Entry #7

203 4 1
                                    

Title: Rear of Time

Minsan hindi maiwasan ng tao ang mapaisip sa mga bagay-bagay sa mundo. Katulad nalang nang oras, sabi nga nila ang oras ay misteryoso. Hindi mo alam kung ano ang kaya nitong gawin.

Kagaya nalang kung titingin ka sa orasan at iikot ito sa natural nitong galaw, ang oras ay paabante o papunta sa hinaharap na alam naman nating lahat. Ngunit kung iikot ito sa pabaliktad na direksyon, ano kaya ang puwedeng mangyari? Paatras kaya kung gumalaw ang oras? Pabalik nga kaya sa nakaraan ang patutunguhan nito? O katulad sa kwento ni Benjamin Button, kung saan ipinanganak na matanda ang itsura at habang tumatanda ay pabata naman ang panlabas na kaanyuan nito? Kumbaga pabaliktad kung mangyari ang lahat, mula sa hinaharap at kasalukuyan patungo sa nakaraan.

Mapapaisip ka talaga 'di ba? Pero isa pang tanong.

Pano naman kaya kung bumabalik ang oras... sa literal na paraan?

Mahirap sagutin hindi ba? Sobrang hiwaga nang oras na hindi mo alam ang puwedeng kasagutan sa mga gano'ng tanong, na maski mga siyentipiko hindi mabigyan ng konkretong kasagutan ang mga iyon.

Ngunit kung iyong iisipin na paano nga ba ang lahat, kung literal na bumabalik ang oras. Maiisip mo nalang na maaari sigurong katulad ng nagbabasa nang libro. Sa normal na paraan ng pagbabasa binubuklat ito mula sa kanan patungo sa kaliwa, ngunit sa pabaliktad na oras maaaring mula ito sa kaliwa at papunta naman sa kanan. Kumbaga sa natural na oras magsisimula sa unang pahina papunta sa hulihan, at sa pabaliktad na oras naman mula hulihan patungo sa unahan.

Maaari rin naman kapag naglalakad. Na sa normal na oras o paraan, pasulong kung maglakad ang tao papunta sa patutunguhan. Ngunit sa pabaliktad na oras kung iisipin ay paatras na ang paglalakad, pabalik naman sa pinanggalingan. Katumbas din nito ang mga sasakyang nagbibiyahe.

Maaari ring halimbawa ay kapag kumakain o umiinom. Sa pabaliktad na oras, sa halip na kinakain o isinusubo ng tao ang pagkain ay iniluluwa iyon, gano'n din kapag umiinom. Hindi magandang isipin pero gano'n ang totoo. At sa madaling salita, masasabing busok kana kahit hindi ka pa man kumakain at hindi ka na uhaw kahit hindi ka pa umiinom.

Maraming bagay ang hindi mo lubos maisip na papaano kung pabalik nga ang oras, katulad nalang kapag nagsusulat ka, nagbabasa, nagsasalita, at kapag naghuhugas ng plato, naglalaba, isama mo pa pagnaliligo. Lahat maiisip mo iyon ng mga pabaliktad kung iyong ginagawa.

At maiisip mo rin na kapag gumagawa ka ng isang desisyon o aksyon, sa literal na pagbalik nang oras ay mas mau-una mong mararamdaman ang pagsisisi. Hindi katulad sa normal na oras ay nasa huli ang pagsisi at nasa una ang gawa.

--

Sa mga halimbawa at mga bagay na iyong naiisip at maiisip, hindi mo talaga alam kung ano ang puwedeng mangyari. Nakakapaisip talaga ang oras hindi ba? Hindi ito kagaya kapag nanunuod ka na puwede mong i-forward, i-backward at ihinto kung kailan mo gusto.

Walang sino man ang may hawak ng oras o makakahawak man nito.

Pero gayunpaman kahit gaano man kamisteryoso ang oras, masasabi nating hindi maaaring magbalik iyon at hindi dapat. Dahil marami ang maaaring magbago kapag nagkagayon. Hindi iyon katulad kapag nagduduyan ka, mapa-normal na oras man iyan o pabalik na oras ay walang magbabago.

Pero isa lang ang siguradong walang magiging pagbabago...

Ang daigdig ay patuloy lang sa pag-ikot patungo sa hinaharap.

-WAKAS-

Incogni2 Auditions: EntriesWhere stories live. Discover now