Naka-ilang lunok rin ako at ramdam ko ang biglang pamamawis ng aking mga palad. Naka-ilang kurot na rin sa akin si Serina at paulit-ulit na sinasabi na magsalita na daw ako.

Sandali lang naman! Hindi ako ready kaya pwedeng mag-isip muna?!

Tumaas ang kanang kilay nito na animo'y sinasabi na naiinip na sya at sabihin ko ang kailangan ko sa kanya. Lalo akong hindi makapagsalita dahil ngayon ko lang nasilayan ng malapitan ang mukha nya, mas may igwa-gwapo pa pala sya sa malapitan.

Kailangan ko nang makakapitan! Ang mga tuhod ko nararamdaman ko na ang panlalambot ng mga ito!

"Ah.... ano.... kase ano...." panimula ko.

Halos mahigit ko ang sarili kong hininga ng unti-unting kumunot ang kanyang noo, sa ginawa nyang yon ay mas lalo akong kinabahan at sa kasamaang-palad ay nataranta ako kaya hindi ko na napansin ang mga nasabi ko sa kanya.

"Ma-may eroplanong dumaan hindi mo nakita? Kakawayan ko sana yung piloto kaso bigla na lang nawala." dare-daretsong sabi ko at mabilis na naglakad palayo sa kanya. Hanggang sa makalayo ako sa kanya ay naghuhurementado parin ang puso ko, namamawis parin ang mga palad ko. At halos i-untog ko ang sarili ko dahil napaka walang-kwenta ng lumabas sa bibig ko.

Eroplano, piloto? Talaga ba Aitana?!

"Ang galing! Sa lahat ng pwede mong sabihin yun pa talaga? Eh ang galing mo rin naman talaga Aitana Xymera Alonzo." puno ng sarkasmo na sambit nito habang pumapalakpak ng mabagal. Isang masamang tingin ang binigay ko sa kanya ng makalapit sya.

Lokong babae to! Parang hindi alam ugali ko kapag natataranta! At tulad ng inaasahan ay hindi manlang nasindak ang babae na ito sa sama ng tingin ko sa kanya at bagkus ay inirapan ako.

"Bakit mo kase ako hinila papunta don?! Baka kung anong isipin sa akin non. Baka isipin nya wierdo ako! Ano na ang gagawin ko, Serina?!" parang sira na sambit ko habang pabalik-balik sa paglalakad.

"Simple lang!--" agad ko syang nilingon at umaasang may sasabihin sya na maganda.

"Pumunta ka ulit don at ayusin mo yung mga sinabi mo!"

Bakit pa ba ako umasa na may sasabihin syang maganda. Umiling na lang ako sa kanya at hindi sya pinansin. Sumilip ako at agad nanlumo nang hindi sya makita sa pwesto nya kanina.

"Ayan umalis na tuloy! Ikaw kase e!" baling ko kay Serina.

"Boplaks! Talagang aalis na yan dyan dahil nag bell na, tapos na ang breaktime gaga!" sambit nya at nagsimula ng maglakad papunta sa room namin.

Asar na sumunod naman ako sa kanya at nang maglakad sya ng mabilis ay naalala ko na terror nga pala ang susunod na prof namin, ayaw pa naman non sa late. Nang makarating kaming dalawa sa room ay mula sa labas ay inayos namin ang mga sarili namin para hindi mahalata na namamadali kaming dalawa.

Parehas kaming nagtaka nang marinig ang ingay ng mga kaklase namin lalo na ang mga babae sa classroom, ang pagtataka ay napalitan ng ngisi dahil mukhang naunahan namin si Sir kaya ligtas kaming dalawa. Pina-una ko nang maka-pasok si Serina dahil napansin ko ang alikabok sa sapatos ko dahil sa pagmamadali namin kanina. Imbis na yumuko ay tinanggal ko na lang ang sapatos at kinuha, mahirap na baka masilipan pa ako dahil nakapalda ako.

Naka longsleeves ako na puti, may necktie na kulay red with blazer habang ang palda naman namin ay kulay black and red na stripes sa baba na pinartneran nang mahabang medyas at may takong na sapatos. Kung iisipin halos anim na buwan ko na lang itong maisusuot dahil malapit na kaming gumraduate. Anim na buwan na lang pero hanggang ngayon wala parin akong lakas ng loob na harapin si Ellrix.

Like A StarWhere stories live. Discover now