"I am sorry Sir."

"Its okay, its not a big deal." Sabi ko at tiningnan mga kasamahan ko. Lahat sila nakatingin sa akin.

"What?" Walang sumagot sa kanila sa halip sabay sabay silang bumalik sa mga ginagawa nila. Parang wala silang narinig.

"Chris, we need to talk." Napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko ang kabang bumalot sa mukha niya.

Parang nakaramdam ako ng gusto ko siyang yakapin, parang gusto ko siyang alagaan. Yung piling na parang gusto ko siyang ingatan at iparamdam na hindi siya nag-iisa. Yung piling na ganoon.

Lumingon siya sa akin bago siya pumasok sa Counter at ngumiti, ngumiti rin ako sa kanya bago siya pumasok.

"Hmmpp!" Napatingin ako kay Mayo na tumikhim sabay kunwaring may kausap sa Cellphone.

"Vakla! Wag mo masyado titigan, baka matunaw. Obvious ka masyado Bayot! Hello? Hello?" Sabay tingin sa Cellphone, "ay naputol." Sabay nakangiting tumingin sa akin.

"Hindi ko siya tinititigan no?" Depensan kong sabi.

"Hala, hindi naman ikaw tinutukoy ko ah. May kausap ako sa Cellphone. Wag k masyado obvious Teh, may nagseselos." Napatingin ako sa kanan ko dahil sa sinabi ni Mayo at nahuli ko ang dalawang lalaking ang talim ng tingin sa akin subalit mabilis din nilang binawi ng makita nilang nakatingin ako sa kanila.

Problema ng mga 'to?

Tumingin ulit ako kay mayo at naka-smirk na lang itong sabay sipsip sa milktea niya.

"Excuse lang guys, Cr muna ako." Sabi ko sabay tayo.

"Samahan na kita, iihi rin ako." Sabi ni Samuel.

"Di pre, ako na lang." sabi naman ni Jeremy. Tapos nagkatinginan naman silang dalawa.

Ano ba problema ng mga to? Parang may hindi sila sinasabi sa akin.

"Wag na kayong sumama, kaya ko sarili ko." Sabi ko sabay lakad palabas at tinungo ang Banyo.

Napatingin ako sa orasan at nasa 4:30pm na. Papasok na sana ako sa banyo nang may marinig akong magsalita sa likod ko.

"Sir," paglingon ko nakita ko itong ngumiti at parang tumigil ang ang pag-ikot ng mundo. Ang ganda ng mga ngipin niya, ang matangos na ilong, makapal na kilay at mapupungay na mga mata.

"Sorry kanina, magpapalit kaba ng damit?" Napabalik ako sa ulirat ng magsalita ulit siya.

"Okay lang yun," sabi ko sabay bawi ng tingin sa kanya. "Ah oo sana, ikaw tapos naba duty mo?"

Nakasuot na lamang siya ng Puting damit ngayon na fit na fit sa maskulado niyang katawan. Payat pero halatang maskulado dahil sa visible ito sa suot niyang puting damit.

"Oo," sabi niya at nakangiti ulit. "Itong damit ko na lang isuot mo sir, para makabawi naman ako sa nagawa ko kanina." Sabi niya sabay kuha ng Black shirt niya sa bag niya.

"Hindi n—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"I insist, please." Sabi niya sabay paawa pa. Takte, ang gwapo niya.

"Okay," sabi ko at nakita ko siyang napangiti. Napailing na lamang ako sabay kuha ng damit na offer niya at pumasok sa banyo.

Pagkapasok ko ay mabilis kong tinanggal ang tshirt ko nang makita kong walang tao. Hindi ko napansin sumunod pala siya.

Parang nakarinig ako ng nagwhistle "witweew" parang ganyan tunog. Paglingon ko siya pala na nakangiting malapad.

"Ang ganda ng katawan mo, ang puti." Nakangiting sabi niya sabay lakad sa tabi ko t binuksan ang Faucet sabay hugas ng kamay.

Nakatingin naman akong walang masabi sa tinuran niya. "Para kang babae," pagpapatuloy niyang sabi at ngumiti ulit.

"Tigilan mo nga ako, tukmol to." Sabi ko na lamang para itago ang ngiti sa aking labi. Pakiramdam ko parang kamatis na sa pula ang pisngi ko. Hindi ko alam kung kilig o hiya.

Hindi ko na siya pinansin pa at nagsuot na ako ng damit habang nakasandal siya sa pader na nakatingin sa akin. Nang masuot ko na ang damit ay lumapit siya.

"Chris pala, Short for Christian," pagpapakilala niya sabay abot ng kamay.

"Migs, short for Miguel." Sabi ko at nakipag-shake hands din sa kanya.

"Nice name, bagay saiyo." Sabi niya sabay tango.

Magsasalita pa sana siya nung sabay kaming napatingin sa kubeta. Nagkatinginan kami at napailing nang makarinig kami ng ungol na nagmumula sa Cubicle. Mukhang may may nag-e-experiment na naman sa public CR.

Maghuhugas na sana ako ng mapatingin ako Kay Chris na nakangisi ng marinig namin umungol ang dalawang lalaki sa loob ng cubicle ng matagal.

Napailing na lang ako at naghilamos sa banyo. Napatingin kami ni Chris ng lumabas ang dalawa sa banyo. Kitang-kita ang gulat sa mukha nila.

Nanlaki ang mga mata nila na parang nakakita ng multo. Yun pala, kilala ko ang isa sa kanila.

"Alex?" Sabi ko nang makilala ko. Siya ang President namin sa School.

"Jether?"

"Chris?" Gulat na sabi ni Jether at mabilis na lumapit kay Chris. Napatingin ako kay Chris at nakikita kong nagbabaga ang mga mata nito. At nagngingitngit ang mga ngipin sabay umiling at lumabas. Sumunod naman sa kanya si Jether at iniwan si Alex na parang wala lang.

Hindi ko alam kung anong gagawin at sasabihin sa nasaksihan ko. Lumapit naman si Alex sa akin at nagmugmog.

"Wala kang nakita, okay?" Sabi niya sabayang ngiti.

"Okay." Sang-ayon ko sabay tango. Agad naman itong umalis at napailing na lamang akong napatingin sa Salamin sabay ngiti.

May naisip tuloy akong magandang idea ng makita ko ang cubicle.

"Chris," nanlaki mga mata ko ng lumabas sa bibig ko pangalan ni Chris. God!

To be Continued...

Daddy 1 (BXB) (COMPLETED)Where stories live. Discover now