ALLE POV
NARANASAN N'YO NA RIN BA ANG MALUNOD SA PROBLEMA, 'YONG HABANG NALULUNOD KA WALANG
MAY GUSTONG SUMAGIP SAYO? GUSTO MONG SUMIGAW PERO WALANG MAKAKARINIG SAYO, YUNG LUNOD NA LUNOD KANA PERO WALANG BANGKA NA HANDANG SUMAGIP SAYO?
HINDI KO ALAM KONG TAMA BA NA IPAGPATULOY KO PA ANG WALANG KWENTANG BUHAY KO NA ITO, DAHIL SA TOTOO LANG PAGOD NA PAGOD NA AKO.
WALANG ARAW NA HINDI AKO TINUTUGIS NG PROBLEMA KO..
ANG HIRAP PALA, ANG HIRAP PALA KONG PATI SARILI MO SUMUSUKO NA SAYO.
" ALLEEEEE!!! TANGHALI NA, BATUGAN KA TALAGANG BABAE KA!! PAG AKO NAKAPASOK D'YAN SA KWARTO MO MALILINTIKAN KA TALAGA SAKIN! "
Tsk. Araw araw na lang, ni hindi ko na ata matandaan kong kelan pa ako nagising ng wala akong naririnig na sigaw mula kay Nanay (lola ko) 5am pa lang pero tanghali na daw..
Sa totoo lang, sanay na rin akong magising ng maaga.. Trip ko na rin na bago lumabas ay gusto ko munang magsisigaw si Nanay sa galit kahit sa totoo ay mulat na mulat na ang dalawang mata ko at gising na gising na ang diwa ko.
At
Bago n'yo pala simulan ang totoong kalbaryo ng buhay ko ay magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Allehan Garcia Bernardo (parang introduce yourself lang pag nasa school 'di ba?) 18 years old, Grade 12 students.
Sabi nila maganda raw ako (raw) matangkad at maputi, hindi ko alam kung bulag ba sila o napuno na ng muta ang mga mata nila.
Mabait? Kayo na lang humusga mga pre .
" ALLEHANNNNN!!! "
" Lalabas na po, nagbibihis lang "
Pagkatapos n'yan ay wala na akong narinig mula kay Nanay, kinuha na siguro ng mga Alien charizzz
After kong magbihis ay lumabas na ako sa lungga ko at dumiretso sa kusina. Sabado nga pala ngayon at walang klase pero sa'kin kase weekend man yan o weekdays hindi kailanman naging uso sa'kin ang pahinga o ang sinasabi nilang walwal o hayahay days.
Mahirap lang kami, nakakatulong naman na ako sa mga gastusin dito sa bahay at kung parehas tayo ng kalagayan maiintindihan mo ang nararamdaman ko sa araw araw.
~*~
" Anong balak mo ngayon? " tanong ni Nanay.
" magdadrawing po ako ngayon, 3 po ang gagawin ko kaya dapat may masimulan na ako"
Tama kayo ng basa o naiisip. Marunong ako pagdating sa pagguhit at isa ito sa pinagkakakitaan ko pandagdag sa allowance ko at gastusin dito sa bahay. Sa ngayon ay ito ang nagpapasaya sakin, kumbaga ay saglit kong nalilimutan ang mga problema ko sa tuwing gumuguhit ako.
" ang liit liit naman ng singil mo, kung gusto mong kumita at makabawi sa ginugol mong oras ay lakihan mo ng singil! hindi mo talaga ginagamit ang utak mo, hindi lang yan pagapangan ng kuto allehan! "
tama rin naman si Nanay, nahihiya kase talaga akong maningil ng malaki pero sa totoo lang, yung charcoal potrait ko kase ay maipagmamalaki mo talaga. Lahat ng ginagawa ko ay hindi minadali kaya maganda talaga ito (hindi sa pagmamayabang) 1k at pataas na ang singil ko. Pero syempre hindi mawawala 'yong sarili mong kamag-anak na binabarat ka, sila pa yung galit pag sinabi mo ang totoong presyo kaya akong si bata which is dapat daw rumespeto ay wala ng magawa. May iba naman na hindi ata iniisip kong gaano kahirap magdrawing at gusto e 100 or 200 lang bayad nila. Edi wow 'di ba?
" Next time po siguro " Mahina kong sabi. Ayaw kong humaba pa ang usapan dahil hindi ako sanay sa mga ganitong setup, ramdam naman siguro nila na malayong malayo talaga ang loob ko sa kanila.
Mula ng mamulat ako sa realidad kahit kailan ay hindi na ako naging masaya, wala akong kaibigan kahit isa, alam nyo kung bakit? Dahil ayokong magkaroon ng isang taong pwedeng makapagpabago sa pananaw na meron ako, ayokong ibigay ang tiwala ko kung alam naman nating sa huli ay mawawasak ito.
Naglagay ako ng pader para walang makapasok sa mundo ko.
Masama na ba ako?
To be continue..
BẠN ĐANG ĐỌC
Kumpas ( On-Going)
Teen FictionAno ba ang mangyayari sa pagtatagpo ng landas ni Alle at ang pusong babae na si Gabriella kuno. Thank you sa mga napakagagandang kwento na aking nabasa at nagbigay ng inspirasyon sa akin para magsulat at ilahad ang aking imahinasyon. Love lots! Pas...
