Pagkatapos niyang ibigay ang bayad ay agad siyang humarap sa bintana, kailangan niyang mai-refresh ang mata. Baka magka-katarata at mabulag siya.

Hindi niya namalayang nakatulog siya sa biyahe. Nagising siyang papula na ang langit. Nilibot niya ang paningin at nakitang ang ilan ay naghahanda na para bumaba. Napasobra ang tulog niya, ni hindi na niya namalayang malapit na sila.

Ilang sandali lang ay huminto na ang bus. Mabilis na nagsibabaan ang mga sakay, kasama na siya.

Humanap agad siya ng cr sa terminal. Naglakad-lakad pa siya ng makita ang banyo. Nagmamadali siyang tumakbo papuntang room. Dahil sa pagmamadali ay hindi niya namalayang may na bangga siya. Gusto man niyang linguin kung ano ang nangyari dito, hindi na niya nagawa dahil naiihi na talaga siya.

Nang marating ang banyo dali-dali siyang pumasok. Napahinga siya ng malalim ng mailabas ang tubig na kanina niya pang pinipigilan.

Humanap agad siya ng masasakyan papunta sa bahay kung saan siya dapat maninilbihan. Nang may dumaang taxi ay agad siyang pumara at sumakay dito.

"Saan po sila, Miss." Sabay kamot sa ilong nito. Hindi nalang niya pinuna ang kadugyutan nito, baka nangangati na talaga at pinipigilan lang nitong mangulangot sa harapan niya. Agad niyang kinuha ang papel kung saan ang address na kanyang pupuntahan.

"Magkakano ho ba papunta sa mga dela Cerna?" Tanong niya rito na agad namang napakamot ng ilong.

"Miss medyo mahal ang aabutin, kasi malayo-layo rin iyon. Mahal panigurado ang lalabas sa metro." Sabay turo sa metro. Nang tingnan niya ang metrong sinasabi nito, halos masamid siya sa sariling laway ng makitang wampipti na ang nakalagay at patuloy pang nadadagdagan.

"Eh manong hindi pa nga tayo umaalis may presyo na agad. Baka hindi mo pa nabubura yung sa sakay mo kanina." Sabay kamot sa ilong niya. Nahawa na rin yata siya rito. Bigla kasing parang gusto na rin niyang mangulangot.

"Aba miss! Ang mahal na ngayon ng gasolina, kanina pa naka-istart 'to. Kung namamahalan ka ay magjeep ka nalang!" Siya pa talaga ang may ganang mainis, eh sa pagkakaalam niya eh mangogotong lang ito, tsk. Agad naman niyang kinapa sa bulsa ng pantalon ang wallet. Sa kaliwang bulsa ay wala. Kinapa niya namang ang kanan. Hanggang sa para na siyang kiti-kiting naghahanap ng wallet. Kahit na pa itaktak niya ang gamit ay hindi niya ito mahanap. Nahahapong bumagsak ang balikat ng palabasin siya ng drayber.

Inalala niya kung naiwan niya ba ito. Sa pagkakatanda niya nakalagay ito sa kanyang bulsa ng pantalon sa may puwitan. Tapos ay may nakabangga siy--

Doon niya lang narealize na nadukutan na siya. Napasabunot nalang siya sa kanyang buhok. Kung bakit namang kasi ngayon pa siya dinalaw ng katangahan!

Pano na siya? Gustuhin man niyang lakarin nalang ang pupuntahan, hindi namang niya alam kung saang lupalop iyon ng Maynila. Bukod kasi sa papel pamasahe ay yun lang ang bigay sa kanya ng tiya niyang bruha. May balak pa yata itong iligaw siya.

Pero kahit na tanga siya ay hindi parin yata siya pinapabayaan ni lord. Sa kaswertihan niya may nakita siyang bente pesos na gustong magpakuha sa kanya. Agad niyang pinulot ito at nagpalingon-lingon sa magkabilang direksyon. Agad niyang tinago ang bente, baka may makita pa at angkin.

"Thank you talaga Lord, Jesus, kahit di ako nagsisimba at nagdadasal, eh hindi mo parin ako pinapabayaan." Para siyang timang na bumubulog-bulong, mabuti nalang at walang nakakakita baka isiping natuluyan na siya. "Labyu po, muah-muah chup-chup. Wag nyo muna anong ma-miss baka mapadali ang buhay ko." At sinabayan niya pa ito ng tawa.

Pumara siya ng jeep at sinabi ang distenasyong pupuntahan. Iba talaga sa Maynila, maraming klase ng tao. Tiningnan niya sa gilid ng mata ang mga katabi. Isa rito Ang nakaagaw ng kanyang pansin. Ang nasa dulo ay babaeng maputi. Nakapalda ng maikli. Ni hindi man lang ito naiilang kahit pa ang mga mata ng mga lalaking pasahero ay lantarang---lantarang--- hindi niya alam kung paano i-eexplain nanggagago?

Naka t-shirt naman si ate, shirt na parang ano mang oras ay puputok dahil sa may pakwang nakapaloob dito. Blandi blandi pa namang si ate, nuknukan namang ng kapal ng makeup. Oo nga'y maputi ito pero mas maputi ang mukha kaysa sa leeg. Nakakangiwing tingnan. Parang hindi pantay, parang boobs nito.

Bakit nga ba niya ito pinapakialaman? At kelan pa siya nagkaroon ng paki sa iba?

'simula ng ipanganak ka ay pakilamera kana, pintasera ka pa' Mabilis niyang kinastigo ang sarili. Pahamak na isip, hay.

"Sinong bababa sa dela Cerna?" Tanong ng drayber.

"Para na ho!" Mabilis pa sa alas kwatro siyang bumaba kahit pa ay papababagal palang ang jeep. Muntikan na nga siyang masubsob. Tinakbo niya ang malaking gate ng subdivision. Narinig niya pang sumigaw ang isa sa mga pasahero ng jeep na binabaan niya.

"Manong hindi pa nagbabayad yung bata! Singilin niyo!"

Bumagal ang takbo niya at doon niya lang naalala na hindi niya pa naibibigay ang bayad niya. Malapit na nga sana siyang konsensiyahin, nang maalala niyang wala pala siyang kosensya.

Napapailing na naglakad siya papunta sa guardhouse.

Napakasumbungera naman ni ate, hay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Nanny's DaughterWhere stories live. Discover now