustuhan ni Kuya Gi na mag contacts kapag ganito, e.

Bumuntong hininga ako at naupo sa lababo sa loob ng C.R.

Hindi ko na alam kung dapat pa ba akong bumalik matapos ang kahihiyan na nangyare sa labas. Nakakahiya. Nasa ibang school pa naman ako. Dito pa ako nag eskandalo.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Where stories live. Discover now