"Oo naman! Kunin mo nalang ulit mamaya."



Binigay niya sa akin ang cellphone niya na nilagay ko muna sa bulsa ko. Iinitin ko na sana yung mga pagkaing hinanda ng mga maids nila Ouie kanina nang makita ko ang reaksiyon ni Bryle.



"Pucha. Ang bigat ng plato nila!"



"Sige na! Lumabas ka na bago pa mabali yang mga braso mo. Balikan mo tong ibang plato ha?" Tumango naman siya bago lumabas na ng kusina ng may halong pag-iingat. Natatakot atang mabasag yung mga platong hawak niya.



Nakapameywang kong hinihintay na kumulo yung sauce para sa spaghetti ng maalala kong kailangan kong kunin yung mga baso. Nasa itaas ito na cabinet kaya naman pumatong pa ako sa isang stool para maabot ito.



Haist. Ang hirap talaga kapag kinulang ka sa gatas, margarine, growee, cheriffer at magandang genes! Hindi din naman kasi katangkaran si Tatay eh.



Kumuha ako ng apat muna na basong kaya hawakan ng maliliit kong kamay. Siyempre ayaw ko namang makabasag katulad ni Bryle. Baka pukpukin ako ni Tatay kapag nalamang nakabasag ako dito sa bahay ng mga Cortaga. Ang mamahal pa naman ng gamit nila.



"Hoy! That's dangerous!"



"Ay kabayo!" Inis kong nilingon si Ouie na kakapasok pa lang ng kusina at nagmamartsa na papalapit sa akin. "Hoy! Mas dangerous yung panggugulat mo sa akin kaysa sa pag-akyat ko dito!""



"I don't want to argue with you so can you please get down?" Dumilim ang aura niya kaya naman bumalik ang tingin ko sa may cabinet. Medyo gumalaw tuloy ang upuan ko na naging dahilan para mabitawan ko ang isang baso.



"Oops." Tinignan ko siya at nakita kong napahilot siya sa sentido niya.



"Tsk. Sabi ko ng mag-ingat eh."



"S-Sorry!" Nakaramdam tuloy ako bigla ng hiya. Bakit ba kasi ang clumsy ko?!



"Sorry talaga Ouie!" Bababa na sana ako sa upuan pero nahugot ko ang hininga ko ng bigla niya akong buhatin at dalhin para makaupo sa countertop.



"Shhh. Just stay there. Maraming bubog sa sahig. Baka masugatan ka."



Nakita ko ang pagsilip ni Bryle sa pintuan ngunit hindi siya tumuloy ng makita kami. Nakatulala lang ako habang pinapanood si Ouie na I-dust pan ang nagkalat na baso sa sahig. Naghintay ako na makatanggap ng sermon mula sa kanya ngunit wala. Tahimik lang siya sa ginagawa niya.



"Ouie-"



"Bumalik ka na sa sala. Ako na ang bahala sa mga baso." Bumaba ako sa countertop at kukuhanin na sana ang anim na plato ng bawasan niya ito ng dalawa.



"It's too heavy."



"Kaya ko naman-" Pinatunog niya ang dila niya kaya naman automatikong umurong ang dila ko. "Sabi ko nga hindi ko kaya. Grabe ang hina ng mga braso ko! Magwork out na kaya ako?"



Awkward akong bumalik sa sala at naramdaman kong iniiwasan nilang magtanong kung anong nangyari sa kusina. Sumunod lang din naman si Ouie at kahit siya ay tahimik lang. Halatang nabadtrip siya sa katangahan ko ng magyaya siya sa mga boys na mag-inuman.



"Akala ko talaga magiging masaya ang overnight na to!" Bumuntong hininga si Gracie.



"Nah. Umasa ka pa eh puro tagay naman nasa utak ng mga boys." Wika ni Happy na nagpatango sa akin.



A Little Bit of SunshineKde žijí příběhy. Začni objevovat