Chapter 3 (Restraint)

Start from the beginning
                                    

"Punasan mo 'yang luha mo, baka sakali gumanda ka," nang-aasar na utos nito.

Inis na pinunasan niya ang mga luha. Nang muli niya itong tingnan ay hindi nakatakas sa paningin niya ang lambot sa guwapong mukha nito. O imahinasyon lamang niya? Dahil kaagad din itong ngumisi nang magsalubong ang mga mata nila.

"Akala mo naman kung sinong guwapo," bulong-bulong niya.

"Guwapo naman talaga ako." Narinig siya ng binata, nagmamayabang.

"Babaero!" Singhal niya.

Nanlaki ang mga mata nito.

"Paano akong naging babaero?"

"Marami kang babae dito sa isla. Akala mo hindi ko alam? Kung saan-saan pa nga daw kayo nakakarating? Anong pakiramdam na iba-ibang babae ang nakakandong mo? Pinagsawaan mo? Hindi na nakakapagtaka kung balang araw ay may lalapit na sa'yo at sasabihing buntis sila. Ganyan ka kalibo—" Napaatras siya nang humakbang ito.

Ang kaninang nakangising mukha nito ay biglang napalitan. Bigla itong naging seryoso, tumalim ang mga mata.

"Babaero ako pero hindi mo alam ang totoo, Alyssa. Wala kang alam. Tangina, wala kang alam," mariin itong nagsalita, halatang nagpipigil ng galit.

Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Nakakatakot ang seryosong mukha nito.

"Ano bang dapat kong malaman?" Sa kabila ng kaba ay nagtatapang-tapangan pa rin siya.

Nakakainis lang sa tuwing kaharap niya ito dahil nakatingala siya. Hindi sapat ang taas niya dahil matangkad na lalaki talaga ito. Siya ay maliit lang.

Sa halip na sagutin siya ay ngumisi lang ito. Nawala ang galit sa guwapong mukha.

"Bumalik ka na doon habang nagtitimpi pa ako sa'yo," utos nito at umatras.

Sumimangot siya at inirapan ito.

"Malibog ka," pang-aasar niya.

Sa halip na mainis ay mahina lang itong natawa.

"Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo. Baka balang-araw susuko ka sa pagiging malibog ko." Ngising-ngisi ang lalaki.

Inamin ngang malibog. Kadiring lalaki. Muli niya itong inirapan at tuluyang tumalikod, dire-diretsong bumalik kung saan ginaganap ang okasyon.

Nang malayo na siya ay hindi niya mapigilang lumingon. Nakita niya ang lalaki, hinihilot ang sentido nito na tila kanina pa sumasakit ang ulo sa kanya pero hindi nakatakas sa paningin niya ang bahagyang pagngiti nito.

Napasimangot siya at nagpasyang aliwin ang sarili sa okasyong ginaganap taon-taon dito sa isla.

Nang oras ng uwian ay kasabay na niya ang mga kapatid. Nasa bahay na sila. Mahimbing nang natutulog ang mga kasama niya sa bahay pero siya ay hindi makatulog.

Nakatulala lang siya habang ang isip ay bumabalik sa halik na naranasan niya kanina. Wala sa sariling napahawak siya sa ibabang labi kasabay ng pagkabog ng puso niya.

Muling nanumbalik sa isip niya kung gaano kalambot ang labi ng lalaking humalik sa kanya. Hindi pa niya naranasang halikan ng ibang lalaki ngunit bakit sa tingin niya ay napakagaling nitong humalik?

Napabalikwas siya ng bangon sa naisip at paulit-ulit na umiling. Bakit ang halik na iyon ang nasa isipan niya? Bakit hindi iyon mabura sa isip niya?

Inis na bumaba siya mula sa papag na kama at napabuntong-hininga.

Madaling araw na pala. Ni hindi niya namalayan ang paglipas ng oras.

Nagpasya siyang lumabas. Medyo maliwanag sa labas dahil sa bilog na buwan sa kalangitan. Iyon ang nagsilbing ilaw niya patungo sa dalampasigan. Tinungo niya ang lugar kung saan ay siya lang ang nakakaalam. Pumupunta siya doon sa tuwing nalulungkot o kapag gusto niyang mapag-isa.

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now