Naabotan niya si Jessica habang kumakain ng dinner niya kaya kinompronta niya agad ang kapatid niya
"Why did you do that?" Mahinahong tanong ni Glent
"You're too slow kuya, and to make it happen ako na gumawa ng paraan para paghiwalayin sila. Balita ko kasi hinahanap ni Sir Charles si Erin and tutol siya so this is the right time for us" sabay subo ng ng steak galing sa kanyang tinidor
"Anong tutol? Hindi tutol si Sir Charles! Sadyang wala lang sa panahon ang relasyon nila Ken at Erin!!"
"Well, pag naghiwalay sila papasok ako sa eksena. 2 or 3 years naka settle na image ni Ken and pwede na namin ituloy yung naudlot na lovestory namin noon----- waaaaaaa ang galing ko talaga, proud na proud ako sa sarili kooooo!!------ and alam ko na na sinabihan ka na ni Sir Charles na pag hiwalayin sila, pano ba yan kuya boss mo na may utos hindi ako! You better do this kuya or else baka bukas makalawa nasa news na pagmumukha ni Erin! Idadamay kita dito kuya at yung babaeng yun, in the first place pumayag ka sa mga plano ko noon" Masayang sabi ni Jessica, napahinga nalang ng malalim si Glent.



Kinabukasan nag hahanada silang lahat dahil imbitado ang SB19 sa isang mini-concert at aligaga ang lahat, bigla namang may pumasok sa dressing room
"Asan si Erin?" Biglang tanong ng bagong pumasok
"Po?" Sigaw ni Erin sabay taas ng kamay
"Ahh pinapatawag ka ni Sir Glent
"B-bakit daw po?"
"Hindi ko alam, baka may kailangan" sabay alis ng pumasok, sumunod naman si Erin, sinundan naman siya ng tingin ni Ken papalabas.
"Sir Glent?" Tawag ni Erin sa nakatalikod na si Glent...
"Ahm Sir---ano pong pag uusapan natin at dito pa talaga tayo sa cafe" nahihiyang sabi ni Erin
"Erin im sorry pero--- kailangan mo ng hiwalayan si Ken" diretsahang sabi ni Glent.

Bumalik si Erin sa venue at wala sa sarili dahil sa nga sinabi ni Glent kanina
"Erin andito kana! Paki tanggal ng plantsa sa saksakan tapos ipalit mo yung curler" sabi ni Ms. Claire, tahimik na sinunod ni Erin ang utos ni Ms. Claire pero wala parin siya sa sarili niya kaya nahawakan niya ang mainit na parte ng plantsa kaya nabitawan niya ito
"Okay ka lang?" Tanong ni Janine, sabay lapit ni Ken sa kanya at tinignan ang kamay
"Yelo! Mag dala kayo ng dito!!! Dali!!" utos ni Ken
"Ah-- o-oo!!" Tarantang sabi ni Janine sabay alis, nagulat lahat nang nasa loob sa naging reaksyon ni Ken
"Okay ka lang?" Tanong ni Ken, nag simulang mag bulong-bulongan ang lahat ng taong nakakita at napansin naman ito ni Erin at napatingin sa mga taong nagbubulongan
"O-okay lang!!" Sabay bawi niya sa kamay niya
"Okay go back to work!!!!---" utos ni Ms. Claire bago lumapit sa dalawa
"Ken kami na bahala kay Erin, bumalik ka na sa upuan mo aayosan ka pa" sinunod naman ni Ken ito at tinignan muna niya si Erin bago umalis na umiiwas ng tingin kay Ken
"Okay ka lang?" Tanong ni Ms. Claire
"Sa susunod mag iingat ka, put yourself together okay! Kung ano man yang iniisip mo e set aside mo muna yan nasa trabaho ka!" Dugtong niya.



Madaling araw na sila naka balik sa Makati at si Erin lang mag isang umuwi kaya naalala niya ang bestfriend niya na nasa Makati dahil sa business meeting niya kanina kaya tinawagan niya si Christopher para ma puntahan siya 
"Salamat sa pag sundo" sabi ni Erin sabay tanggal ng seatbelt
"Ano ka ba it's okay you always have me" nasa tapat na sila ng apartment niya 
"Kailan uwi mo sa La Union?" Tanong ni Erin, tinignan naman ni Christopher ang relo niya
"Mmmm actually papauwi na rin ako, 2 am na by 6 am nandon nako" nakangiting sabi niya
"Christopher--- pwede mo ba akong isama pabalik sa La Union?" 
"Ha? Why? may problema ba?" Tanong niya kay Erin 
"Ahh miss ko lang si Glaz gusto kong dalawin, hindi muna ako papasok bukas, nakapag paalam naman na ako" sabi ni Erin
"Okay?!"
"Kukuha muna ako ng gamit ko sa loob" sabay alis ni Erin. 
"Ano kaya problema niya? She never call my real name maliban nalang kung may serious problem siya. Ano kaya yun?" tanong ni Christopher sa sarili niya.
Habang nasa byahe sila di maiwasan ni Christopher na mapatingin kay Erin 
"Alam ko gusto mong malaman kung anong problema ko" walang emosyong sabi ni Erin habang nakatingin sa labas ng bintana niya
"Ah haha, ang galing mo talagang mambasa ng ibang tao" 
"Wag muna nating pag usapan kung ano man yun, mag focus ka nalang sa pag dr-drive mo" sabi ni Erin bago ipikit ang mata niya
"Mmmm sige, matulog ka nalang muna" sabi ni Christopher sabay itinigil niya ang kotse sa tabi para makumotan si Erin ng dala niyang blanket.



My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now