"Mama, I can't breathe." I cried softly. Impit ang pag-iyak ko dahil baka lalo niyang ikagalit ang paghagulhol ko.

Mom heard nothing of my cries and continued to hug me tight. Her nails buried at the tender flesh of my back and her arms were nearly crashing the small bones of my 6-year old body. Pansamantala siyang kumawala upang iabot sa akin ang mga gamot na mula sa bulsa ng kaniyang nightgown. 

"Inumin mo ito. Matutulog na tayo." Bulong niya.

Those were the same vitamins she would always give me. But they were too many and even when I was young, I knew that amount would kill me. 

Umiling ako kasabay ng paglandas ng aking mga luha. Lalo niya iyong ikinagalit. Umalab ang kaniyang mga mata at pinanggigilan ang hawak sa akin.

Pilit niyang isinubo sa akin ang mga tabletas. Patuloy sa pag-agos ang aking mga luha habang ibinabaon niya ang mga kuko sa aking pisngi.

"Come on, love. Drink it." She begged desperately. Dumadaloy na rin ang luha sa kaniyang mga mata kahit pa may bahid iyon ng galit.

"Drink them. Matutulog na tayo." Paulit-ulit niya akong kinumbinsi. 

"Your father doesn't love us anymore. He will be happy if both of us will just sleep." Her voice kept breaking. She was scary but my heart swelled for the pain that was mirrored in my mom's fragile eyes. 

Sa una ay malambing ang mga pakiusap niya ngunit nang patuloy akong tumanggi ay umapoy ang galit niya. When I still refrained from her commands, her hand went on my neck. She began to strangle me.

"Why won't you listen to me!" Galit na galit siya habang patuloy akong sinasakal.

I felt the constriction of my lungs and the immense pressure in my throat. I couldn't gasp for the tiniest air. Panay ang iyak ko dahil hindi na ako makahinga. I was ready to give in until the bedroom's door violently crashed open.

"Alessandra!" The hysteria in my Auntie Camila's voice was the last thing I heard. 

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay pinanatili na ng mga Auntie ko ang distansiya ko sa aking ina. Madalas akong naroon lang sa aking silid.

Sa tuwing gusto kong mas mapag-isa, tumutungo ako sa attic. Minsan ay nakikita ko ang pagpasok ng isang doktor sa kwarto ni Mama ngunit bukod doon ay hindi ko na siya muling nalapitan. 

Nang sumunod na araw ay na sa attic nanaman ako, tinatanaw ang abalang azucarera. Nilingon ko ang kalendaryo sa isang sulok. Ika-12 na ng Hunyo. Espesyal ang araw na ito kaya naisipan kong tumakas muli sa mansiyon.

Bitbit ang kulay brown na sapatos ay tinungo ko ang likod ng mansiyon. Tumakbo ako patungo sa maliit na gate hanggang sa marating ko ang azucarera. It's early in the morning so the sunrays aren't that harsh even when I was walking in the wide fields. Tinunton ko ang parehong daan noong unang araw ko rito sa Claveria. 

Maya-maya pa ay natanaw ko na ang maliit na sapa sa dulo ng taniman. Ang kabilang bahagi ay punô ng natabas na mga tubô at natatanaw pa rin ang matayog na mga bulubundukin sa ibayo.

"You're here!"

Halos mapatalon ako nang marinig ang masiglang boses ng isang batang lalaki. He was in the same brown suspenders paired with a brown shorts and another oxford boat shoes. On his head was a wool beret cap which pressed his curly brown hair to his eyelids. 

Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa mga natabas na tubo. Tinanggal niya ang suot na sumbrero upang salubungin ang aking mga mata. 

"You came back." Aniya. 

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Where stories live. Discover now