Hanggang sa kanilang venue ay si Erin parin ang may hawak sa camera dahil busy ang lahat.
"Ahhh ang sakit na ng braso ko" sabay hilot niyo sa braso niya, may biglang pumasok sa waiting room nila
"Okay na ba lahat? mag sisimulanna program in 30 mins" nakangiting sabi ni Christopher habang may hawak na papel sa kabilang kamay. Napatingin naman si Erin sa kanya
"Ang gwapo niya naman"
"oo nga" bulong bulongan ng mga babaeng staff. Nakatingin lang si Ken kay Christopher sabay kay Erin habang nakangiti naman ang apat na naka tingin din kay Christopher
"Okay na ba kayo? Wala ba kayong ibang kailangan?" nakangiting tanong ni Christopher sa lima
"Ahhh okay na po kami, salamat nalang po" sabi ni Sejun
"Ano ka ba bro magkasing edad lang tayo kaya wag mo na akong e po" sabi ni Christopher
"Ahh oo nga pala haha, sige sige" sabi ni Sejun
"Sige ipaalam niyo nalang sakin kung may kailangan kayo" sabay alis ni Christopher
"Erin pwede ba tayong mag usap sandali?" Sabi ni Christopher kay Erin, tumingin muna siya kay Ken na nakapikit
"Sige" sabay tayo ni Erin.
Hindi niya alam nakita sila ni Ken papaalis sa waiting room.

"Mmmmm" sabay abot ng iced coffe
"Ahh salamat, kailangan ko nga talaga to" sabay kuha ni Erin
"Ano nangyari sa tuhod? Bat may may bandaid?"
"Ahh to, alam mo naman tatanga tanga ako minsan kaya yan nadapa ako haha"
"Hindi ka pa talaga nag babago, napaka clumsy mo!!" Sabi ni Christopher
"Nga pala, yung inaalok ko sayo napag isipan mo na ba?"
"Yun? ah, alam ko napaka laki oppurtunity ng inooffer mo pero----"
"Its okay, alam kong gusto mo na yung trabaho mo ngayon kaya di kita pipilitin but mag sabi ka lang sakin pag nag bago na desisyon mo"
"Salamat" nakangiting sabi ni Erin.

Nag simula na ang program nila at malapit na mag perform ang SB19, napaka ingay na ng mga Atin habang hawak hawak ang kanilang mga banner at lightsticks. Nasa baba naman ng stage sila Erin hawak hawak ang mga pamunas at tubig na ibibigay sa lima pag katapos nilang mag perform
"Sa wakas di nako camera man" sabi ni Erin.

Napaka lakas ng hiyawan at Fan chant ng mga Atin na halos mabingi na ang lahat
"Waaaaaa tumatayo mga balahibo ko" sabi ni Erin habang tinitignan ang mga balahibo niya sa kamay
"Erin yung pamunas!" Tawag sa kanya ng isang staf
"Ahhh andito na" sabay lakad ng mabilis ni Erin pero na patid siya sa isang malaking wire kaya na subsob siya sa sahig at nabitawan ang mga dala niya, napatingin naman sa kanya ang lima lalo na si Ken
"Wag, mahahalata lang kayo" sabi ni Josh na pinipigilan si Ken na bumaba para itayo si Erin
"Okay ka lang?" Tanong ni Christopher sabay alalay kay Erin
"Ahh oo, teka yung mga towel tsaka yung tubig" sabi ni Erin tinulungan rin sila ng ilang mga staff para damputin ang mga nabitawan ni Erin. Napa yukom nalang ng kamao si Ken habang pinapanood na paika ikang mag lakad si Erin. Nasa loob na si Erin ng waiting room at siya lang mag isa doon
"Ahhh ang sakit ng tuhod ko, heeeeekz dumudugo ulit siya" sabi niya habang tinitignan ang tuhod niya na may dating sugat
"Ahhhh, wala pa naman akong dalang extrang bandaid" sabi niya, biglang pumasok si Ken na nag mamadali
"Erin, ayos ka lang?" Sabay luhod niya pag kakita sa tuhod ni Erin na dumudugo
"Dumudugo, gamotin natin to, teka lang kukuha lang ako nng----"
"Andito ka lang pala Ken!!" Sabay pasok ng isang staf
"May dalawang performance pa kayo, kailangan ka na doon"
"Teka si Er---"
"Sige na Ken, okay lang ako" sabi ni Erin
"Pero---"
"Halika na Ken, tatawagin na ulit kayo" sabay hila kay Ken palabas habang nakatingin lang kay Erin na pinipilit na ngumiti para ipaalam na okay lang siya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Erin pag kasarado ng pinto
"Parang unti unti ng nag kakatotoo mga sinabi ni Christopher sakin, mag kasama nga kami sa iisang lugar pero parang napakalayo naman namin sa isat isa" sabi ni Erin sa sarili niya
"Erin!!" Biglang bukas ng pinto ni Christopher.
"Ah!! Dahan dahan naman sa paglagay ng gamot, masakit ee" sabi ni Erin
"Sorry, napaka clumsy mo kasi tsssk" sabi ni Christopher
"Salmat" mahinang sabi ni Erin
"Hmmm? Para saan?"
"Wala lang" nakangiting sabi ni Erin.


