MYSTERY/THRILLER FEEDBACKS

89 23 1
                                    

Our judges are fair and honest. We judge all of the entries with no bias. Accept the results nicely. If you have concern message us.

Judge: Kimiyumers

MYSTIFYING WISH OF AMANDA
by: CINETAX

Hiiiii, saaaa book cover pa langgg ang ganda na, yung book cover mo maganda at malaking tulong yun para basahin ng mga makakakita yung story mo,cause why not? Bc pa lang maganda na. Sa title naman, okie dokie siya.  Yung description mo naman,kahit descrip. pa lang siya detelyado na. Ang ganda ng flow ng story mo. Detelyado talaga.At ang galing mo rin mag mix ng genre. May konting mali ka sa technicalities, pero pag technicalities importante talaga siya, nasa criteria na pinakamataas yung technicalities. At doon ka nagkaproblema. Yuns lang. Keep writing!!!

Its My Fault
By: aoi_hana7

“Its My Fault” ,okay title pa lang nakakapagtaka  na. When I read the title of your story there's some question in my mind. Like, bakit my fault? Anong nangyari? So dahil sa questions kong iyon napunta ako sa book cover mo, pero mas nakapagpataka sakin yun. Then next yung synopsis, mystery genre mo pero medyo nakulangan ako sa synopsis mo. Maganda siya at andun ulit yung curiosity. Sa prologue tayo, prologue pa lang may scene,lines agad na saktong sakto sa genre mo and that’s good. Every chap mo ay talagang nag-iiwan ka ng word para ipagpatuloy ng readers mo ang pagbabasa. Kaso ang akin lang,maikli yung bawat chapter mo. Maganda yung plot mo, talagang  bawat chap may nirereveal ka na talagang nakakapag pagulat sakin. Gusto ko rin yung mga characters mo. Andun yung kilig at saya. But, tbh parang hindi konektado yung book cover  mo sa story mo. Pero okay lang yun. Technicalities,importante to, may mga mali ka,nalilito ka sa your at you're. May mga ibang word  din doon na mali,pero maaayos naman yun. Little advice lang, dont put "fast forward" sa kalagitnaan ng scene,kasi pwede namang ifast forward yun without putting those words. At medyo habaan mo yung chapters mo,yung scene rin kasi nakakabitin. Pero kung ganon talaga way ng pagsusulat mo okie dokie lang yun. Keep writing! Btw,kelan next ud mo? Want ko na mabasa HAHAHAHA.

BELLADONNA:  The Poisonous Antidote
By: TheEggWhoNeedsDress

Hiiii, nang makita ko yung book cover at title mo talagang naguluhan ako, pero tbh maganda ang book cover mo, sa title naman interesting siya which is good. Yung blurb naman, na appreciate ko yung fonts mo, Curiosity ulit kasi may mga words sa blurb  mo na talagang nakakapagtaka. Sa part na BELLADONNA, andun agad yung mystery,thrill peroooo sa mga sumunod na chapter nakukulangan ako, waley na ako mabasa na konektado sa mystery, pero okay lang yun kasi ganon naman yung iba,na nasa middle part na yung mystery. Yun lang naman medj nakulangan ako. Pero maganda fhoe yung flow ng story mo. Keeppppp writingggggggg!!!

Spin In Circo
by: Waenghyun2

Hiii poooo, unaaa,ang ganda   ng title at book cover mo. At okay na okay kapag ganyan para maattract yung makakabasa at makakakita sa title at book cover mo. Sa description mo naman okie dokie siya pero parang may kulang. Siguro put some words na Attractive so it can help you to have readers. Kasi pag ganon masasabi na lang ng makakabasa na  "description pa lang maganda na, so try natin  iread yung whole story."  Habang binabasa ko story mo masasabi kong maganda yung gawa mo,may konting mali lang pero maaayos rin yun. Ang smooth rin ng gawa mo.Kaso ang akin lang po, sa mystery ka nag entry, pero nakulangan talaga po ako sa mystery. Wala akong masyadong nabasa na mystery. Ayons lang, keep writing po!

Synesthetes’ Game
by: thefakeprotagonist

Hiiii, Title pa lang talagang maganda na plus maganda rin yung book cover mo. Habang binabasa ko yung story mo kita ko ring konektado talaga yung story mo sa book cover mo. Next is your description, medyo nagtaka pa ako sa first question. Nung nabasa kong  “Do you see colors?” sabi ko pa ‘of course’ HAHAHAHA pero nahinto ako nung nabasa ko yung second question na “Do some words have tastes?”  like okay,what? So dahil talagang nagtataka na ako binasa ko na yung mga sumunod na sentences. Sa unang chap medyo di ako nadadala. Pero sa second dun na talaga nag umpisa. Lets say, yun na yung umpisa,kasi andun na yung mystery.  Gumamit ka rin ng mga words na malalalim. Need ko pa gumamit ng merriam para malaman yung meaning nila, pero depende naman ata yun sa readers, kasi baka matalino sila so yeah gets agad nila,sanaol. Never mong binigo mga readers mo, never akong nabigo. Every chap amaze na amaze talaga ako. At mas na amaze ako nung nagkaroon ng pov si  Delaney. Ang ganda ng flow ng story mo. Sa story mo andamiiiii kong naramdaman, nakaramdam ako ng saya, takot, pagkalito, inis at lungkot, na sigurado akong naramdaman rin ng mga nakabasa na ng story mo. Naramdaman ko lahat ng yan dahil sa mga characters mo. Sa sobrang galing mo gumawa ng story,nagawa mo ring iparamdam yang mga emosyon na yan sa mga readers mo. Wala akong nakitang mali sa story mo. Walang problema sa technicalities. Parang want ko na rin magkaroon ng special ability HAHAHAHA. Mapanakit ka ring author,lam mo yun. Basta sobrang galing mo. Ang ganda ng story mo.  KEEP WRITING AUTHOR!

____________________________________________________________

We will publish the final results after we publish all of the feedbacks.

WATTPADICTS 2 BOOK AWARDSOnde histórias criam vida. Descubra agora