“Ayezza—”

Hindi naituloy ni Ryden ang sasabihin niya nang hatakin ako ni Ashton paalis sa cafeteria. Ayaw ko muna siyang makausap ngayon. Bahala siya. Kailan ba siya mapapagod kakahabol sa akin? mas lalo akong nasasaktan eh. There's a part of me that wants to talk to him pero may parte sa akin na natatakot tanggapin ang maaari niyang sabihin. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Hindi ko alam kung kailan titigil ito.

“Wuy, kailan mo kakausapin iyon? kawawa naman.” Kinalabit ako ni Quinn.

Sa totoo lang, hindi ko din alam. Hindi na lamang ako kumibo.

“Kung ano man iyang problema sa inyo, pag-usapan niyo 'yan. Mahirap nang magkalabuan pa kayo.” Rinig kong sambit nito.

“Kapag ba sasabihin kong hindi pa ako handa na kumausap sa kaniya, masama na ba ako doon?” tanong ko sa kaniya.

Tumitig lang ito sa akin na halatang pinag-isipan ang tanong ko. “Alam kong may mga rason ka. But make sure to talk about it sooner or you'll regret it. Pero nasa iyo pa rin naman 'yan. Take your time Aye.” She gently smiled.

Habang nagdidiscuss ang subject teacher namin sa harapan ay nakatulala naman ako. Wala na akong pakialam, wala naman sigurong magaganap na oral recitation ngayon.

Nang matapos na ang klase ay dali-dali kong niligpit ang aking mga gamit at lumabas na agad. Ayaw kong maabutan niya na naman ako.

Halos nangangati na ang paa ko sa inip dahil hindi pa dumadating ang driver namin. Ayaw kong maabutan dito ni Ryden ano! Nang mapansin kong unti nalang kaming estudyante rito ay napahinga ako ng malalim.

Ngunit halos lagutan ako ng hininga nang makasalubong ng aking mata ang ang kaniyang madilim na mga titig. This feels like a dejá vu.

“Ayezza, please,” pagsusumamo nito nang humakbang ako.

“Hindi mo ako pinansin ng ilang araw, pinalagpas ko iyon Aye, kasi gusto kitang bigyan ng space at oras kahit na—kahit na ako iyong masaktan. Kaya please, kahit ngayon lang. Pagbigyan mo naman ako para magpaliwanag, oh.”

Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang boses niya. Heaven knows how I miss him. Wala na, wala na akong takas sa kaniya ngayon.

Bumuntong-hininga ako. Ano ba ang nararapat kong gawin?

“Bakit? ano bang ipapaliwanag mo?! pasensya ka na pero wala na akong panahon na paniwalaan ka.” Paglaban ko. Hindi ko na maiwasang taasan ang boses ko. “Tapos ngayon, anong sasabihin mo sa akin? Aaminin mo na ba na naghihiganti ka lang sa'kin dahil sa galit ng mga magulang mo sa'min? na ginamit mo lang ako para saktan sa huli dahil iyon ay tagumpay mo?” Dugtong ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong patuloy lamang sa pagtulo.

“Ayezza, ano bang pinagsasabi mo? Saan mo nakuha 'yan? I'm not using you, okay?” He frustratingly said.

Hinatak ko ang kamay kong hawak niya at naglakad palayo hanggang doon sa tahimik na daan kung saan iilan lamang ang dumadaan at kahit ni isang bahay ay wala.

Kahit anong lakas kong takbo ay naabutan niya pa rin ako.

“Ayezza, hanggang kailan mo ba ako iiwasan?” rinig kong sambit niya sa likuran ko. Wala akong choice kundi ang lumingon.

“Ayaw na kitang makita.” I coldly said. Para ko namang pinagsisihan ang sinabi ko nang mapagtanto ko kung ano iyon. Napakagat ako sa aking labi dahil sa katangahang nasabi.

Kitang-kita ko kung paano pumula ang mga mata niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

“Ayezza please, bawiin mo ang sinabi mo,” he frownly plead.

The Living FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon