Chapter 52: How many cousin do I have?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Miss Rosales, hinahanap po kayo ni Mr. Solis."

"Nasa office ba siya?"

"Oo, kaya doon na rin kayo dumiretso."

"Sige, nga pala kapag nakita mo Aria pakisabi naman na isasabay ko na siya pag-uwi mamaya ha?"

"Sige sige."

"Thank you." 

Napabuntong hininga na lang ako nang marinig ang pag-uusap ni Leyla at ni Mocha. Simula ng matapos ang event ay palagi na akong inihahatid ni Leyla pauwi sa bahay, lagi rin siyang suma sama sa akin sa tuwing pupunta ako sa grocery store at sa mall. Alam kong mabait siya, pero minsan napapaisip rin ako sa mga ginagawa niya. Lalo na noong gabing halikan niya ako sa harap ni Maxryen at sabihin na girlfriend niya ako.

Hays Leyla, ano bang nakain mo?  At Aria bakit ka naman nagtatago at umiiwas sa babaeng 'yon?

"Aria nandiyan ka lang pala. Hinahanap ka kanina ni Miss Secretary, teka sinong tinataguan mo at nakaupo ka diyan?" Biglang akong napatayo nang makita ako ni Mocha sa tabi ng .

"Ah wala, nahulog lang 'yung takip ng tumbler ko."

"Ganon ba? Nga pala sabi ni Miss Secretary na ihahatid ka niya mamaya pagkalabas. Mukhang nagkakamabutihan kayong dalawa ah, yiee."

"Ano ka ba Mocha? Nagkakamabutihan ka diyan, tsk."

"Oo, pansin ko at ng ibang employee na araw araw ka niyang inihahatid then one time may nakakita sa inyong dalawa sa grocery store. Bakit hindi mo ba type si Miss Secretary?"

"Haha nagjojoke ka ba Mocha?"

"Bakit? Ang cool kaya ni Miss Secretary, akala ko nga noong una e jerk ang babaeng 'yon. Tsaka ang daming nagkakandarapang babae at lalaki sa kagandahan ng Dyosang secretary ni Mr. Solis, o baka naman si Mr. Lobby ang type mo haha."

"Alam mo Mocha kung ano ano ang mga nickname ang binibigay mo sa ibang tao. Diyan ka nga!"

"Wait!"

"May trabaho pa ako bago pumatak ang alas singko ng hapon, kailangan ko ring tapusin iyon ngayong araw. Diyan ka na, bye."

Iniwan ko si Mocha sa pantry sabay diretso sa table ko, luminga linga pa ako upang makasiguro na hindi ako napansin ni Leyla.

Hays para akong kriminal sa ginagawa ko. Teka bakit ba kasi ako nagtatago? Bakit nga ba Aria?

.

.

.

Someone's POV

"Everything are settled for the accession."

"Halata naman, halos ilang linggo ka na ring hindi nakakapagreport sa akin but it's good to hear that Miss Sandoval."

"Excuse me your grace but I need your permission with this one for the last step of my plan." Napatingin ako sa papel na inilapag niya sa table ko, mula roon ay nakalagay ang isang permission note na naglalaman ng ilang agreement tungkol sa process ng plano.

"Akala ko ba nakapirmahan ko na ito noong mga nagdaang linggo?"

"That's the access code to enter the site. This time is the permission."

Permission? Tsk, Sandoval hindi mo ako mapapakagat sa plano mong isabit ako. Pero tingnan ko lang kung kakagat ka sa gagawin ko ngayon.

"Is that so? Okay, wait I need to find my seal first."

"Your finger print will do."

What? Wait don't tell me ibang permission ang kailangan mo?

Itinigil ko ang paghahanap sa seal at itinuon ang atensyon sa papel na nasa ibabaw ng table. Binasa ko ang lahat ng nakasulat doon.

"I need your permission to let me through to apply as employee of Swisly Corporation."
Hindi ko na tinapos pa ang pagbabasa ng marinig iyon mula sa kanya.

"I see, but why? You already have work at the palace as Princess assistant."

"I can't easily access the computer inside the palace even in my condominium unit, so I need a place where I can secure my identity from the hacker."

"Hacker? O baka ikaw na hacker? Haha fine, I'll sign this right away after your report but you don't need to apply as an employee in my company, you can come whenever you want."

"Okay, if that will do." Kinuha ko na ang papel na iyon at inilagay sa drawer ko.

.

.

.

Dia's POV

Matapos ang meeting ko ay bumalik na rin ako sa palasyo, si Shaine naman ay bumalik sa Cratemia kasama si June.

"Princess hindi pa po ba kayo magpapahinga?"

"Mamaya pa Jeyya, magpapahangin lang ako sa terrace." Hindi na ako inabala pa ni Jeyya matapos kong sabihin iyon. 

Bukas na bukas ay magiging abala na naman ako hanggang sa darating na linggo. 

Ring 

Ring

Ring

Agad kong kinuha sa bulsa ng pants ko ang cellphone.

"Hello?"

"Hey Cousin." Cousin?

"Who's this?"

"I'm your cousin." Teka don't tell me may kapatid pa si Gene.

"How's your first month as Grand Princess? I'm sorry I can't help you for now, but I will send my regards for the upcoming accession."

"Where did you get my number? And who are you?"

"You're going to know later, okay see you couz." Cousin? Ilan ba ang pinsan ko? Noong una si Shaine, then si Gene tapos ngayon may bago na namang number na tumawag sa akin at sinasabing pinsan ko siya.

By the way, hindi ko rin naman masasagot 'yan dahil hindi ko alam kung sino ang kapatid ng mga magulang ko. 


Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon