Shen P.O.V
Nag lalakad ako sa hallway papunta sa mall para bumili ng gamit pang skwela sa darating na taon ngayon.
Pag pasok ko sa mall ay agad akong pumunta sa boutique ng mga school supplies.
Pag kapasok ko ay kumuha muna ako ng basket para nilagay doon ang lahat ng kukunin kong gamit. Pumunta muna ako sa paper sec. at kumuha ng papel at notebook, pag tapos ay pumunta naman ako sa pen sec. at kumuha ng ibat ibang panulat, at sunod ay pumunta sa ibang sec at kumuha ng iilang gamit na kakailanganin ko.
Tumingin ako sa basket ko at nakita kong kompleto na ito lahat at napag desisyunang mag ikot ikot muna sa boutique na yun.
"Ano pa kayang kailangan ko?" Sabi ko sa sarili ko.
Habang nag iikot ay may narinig akong nag sumisigaw na lalaki, sa lakas ng sigaw ay siguro abot hanggang sa labas ng boutique yun.
"Tang*na naman ohh bulag kaba?! Hindi moba nakitang dadaan ako?! Tignan mo tong damit ko tinapunan tinapunan mo ng juice mo ang dumi tuloy!" Sigaw nung lalaki sa kausap nya.
"S-sorry po hindi ko po talaga sinasadya, nadulas lang po talaga ako, s-sorry, sorry po sir." Kabadong sabi nung babae dun sa lalaking sabay pag punas dun sa damit ng lalaki.
"Don't touch me bitch! Bwisit!" Sabay talikod sa babae na nakayuko na sa kahihiyan at pag kaharap sakin ay agad nag tama ang aming paningin pero ako na ang kusang umiwas.
"Excuse me miss." Sabi nung lalaki na salubong ang kilay na nakatingin sakin.
"Ha? Ano?" Takang tanong ko sa knya at lalong nangunot ang noo nya.
"Nakaharang ka sa dinadaanan ko kaya tumabi ka dyan!" Sigaw nya sakin at tumingin ako sa paligid ko nakaharang nga ko sa knya.
"Sorry." Pag hingi ko ng tawad sabay punta sa gilid.
"Tsk ang yabang." Bulong ko, hindi pa sya gaanong nakakalayo sabay hinto at tumitig sakin.
"What did u say again?" Tanong nya nakakunot ang noo sakin.
"Wala, tsk" Hahakbang na sana ako palayo sa kanya nang hatakin nya ang kaliwang braso kaya napahinto ako.
"Wag mong initin ang ulo ko baka kung ano pang magawa ko sau ngayon." Madiin nyang sabi sabay bitaw sakin.
Pinanood ko lng syang lumabas sa boutique na yun nang mawala na sya sa paningin ko agad akong pumuntang counter para bayaran na lahat ng kinuha ko.
"Mag kano lahat miss?" Tanong ko sa cashier at nilabas ang wallet ko.
"2,580 pesos po lahat maam." Sabi nya sabay kuha ko ng tatlong libo sa wallet ko sabay abot sa knya.
Pag kabigay ng sukli sakin sabay abot nung mga pinamili ko. Pag labas ko sa boutique ay pumunta nako sa exit ng mall.
Pag kalabas ko ay pumunta nako sa parking lot ng mall at pinasok ko na ang mga gamit ko sa loob ng kotse ko.
Habang nasa kalagitnaan ng pag mamaneho ko ay nag ring ang phone ko kaya agad ko itong dinampot.
Pag tingin ko sa screen ng phone ko nakita ko kung sino ang tumawag sakin kaya agad ko itong sinagot.
"Ohh bakit?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Nasan ka? Dito ka daw umuwi sa mansyon hinihintay kana ni mommy" Sabi nung nasa kabilang linya.
"Pauwi nako sa appartment namin, di ako makakauwi dyan" Sabi ko sa kabilang linya, na diretso lng ang tingin sa kalsada.
"Umuwi ka daw dito!" Sigaw nung sa kabilang linya at agad kong nilayo ang phone ko sa tenga ko.
"Walang kasama si Ziah sa bahay" Sabi ko sa kabilang linya.
"Potek malaki na yang kaibigan mo! Bat kailangan mo pang samahan?!" Sigaw nya ulit kaya nailayo kona naman ang cellphone ko mula sa tenga ko sa lakas ng sigaw nya.
"Hinihintay nako nun sa bahay." Pag dadahilan ko sa kausap ko.
"Sean, ako na kakausap sa kapatid mo" Rinig ko pa sa kabilang linya. "Hello baby Shen, mommy's miss u na, ilang buwan na kitang di nakikita, please baby Shen uwi kana here" Malungkot na pakiusap ni mommy.
Nag isip muna ko kung papayag ba ko o hindi, bang makapag desisyon na ko huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"Sige wait for me, uuwi muna ko sa bahay tapos pupunta nako dyan ok?" Sabi ko sa kabilang linya.
"Mommy's wait for you baby Shen, ingat mhuaaa I love you" Masayang sabi nya habang ako sa kalsada parin nakatingin.
"Sige mom I love you too" Walang ganang sabi ko at binabaan kona sya, sabay lapag ng cellphone ko sa kabilang upuan.
Hindi naman sa ayaw ko silang makasama ahh, ang dahilan ko lang naman kaya ayoko silang makasama ngayon kase pagod ako, tapos ang layo layo pa nila, from Bataan to Laguna sa tingin nyo sinong di mapapagod nun?
Mahigit apat na oras ang byahe nun duhh, siguro pag dating ko dun tulog agad ako sa sobrang pagod ko tsk. Kaya nga nag rent kame ng appartment ni Ziah para dina kame umuwi sa Laguna ehh para malapit kame sa university na pinag aaralan namin.
DU LIEST GERADE
Two Different Personality
JugendliteraturDalawang taong mag kaiba ang ugali ang pag tatagpuin ng makulit na tadhana sa maling panahon. Dahil sa pagiging mag kaiba ng dalawa ay hindi sila laging mag kasundo sa lahat ng bagay. Pano kung sa love lang sila mismo mag kakasundo? Susundin kaya ni...
