Tagpuan

28 4 0
                                    

Hindi ko mawari kung ano bang meron sa'yo na wala ang iba
Ngunit nung unang ika'y masilayan, damdamin ko'y hindi mai-pinta.

Ang mala-Anghel mong mukha, pati narin ang tono ng iyong pananalita
Hindi ko mawari kaya't ayaw kung magbitiw ng patapos na salita.

Sa muling pag-usbong ni Haring Araw mula silangan,
Kasabay ng pagbaybay sa daang aking tinatahak

Ako'y biglang natigil nang masilayang ika'y patungo rin sa daang aking binabaybay,
Ito'y aking binalewala at nagpatuloy na lamang tahakin ang daang di'ko batid kung saan ang patutunguhan.

Kasabay ng aking pagliko ay s'ya ding iyong pagliko,
Tila ba'y tayo ay pinaglalapit ni kupido

Nag-aantay ng tamang tiyempo upang panain ang ating mga puso,
Diko alam ngunit bigla na lamang bumilis ang tibok ng aking puso, at s'ya ding iyong paghinto.

Ako'y iyong nilingon, na naging sanhi din ng aking pagka-pako.
Para bang ang ating mga puso'y konektado.

Makalipas ang pangyayaring iyon, ito'y 'di pa rin mawala sa aking isipan magpasa-hanggang ngayon.

Ang mga bawat detalye, ay para bang iyong mga pangyayari sa mga napapanood kong teleserye.

Magpasa-hanggang ngayo'y nagiging sanhi pa rin ito ng maliit na kuwitis na pumupulas sa aking dibdib.

Lumipas ang buwan at taon, ngunit hindi pa rin nagbabago ang estilo ng panahon.

Sa muling pag-usbong ni Haring Araw sa pangalawang pagkakataon,
kasabay ng pag-awit ng mga ibon.

Muli akong nag-tungo sa tagpuan, masasabi kong ang tangi lamang nagbago at lumipas ay ang taon.

Huminto at tumindig ako kung saan ang aking mga paa'y napako noong ako ay iyong lingunin ng araw na iyon, kasabay ng maliliit na kuwitis na pumupulas sa aking dibdib nang mga oras na iyon.

Bigla akong natigil sa pag-katha, nang masilayan kong may paparating sa aking kinatatayuan ngayon.
Kung noo'y hindi ako sigurado sa aking nararamdaman, ito'y aking batid na ngayon.

Tila ba'y inuulit ng panahon ang pangyayaring taon na ang nakalipas

PINAGTAGPO na naman tayong muli ng panahon.....

—Mikee Manunulat✍🏻

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Poetry(Collection)Where stories live. Discover now