Hindi na sila nag kita ni Ken at saglit lang sila nag usap sa cellphone pag katapos ng event na yun dahil sa pagod nilang dalawa.




"Erin, tapos mo na bang echeck ang mga gagamitin natin mamaya sa photoshoot ng debut ng mga girls?" Tanong ng isang staf
"Ahh opo, sila nalang po hinihintay" sabay pasok ng mga bagong ide-debut
"Hi po, goodmorning po" bati ng isa
"Sakin si Erin" nakangiting sabi ni Myra sabay upo sa tapat ni Erin.
Habang inaayosan sila bigla nilang napag usapan ang SB19
"Speaking of Ken, saan kayo pumunta kahapon ha? nakita ko kayo sa labas ng building mag kasama pa kayong umalis" sabi ng isa, napatigil naman si Erin sa pag lagay ng foundation niya sa mukha ni Myra
*Magkasama sila ka gabi?* tanong ni Erin sa isip niya
"Ahh yun, hinatid niya lang ako sa sakayan malapit lang dito" nakangiting sabi ni Myra
"Uyyyyy haha, kaya kayo shiniship sa company eee, bagay kayo!" Sabi ng isa
"Erin?" Tawag ni Myra sa napatigil na si Erin
"Ha?"
"Okay ka lang?, tapos na ba?"
"Ahhh sorry, iniisip ko lang ano pa kulang" palusot ni Erin
"Ano ba kayo!!" Pakipot ni Myra
"Aysuuuus, baka bukas makalawa mabalitaan nalang namin na kayo na" sabi pa ng isa
*Ahm excuse me, nandito original na girlfriend ng pinagchichismisan niyo*
"Ano ba kayo, ma issue kayo haaa!!" Pa bebe nitong sabi
"Ahh! Erin?"
"Ahhh sorry napalakas ko yung pag tap ng sponge" sabi ni Erin.

"Nakakainis naman sila, tssssssk kung pwede lang sumigaw kanina na ako girlfriend ni Ken!! tssssk ahhh iwan nakaka gigil!!" Sabi ni Erin sa sarili habang nag lalakad yakap yakap ang mga daladala niyang make up na huhugasan. Mayamaya pa may humila sa kanya papasok sa storage room
"Ano ka ba ginulat mo kooooo!!" Sabay hampas niya ka Ken
"Gusto lang talaga kitang mayakap, kamusta na tuhod mo? Magaling na ba?"
"Mmmm, pagaling na siya. Nga pala kagabi anong ginawa mo? Umuwi ka na ba talaga agad?"
"Ha?"
*Please wag kang mag sisinungaling, please*
"Ahh oo umuwi ako agad"
*Sinungaling*
"Ahh"
"Pero nag pahatid si Myra sa sakayan malapit lang dito, sinamahan ko na kasi namimilit. Alam mo naman boyfriend mo gentle----" napatigil si Ken sa pag sasalita nang bigla siyang yakapin ni Erin
"Mmmmmm, alam kong hindi ka mag sisinungaling sakin. Salamat" bulong niya habang nakangiti
"Ha?, teka? Bakit?"
"Wala!!!" Sabay kawala niya sa pag kakayakap
"Mmmmmm gusto manood tayo ng anime mamaya sa bahay?" Nakangiting sabi ni Erin
"Talaga?" nagpipigil naman ng ngiti si Ken
"Mmmmm, wala ka namang gagawin mamaya diba?"
"Ohhh"
"So kita nalang tayo mamaya sa bahay. Bumili ka ng ice cream ha!"
"Chocolate flavor. Yes maam!"
"Tssssk hahaha, sige na may gagawin pa ako!!"
Naunang lumabas sa storage room si Erin at pag kalayo niya ay si Ken naman ang lumabas, hindi nila alam may nakakita sa kanilang dalawa.

My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon