SYG #124

264 5 16
                                    

Brittany's Point of View


"Bri!! Papasok ka ba?!"


Napahinto ako sa pag-papatuyo ng mahaba kong buhok dahil narinig ko ang malakas na sigaw ni Kuya Bryan sa may pinto ng kwarto ko. Inayos ko ang roba ko kapagkuwan ay binuksan ang pinto.


"Ano kuya?" Tanong ko.


"Sabi ko kako papasok ka?" Tanong nya ulit.


Inirapan ko sya. "Malamang! Nutrition Month kaya ngayon!" Mataray kong sabi.


"Okay mauna na ako. Wala na dito sina Mommy maagang umalis. May pagkain ka na din dun! Bye pandak!" Naglalakad na sabi ni Kuya.


"Huy hindi ako pandak!" Mahabol kong sigaw.


Inis kong sinara ang pinto ng kwarto ko at tinanggal ang suot kong roba. Don't worry guys, naka white panty at bra na ako. Oo naka bra ako kahit wala namang maiitatago dun. Alam nyo na kong ano yun tss.


Naglakad ako papunta sa may kama ko at kinuha ang susuotin ko. Isang TWINKLE DRESS WITH NEW INNER BLOUSE AND LONG SLEEVECREPE. Kinuha ko din sa may box ang cute pink sandals.


Inayos ko ang buhok ko at kinuha ang bag ko. Nang matapos akong mag-ayos ay dali dali akong lumabas ng kwarto ko at tumakbo pababa.


Kumuha ako ng dalawang spam sandwich at agarang kinagat iyun. Pagkatapos kong kumain ay naglakad naman ako papunta sa labas.


At dahil hindi pa ako marunong mag-drive ng kotse. Chinat ko muna si Charlotte na daanan ako dito. Buti nalang at pumayag agad sya.


Naghintay ako ng ilang minuto, nakatayo lamang ako. Hindi naman ako nangangawit kasi hindi ako naka-heels. Maya maya pa ay napangiti ako dahil biglang nag-poop ang text sakin ni Chandler. 


From: Chandler

Nandito ka na ba?


Kaagad akong nag-tipa ng pwedeng I-reply.


To: Chandler

Wala pa daddy! :))


From: Chandler

Diretso ka sa may garden ng campus pls.


To: Chandler

Roger that Daddy! Rawr!


Hindi na sya nag-reply kaya malakas akong tumawa.


"Ay palaka!" Malakas na sigaw ko ng marinig ng malakas na busina ng kotse.


Ngayon ko lang nakita na nasa harapan ko na pala ang kotse ni Charlotte!


Sassy Girl (Brittany Chloe)Where stories live. Discover now