DANAYA

7 0 0
                                    

Maulang umaga di pa mandin nakapagdala ng payong papunta siya palengke buti nalang pinayagan siyang magday off ng amo. Lately kasi nasstress narin sa amo na babae napakabugnutin at kulang nalang buhusan siya ng mainit na tubig .Dagdag pa ang masasakit na salita at mga paratang ng walang katotohanan. Planong magluto ng adobo at sinigang naman mamaya kahit papano naging kaclose naman niya si Ella kaya nakikiluto nalang kung wala ang mama nito at nakikikain naman kasi ito kung nagluluto siya.

Paliko na siya sa eskinita ng mamataan ang isang lalaki na pamilyar ang pigura di lang kasi maaninag ang itsura dahil sa may kalabuan ang mata kapag medyo malayo ang tinitingnan. Itinulos siya sa kinatatayuan ng makalapit na ito at nagulat ng makita siya, may saya at halong pagtataka.

"Da-naya?"

Malaking pagbabago ang naganap sa pisikal ng lalaki ganundin ang pagputi pa ng kutis nito. "Ako nga ku-kumusta ka? "nauutal pang tanong gustong sitahin ang sarili di naman siya ganiti dati pati nga presensiya nito noon ay wala namang pakialam.

"Nakakagulat ka naman si Jefrey tumawag sakin mga ilang araw lang hinahanap ka parin nila bigla ka nalang daw kasi nawala. "

Napayuko siya sa narinig at alam naman nakakahiya ang ginawa lalo na si Jefrey hindi na ito iba sa kaniya pero natiis niyang hindi ito kausapin. Parang kinkurot na naman ng konsiyensya.

"Huwag mo sanang banggitin na nakita mo ako, "pagsusumamo tumingin siya sa mga mat ni Ernesto naroon ang pagtataka pero minabuti ng ihakbang ang mga paa palayo hindi na hinintay ang kasagutan nito. Tinawag pa siya ni Ernesto ngunit hindi na lumingon lumiko siya sa eskinita kung saan maraming taong dumaraan. Naririnig parin niya na tinatawag siya kaya binilisan ang lakad hanggang sa naging patakbo na. Sa dami ng tao ay di na siya makita pero kung nasaan siya naroon kitang kita kung paano siya hanapin ni Ernesto.

Nang makitang lumayo na ang lalaki ay saka pinagpatuloy ang pagpunta sa palengke sinigurado na sa bawat makakasalubong na tao ay hindi si Ernesto hanggang sa makauwi na ay ito parin ang bumagabag sa kaniya.

Tiyak malapit lang dito ang bahay ni Ernesto maaring malaki ang tsansa na magkakasalubong ulit sila.

"May problema ka ba ate? "
Napalingon sa tinig ng nagsalita pupungas pa ito sana'y kasing gumising ng medyo late si Ella.

"Wala naman, bakit mo natanong? "pagkukunwari kahit yung utak ay di na sumasang ayon.

"Ramdam ko lang kasi parang ang lalim mo kasing mag-isip saka naririnig ko na parang nagsasalita ka mag-isa. "natatawang wika ni Ella tinapik pa siya sa balikat. "Problema ba sa love yan? "

Napatawa sa narinig paano magkakalovelife puro shih tzu ang nakikita sa araw araw. "Naku kung ano pinagsasabi mo tulungan mo nalang kaya ako dito, para makakain na tayo. "

Napalabi si Ella, "Ate magsabi ka nga sakin nasaan ang pamilya mo saka dapat nag -aaral ka? "

"Heto ka na naman,hala maghiwa ka ng sibuyas, bawang at luya para sa adobo. "binigay ang kutsilyo at ingredients para makapagsimula na sila.

Sa kaniya kasi ayaw talagang sabihin ang pinagmulan hindi sa nahihiya kundi gusto lamang na gumawa ng bagong buhay sa maynila. Malayo sa gulo kahit ganun naman tinuturing naman niyang nakababatang kapatid si Ella at ang mga anak ni Mang Gil. Ayos narin,nakakaadjust na sa buhay siyudad at masasabing nagiging independent na.

Pagkatapos nilang kumain ay nagligpit na si Ella samantalang siya ay umupo sa balconahe. Gusto lang magpahangin para mamaya ay matutulog na.Napatingin siya kalapit na boarding house ganun na lamang ang gulat ng makita si Ernesto na nakatingin rin sa kaniya.

Muntik ng makapagmura sa nangyayari kung sino pa ang iniiwasan mo ay siya pa ang makikita mo at ang masahol ay katapat  ng building nila. Kumaway ito sa kaniya may galak sa mga mata. Samantalang siya ay naisip na wala ng kawala.


"Ui ate may admirer na "nakita nitong todo kaway parin si Ernesto sa kanita at tinuturo sa ibaba."Ate mukhang gusto kang kausapin gusto ka yatang ilibre ng milk tea beke nemen. "

Natatawang sinaway si Ella pero naisip papakiusapan nalang si Ernesto na huwag nalang sabihin kay Jefrey sana kung maari. Naisip bakit ba ayaw sabihin sa kababata ang dahilan ng pag -alis at paglayo sa kanilang lugar. Nakitang bumaba na si Ernesto sa hagdan desidido talaga itong makausap siya,siya naman ay nagdadalawang isip kung tutuloy ba o hindi ng makitang nasa baba na si Ernesto at naghihintay ay bumaba narin nagpaalam kay Ella na todo kung makapatudyo ang bata.

Hingal na hingal ng makarating sa kinaroroonan ni Ernesto feeling niya ang lahat ng kinain ay napunta lang sa pagbaba sa hagdan.

Inabutan siya ng tubig na binili kila Nanay Maty. Agad naman na ininom kaya medyo nabawasan ang pagkahingal.

"Okay ka na ba? "tanong nk Ernesto sa namumulang si Danaya medyo napangiti siya ng makitang umiwas ang mga mata nito sa pagtingin din sa kaniya.

"Bakit mo ako pinapunta dito?"

"Tara milk tea tayo, "hinila na ang kamay ni Danaya napasunod naman ang dalaga. Nang makarating sa store ay pinaghila muna ng upuan saka tinanong ang dalaga kung ano oorderin ang sabi nito kung ano nalang ang order niya ay ganun narin sa kaniya napakamot sa ulo ng marinig ang sagot .

Habang umoorder ay palingon lingon sa kinauupuan ni Danaya mahirap na baka takasan ulit siya katulad kanina buti nalang dininig ng Diyos ang panalangin na sana magkita ulit sila at nangayari nga ang inaasam. Kung paano di siya nakatulog ng marinig ang balita kay Jefrey na nawawala raw si Danaya ganun na lamang ang kaba sa bawat araw. Kung may pagkakataon siya kung saan man makarating ay pinagtatanong niya kung may nakakita sa litratong dala dala. Malaking pagsisi ang nararamdaman sa panahon nayun kung bakit kasi inuna pa ang pakikipagkasintahan kay Perla na isa lamang sakit sa ulo. Kung ikukumpara sina Perla at Danaya mas malaki talaga ang lamang ni Danaya sa itsura at kagandahan loob. Nadala lamang siya sa pagsisinungaling ni Perla na si Danaya ay kasintahan na ni Mikee na di naman pala totoo nabanggit niya kasi ito kay Jefrey na pinabulaaanan ng huli.

DANAYAWhere stories live. Discover now