Chapter 52: How many cousin do I have?

Start from the beginning
                                    

"So settled na pala ang schedule ko sa Royal Council tomorrow in the afternoon?" 

"Actually noong isang araw pa settled ang lahat. Ipinasa rin ba ni Gene ang schedule mo after training with Mr. Hienz?"

"Yes, thank you." Hays sa sobrang abala ko ay halos mapuno na ang email na nasa inbox ko at hindi ko man lang mapagtutuunan ng pansin, mabuti na lang ibang account ang gamit nina Jeyya para sa email ng Blant Styl.

Habang nagbabasa ng mga email ay napansin ko ang nag-iisang spam message. Binuksan ko rin naman agad iyon at binasa ng ayos.

"Shaine may alam ka bang Lavender ES?"

"Lavender ES? Wala bakit? Teka pabango pa 'yun? Patingin nga ako." Iniharap ko sa kanya ang screen ng tablet upang makita niya ang tinutukoy ko.

"Hmp, teka parang nakita ko na 'yan. Wait hanapin ko lang sa page ng  Mondragon Company." Hinintay ko lang si Shaine na mahanap ang tinutukoy niya, habang ako naman ay patuloy lang sa pagbabasa ng email mula sa Lavender ES.

.

.

.

"Lavender ES, isang event styling company sa Pilipinas na nangunguna pagdating sa design ideas. Naging client na nila ang Mondragon year 2005." Ibinaba ko ang hawak kong tablet at lumapit kay Shaine. Nabasa ko sa screen ng laptop niya ang mga nakatala tungkol sa kompanyang iyon.

"Bakit mo pala natanong? Sila rin ba ang magseset up ng event niyo next week?" Tumango tango lang ako sa tanong ni Shaine habang patuloy na binabasa ang mga nakasulat sa timeline page ng Mondragon Company.

"Sino ang nagrecommend sa'yo ng kompanyang 'yan?" 

"Walang nagrecommend sa akin, kundi sila mismo ang unang nagmessage sa account ng Blant Styl. Here, by the way Shaine pwede bang ikaw na muna ang magcheck ng mga message sa personal email ko simula bukas."

"Huh? Bakit naman?"

"Kasi simula bukas magiging busy na naman ako, at for sure hindi ko na naman machecheck ang mga emails na natatanggap, tulad ngayon. Tingnan mo naman kung gaano karami ang email sa inbox ko, samantalang one week lang ang lumipas niyan, paano pa kaya after ng accession?"

"Tama ka, pero sure ka ba na ako ang mag-oopen ng personal email mo?"

"Yes, I trust you Shaine. Sa lahat ng nakilala ko sa lahat ikaw ang mabilis kong pinagkatiwalaan kahit noong una ay hindi pa ako pamilyar sa'yo, hindi ko rin alam noong una na isa ka pa lang Countess." Nakangiti kong sambit. 

"Yes naman, haha ako pa. Well dahil ipinagkatiwala mo sa akin ito, I promise I won't let you down cousin." 

Pangiti ngiti lang akong nakatingin kay Shaine sa sinabi niya. 

Maya maya pa ay tumayo ako at lumapit sa table ng office, kinuha ko mula roon ang tablet sabay abot sa kanya. Hindi ko na chineck ang ibang email na hindi ko pa nababasa, since si Shaine na ang maghahandle niyon magmula bukas ay aasahan kong iaupdate niya ako sa mga email in the future.

.

.

.

Aria's POV




Matapos ang nangyari noong event ay hindi na ako makalabas, what I mean is bihira na lang ako makalabas maliban na lang kung papasok sa trabaho at may mahalang bibilhin. I already blocked Maxryen through social media account, contact number at sa iba pang connection na meron ako sa kanya.

"Hey Aria sinong hinihintay mo?" Nagulat ako nang marinig ang boses na iyon. Agad naman akong tumayo at kinuha ang tumbler ko upang kumuha ng maiinom sa pantry.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now