"Do you really have a death wish?" Seryosong tanong nya. Hindi ko mabasa ang mukha nya kung galit ba sya o ano.... ang poker face naman kasi.

"Ummmm medyo?"

"Pansin ko nga."

Napangisi sya at inalalayan nya ako para maayos ang pag-upo ko all the while, hindi ko napansin na nakapigil hininga pala ako at pakiramdam ko nag-s-slow motion ang paligid ko. My gulay! Nagpapapansin na naman itong puso ko, feeling insecure at nagwawala! Geeeezzz!

Binigyan nya ako ng orange juice at yung minicrowave nyang chicken sandwich. Kuwari masyado akong engross sa pagbubukas ng juice at ng pagkain, para lang magka-time akong i-kalma ang puso ko!

Naku Ryu! Kung alam mo lang ang epektong bibigay mo sa akin!!! Kasalanan mo talaga kung magkasakit ako sa puso! At umupo ka pa sa tapat ko ha? Pwede namang sa gilid gilid at ng di ko masilayan ang kagwapuhan mo! Anong gusto mong mangyari?? Nang-aano ka e!!! huhuhuhu!

Naku naman..... please my heart.. makisama ka naman kung ayaw mong matorta!

I cleared my throat.

"Ummm... Ry... Kelan mo pa nalaman?" Inuulit ko ang tanong ko kanina without having eye contact.

"Matagal na din." Tipid na sagot nya. Inaantay ko ang kasunod na sagot... pero mukhang walang balak mag-explain. Fast talk ba ito?

"How?"

"I have my ways."

Ooookay.... Ayaw magexplain or tinatamad mag-explain? I go for the latter. Wa pakels kasi talaga itong taong ito. Oh well...

O baka naman hindi ko na din naman kailangan malaman ang mga bagay na yon.. alam na nya e.. ano pa bang magagawa ko?

"Would you really think that I will let someone stay under my care without knowing their backgrounds?"

Hmmmmmm.... oo nga naman.. knowing Ryu. It will not be him kung hindi man lang sya nag-background check. He did what he had to do and I respect him for it. So he must already know na hindi biro ang kinakaharap ko. Genesis is a powerful company.

"Arrow.... I understand everything even your actions. Please don't overthink.... "

"Hindi kaya... Hindi ako nag-o-overthink."

Tinignan nya ako ng pailalim with a playful glint in his eyes.

"Promise! Hindi ko gawain yon!"

Napangiti sya... " Ok sige, sabi mo e.. But I'm asking you.... Don't do anything drastic..... "

"Ry... pwede... " I cut him off.  "Pasensya ka na a.... Pwedeng Change topic na lang muna tayo? Sumasabog na kasi ang utak ko e. Oo sige na nga..... Binabawi ko na yung sinabi ko kanina.... Yes, sobrang nag-o-overthink ako ngayon, pero gusto ko munang pagpahingahin ang utak ko. I think that I'm not thinking straight right now."

"That's quite obvious."

Napangisi na naman sya. Hoy ano ba? Pinapakita mo ba talaga yang dimples mo ha!!! Nang-aano ka na e... Wag kang ganyan! Mas lalo akong na-iinlove sa yo! Mas lalo na ngayon at sabaw na sabaw ang utak ko at walang ka-shield shield ang emosyon ko!

Binilisan ko ang pag-inom ng juice pero hindi ko na ata kaya pang ubusin ang sandwich at baka masuka lang ako. Tumayo na ako.

"Sige... Baka kailangan ko ng magpahinga... it's been a long day."

"I'm going back to my room na din. Sabay na tayo."

Bakit?

"I ummmm.... " hinawakan nya ang braso ko.... " Ok... " May magagawa pa ba ako kapag tumanggi ako? Gusto kong iwagwag yung braso ko... Para kasi akong nakukuryente! Nagpipigil na din ako sa pagngiti... There are thousands of butterflies in my stomach right now at parang hindi pa ma-contain sa tyan at gustong gumala gala sa buong katawan ko at kiligin ako!

Sana'y ako na nga....Where stories live. Discover now