Chapter 6

154 11 0
                                    

Ken's POV

Hindi ako pumasok sa Dinesty Bar nasa labas lang ako naka-masid kay Rita.....na-miss ko sya. Oo. Na-miss ko sya hindi ko nga alam kung bakit eh. Nakita ko naman sya kaninang umaga, pero na-miss ko talaga sya.


Nag-break muna sya kaya napag desisyonan 'kong pumasok pero doon ako umupo malapit sa may pinto.


A few minutes later nag-aayos na si Rita ng gamit nya aalis na yata akmang tatayo na ako para umalis nang merong lumapit sa kanyang lasing na lalaki. At hinawakan sya sa braso. Wtf.


My jaw clenched with that, nilapitan ko ito atsaka sinuntok. Nakita 'kong nagulat si Rita pero nasa lalaking naka handusay at namimilipit sa sakit ang atensyon ko.


No one is allowed to touch what's mine.


Tiningnan ko si Rita na nakatingin lang sa lalaking sinuntok ko.


"Ok kalang ba?" Tanong ko sa kanya.


"O-Oo sa-salamat" Nauutal nyang sabi. Saka ngumiti saakin


Hay ang cute nya talaga.....


Bumalik ako sa reyalidad nang biglang may sumuntok saakin tumama yun sa gilid ng labi ko, dahilan para pumutok ang labi ko. Wtf. Binalingan ko ng tingin ang lalake atsaka sinuntok, hanggang sa mawalan sya ng malay.


Binalik ko yung tingin ko kay Rita.


"Hatid na kita 11pm na din kasi hindi na safe, baka mapano ka." Pagpe-presenta ko. Habang Dini-diinan ang pumutok 'kong labi.


"Ah-- hindi na magta-taxi nalang ako, pero gamutin ko na muna yang sugat mo" Sagot nya. Na para bang nag-aalala. Nag-aalala ba talaga sya? O guni-guni ko lang?


"Hatid na kita ok lang naman eh, and don't worry malayo naman to sa bituka I'll live" tumigil muna ako sandali "atsaka papakasalan pa kita" pabulong na sabi ko. Sana hindi nya narinig. Huh? Wait papakasalan ko sya? Well mukhang-- hindi, hindi, you just want her to be safe right? Yes, that's it I only want her to be safe.


"Ah ok sige pero hayaan mo akong gamutin yang sugat mo sa labi para maka-bawi naman ako" Naka-ngiting tugon nya


Damn! Her gummy smile makes me smile.


Nginitian ko sya bago sumagot "Halikana" I led her to my car.


Rita's POV

Nag-aayos na ago ng gamit para umalis. Hayst 11pm na sa condo nalang ako matutulog.


Biglang may lumapit saakin na lasing na lalake atsaka hinawakan ako sa braso. Tf?


Pilit kong inaalis ang kamay nya na naka-hawak sa braso ko, pero mas hinigpitan niya pa ang pag-hawak sa braso ko.


"Hi miss beautiful, mag-kano ang isang gabi?" Tanong ng lalake.


Luh? Mukha ba akong bayarang babae?


"Kuya bitawan nyo po ako" Ani ko habang pilit na tinatanggal ang kamay nya.


"Wag kanang tumanggi, alam 'kong gusto mo rin naman eh" Sabi nya.


Pero bago ko pa sya sampalin may umigkis na kamao sa mukha ng lalake dahilan para bumagsak ito sa sahig. Bumaling ako ng tingin sa pinang-galingan ng suntok. Laking gulat ko nang makita ko si morenong chinito.


Ang dilim ng aura nya.


Tumingin sya saakin na nangu-ngusap ang mata. Nag-aalala ba sya saakin? Baka guni-guni ko lang.


"Ok kalang ba?" Ani nya sa malambing na boses.


"O-Oo salamat" Nauutal na sagot ko sakanya. Luh neng ba't ka nauutal?


Sasagot na sana si morenong chinito nang biglang may sumuntok sakanya sa gilid ng labi sya tinamaan dahilan para pumutok ang labi nya. Tiningnan nya ang lalaking sumuntok sa kanya, atsaka sinuntok nya din ang lalake hanggang sa mawalan ito ng malay.


Tss. Buti nga sayo. Manyak!


Bumaling ulit sya ng tingin saakin.


"Hatid na kita 11pm na din kasi hindi na safe, baka mapano ka." Pagpe-presenta nya. Ang gentleman naman ng asawa-- este ni morenong chinito.


"Ah-- hindi na magta-taxi nalang ako, pero gamutin ko na muna yang sugat mo" Nag-aalala kasi ako sakanya, pumutok yung labi nya dahil saakin kaya gagamutin ko nalang. It's the least thing I can do.


"Hatid na kita ok lang naman eh, and don't worry malayo naman to sa bituka I'll live" Tumigil muna sya sandali "atsaka papakasalan pa kita" pabulong nyang sabi pero hindi 'yon nakatakas sa pandinig ko. Ano ba yan pa-fall ka rin eh kaninis.


"Ah ok sige pero hayaan mo akong gamutin yang sugat mo sa labi para maka-bawi naman ako" Para maka-bawi naman ako kahit konti.


Ngumiti lang sya bago sumagot "Halikana" Nauna na syang mag-lakad papuntang sasakyan nya.


Nandito kami ngayon sa Range Rover nya, oo Range Rover. Hayy ang bango ng sasakyan nya amoy 'morenong chinito'.


Natigil ako sa pagmumuni-muni nang mag-salita si morenong chinito.


"Make yourself comfortable" Ani nya with charming smile. Lord ang gwapong nilalang talaga nya!


Nginitian ko lang sya.


Binuhay nya na ang makina ng sasakyan nya. I-non nya bigla ang radio ng sasakyan, nag-play ang kanta na '10,000 hours' mahinang hinuhum ni morenong chinito ang kanta dahilan para mahina kong kantahin ang lyrics ng kanta.


And then it hit the chorus.


I'd spend 10,000 hours and
10,000 more oh. If that's
what it takes to learn
that sweet heart of yours.


Kinanta namin parehas. Bumaling ng tingin saakin si morenong chinito kaya nahagip nya akong naka-tingin sakanya. Pero bumalik ulit ang tingin nya sa kalsada. Nag-eye to eye kami! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Heart kalma lang!


And I might never get
there but I'm gonna try
if it's 10,000 hours or
the rest of my life.


Patuloy lang kami sa pag-kanta.


I'm gonna love you (ohh)


Bumaling ulit sya ng tingin saakin, kaya nahagip nya ulit akong naka-tingin sakanya. Kaya umiwas ako ng tingin. Actually tini-titigan ko sya.


"You're eye raping me" Ani nya. Aba loko to ah.


"For your information morenong chinito hindi kita ina-eye rape no" Sabi ko sabay irap porket tinitingnan sya eye raping kaagad hmp!


"Tss. Ayaw mo lang talagang aminin eh" Pabulong nyang sabi.


"Anong sabi mo?" Tiningnan ko sya ulit habang naka-taas ang isang kilay ko.


"Ahh-- wala sabi ko malapit na tayo sa condo mo"


Tinanguan ko lang sya. Ilang minuto lang nakarating na kami sa building ng condo ko.









A/N: Haiii so I'm back after I dunno how many weeks btw watch out for Chapter 7 its gonna be a blast chereeeet! Anyways happy reading.

Arigatou Gozaimasu!❤

- y u m i

\(○^ω^○)/

You Changed MeWhere stories live. Discover now