Chapter 32. 2 ♥ New friend

Depuis le début
                                    

Nagulat pa ako ng nagsalita ito.

"Are you finish" Tanong ito. Argh nakakainis anong ginagawa nya dito. Di ko sya sinagot kumatok nalang ako sa c.r. Pagbukas nya tiningnan nya ako ng maigi. Tinaasan ko sya ng kilay.

Nag iwas naman sya ng tingin saka lumabas ng c.r. Pagkasarang pagkasara ko ng pinto. Napasandal ako dun saka napapikit. Dama ko parin ang kabog ng dib dib ko at ang mga titig nya. Napalunok ako bago napailing saka naglakad patunggong bath tub. Pero naramdaman ko ang kirot ng paa ko. Argh hindi pala ako kanina gumamit ng saklay. Nang maalala ko ang dahilan nito. Nakadama ako ng galit. Galit sa kanya. Hais makaligo na nga.

Pagkatapos kong maligo mabilis akong bumaba para kumain. Nasa hagdan palang ako dinig na dinig ko na ang tawanan nila. Napailing ako mukhang close sila ng mom ko. Sabagay lahat naman ata.

Natahimik ang dalawa ng mamataan ako. Tiningnan ako ni Xian pero nag iwas ako ng tingin. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina.  “Halika na anak, Kumain na tayo” Aya nito saka itinuro ang katabing upuan ni- nanlaki pa ang mga mata ko nang ituro nya ang upuan ni Xian. Bakit dun pa sa tabi nang lalaking yan Argh. Di ko sya sinunod imbes na maupo ako sa tabi hinila ko ang upuan na katabi ni mom.

“Baby kumain ka lang ng kumain this past few days parang nangangayayat ka, alam ko naman na may tampuhan kayo nitong si Xian pero isipin mo naman ang katawan mo. Isa pa andito na sya humihingi na nang tawad, Patawarin mo na yan kawawa naman” Napatungangang napatingin ako dit. Gusto ko sanang magsalita kanina pero di man lang ako binigyan nang pagkakataon na magsalita ano ba ito si mama di man nahiya sa mga pinagsasabi. At anong humihingi ng tawad maniwala ako dyan di nyan ibaba ang pride nyan para saakin.

Umirap lang saka nagsimula nang kumain. Ang tahimik namin habang kumakain ang naririnig lang ata ang bawat paggalaw ng kutsara. “Ehem” Ang nanay ko talaga hindi ata matatapos ang isang oras kung hindi magsasalita.

Nakita kong nag angat ng tingin si Xian. Wow naman close na pala talaga sila ngayon ko lang napansin. Agad kong tinapos ang pagkain at tumayo na, Kailangan kong mauna ayoko syang makasabay kahit sa paglabas pa ng pintong yan.

Dahil nahihiya ka sa nangyari kanina sa banyo?  Kinilabutan ako sa naiisip ko. Argh gusto ko nang kalimutan yun pwedi ba wag ka na ngang sumingit sa utak nakakainis lang.

“Mauna na ako mom,” Sabay halik ditto. Nagtatakang tiningnan ako nito. “Aba kumakain kapa ah, Saka si Xi-..” 

“Mom, May  exam kami ngayon kailangan ko nang mauna” Putol ko sa sasabihin nito. Ayoko ngang makasabay ang lalaking yan di ko pa yan napapatawad hmmp.

Naglakad na ako palabas nang hindi hinihintay magsalita si mom. Alam ko naman ang sasabihin nya alam ko na yun. Kaya tinalikuran ko na sya. 

Mabilis akong nakarating sa may sakayan ng jeep sumakay kaagad ng jeep nang walang anu ano'y may humila saakin. Napadaing pa ako sa sobrang higpit ng kamay nya na nakakapit saakin. Napadaing ako sa sakit. "Ouch" saad saka tiningnan ng matalim kong sino man ang pangahas na nanghihila nalang basta basta. 

Nagulat pa ako makita ang mukha nyang tila napipika saakin. Aba sya pa ang may ganang magalit ngayon ano pa bakit nya pa ako sinundan dito?. "Oh bakit" Tanong ko habnag nakataas ang kilay. Nakita kong napabuntunghininga ito. "Look. Ahm... I-im sorry" Aba nautal ang loko siguro nakonsenya naman talaga. Pero hmmp di ko parin sya mapapatawad.

My Brokenhearted HeartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant