Kabanata 1: Balik Probinsya

1.4K 37 3
                                    

"Ma! Pauwina daw po si Trixie, kasama nya daw pinsan nya" Sigaw ko mula sa sofa at tinignan ang schedule ko ngayong First Sem. Natuwa ako ng makitang wala na akong Math, halos kapusin din ako sa nakaraang sem dahil dalawa ang Math namin. Calculus and Statistics sucks, really.

Itinabi ko ang hawak hawak kong papel ng muling tumunog ang phone ko at nakitang nagreply si Trixie.

Trixie:
Andito na kami sa Bauang! God hintayin mo ako sa labas ng bahay nyo. Missed you Odessa 

Napangiti ako at nagtipa ng irereply.

Sige hintayin ka namin ni Max. Ingat! 

Tumayo ako at pumuntang kwarto ko para ilagay ang inayos kung gamit sa sala. Halos isang buwan din syang nawala at tuwing summer ay umuuwi syang Manila para magbakasyon. Ewan ko ba sa kanya mayaman naman sila pero hindi ko alam kung bakit mas pinili nyang magaral dito sa probinsya sa Public School pa na sya ring pinapasukan ko.

"Max! Tara sa labas hintayin natin si Trixie" Tawag ko sa kapatid ko ng makalabas ako ng kwarto. Mabilis naman nyang pinatay ang TV at lumapit sa akin.

"Uuwi na sya ate? Yes! May pasalubong nanaman ako" Yumuko ako at kinurot ang matabang pisngi ng kapatid ko.

"At huwag mong kakalimutang magpasalamat kung sakaling may pasalubong ka"

"Ate alam ko. Dalawang taon na si Ate Trixie dito sa atin, kabisadong kabisado ko na sya" Sya na mismo ang humatak sa akin palabas ng bahay at umupo kami sa duyan na nilagay ni papa sa silong ng mangga.

Hapon narin at malapit na ang paglubog ng araw. Minsan pa nga pumupunta pa kaming dagat para lang mapanood ang sunset, malapit lang naman kasi sa dagat ang bahay namin. Mga apat na minutong lakaran lang.

"Nasaan na daw po ba sya ate" Tanong ng kapatid ko at humiga sa hita ko. Grade five palang sya at parehas kami ng school na pinapasukan.

"Nasa Bauang na daw sya, baka nga nasa San Fernando na yon kanina pa nya naitext yon e" Tumango naman bilang sagot ang kapatid ko at tumayo. Medyo lumba pa sya kung maglakad dahil mataba sya kaya naman tinulungan ko.

"Max, diet ka na pwede? Sige ka! Hindi ka na magugustuhan nong crush mong taga Felkris Academy" Tumawa ako ngunit sinimangutan nya lang ako at ngumuso.

"Ate naman! Hindi ko yon crush" Umiwas pa sya ng tingin at pinag ekis ang kamay nya sa dibdib. Tumawa lang ako at humiga sa duyan.

Nagkwentuhan pa kami ng kapatid ko tungkol sa di umanoy crush nya. Ilang sandali pa ay may bumusina na sa labas ng bahay. Napatayo kami ni Max at binuksan ang gate. Hindi pa man tuluyang nabubuksan ang gate ay lumabas na si Trixie sa sasakyan na sa tungin ko ay pagmamayari nila sa Manila dahil ito rin ang pinagsakyan namin nong last December.

"Odessa! Max!" Pambungad nya at mabilis akong niyakap bago lumipat kaya Max. Pinisil pisil pa nya ang pisngi ng kapatid ko bago yon hinalikan.

"Ate Trixie! Kiss agad ang sumalubong sa akin" maarteng sabi ng kapatid ko at kunwari ay nandiri sya sa halik ni Trixie. Tumawa lang si Trix at niyakap nanaman ako.

"Odessa! God mas lalo kang pumuti. Kamusta ang bestfriend ko? Ay teka, asan sila mama at papa?" Patungkol nya sa parents ko na mama at papa narin ang tawag nya.

"Di a' lagi nga kami ni Max sa dagat e'. Kaw kaya jan! Mas lalo kang gumanda blooming!" Humagikhik ako at pinasadahan ng tingin ang loob ng sasakyan nila. Tinted yon kaya wala akong nakita sa loob. "Sila mama pala nasa loob, pasok tayo. Hindi ka ba pagod sa byahe Trix?"

"Hindi naman, anim na oras lang naman ang byahe at nakahiga kaya ako buong byahe. May kasama ako e' yong pinsan kong asungot" Tumatawa nyang sabi ngunit napalitan ng pagkakakunot ang noo nya ng banggitin nya ang pinsan nya.

A Glimpse from CarlosWhere stories live. Discover now