Chapter 49: Princess Collide

Începe de la început
                                    

Ha? Business matter? Kanino?

Minsan hindi ko rin alam ang takbo ng utak ni Dia. Ang akala ko ba pumunta kami dito sa Altenstien para sa royal issue na gustong pag-usapan ni King Seju? Bakit may business matter?

.

.

.

Doctor Sylvia's POV

"Mabuti naman po kung ganun, matutuwa po si Dia once na malaman niya ang bagay na ito." Napangiti na lang ako ng makita sa reaksyon ni Mariel at ni Shine, maging ako ay nagulat sa biglaang paggising ni Alondra kaninang umaga habang nagchecheck ako ng kanyang vital signs.

"Sa ngayon ay pagpahingahin muna natin si Mrs. Madrigal, dahil hindi pa totally magaling ang surgery niya."

"I can't wait to tell this to Dia." Excited na sambit ni Mariel, si Shine naman ay nakangiting isinalansan sa maliit na ref ang gatas na binili niya.

"Sa tingin mo umaga na sa kanila ngayon?" Nag-uusap lang sina Shine at Mariel habang ako naman ay abala sa pagtingin ng chart na lumabas lang ngayong umaga. Naipasa na rin sa akin ni Darell ang mga antibiotics na kailangan ng pasyente ko.

Katatapos ko lang sa shift ko kaya dito na rin ako dumiretso sa bahay nina Alondra, hindi ko pa totally natatapos ang test sa chart na lumabas kaya hindi ako sigurado sa susunod na araw sa paggising niya.

Mamayang gabi ko na lang isesend kay Dia ang mga chart na matatapos ko ngayong hapon.

*DING

Napalingon ako sa phone ko ng marinig ang tunog na iyon. Agad ko namang kinuha iyon dahil naghihintay rin ako ng message mula kay Rawn ngayong hapon.

Doc nasa bar na kami, hindi po ba talaga kayo sasama? 

Napabuntong hininga na lang ako ng mabasa ang mga salitang nakalagay sa message box na isenent sa akin ni Nurse Cecill Bo. Pangatlong beses na ito na niyayaya nila ako na sumama sa gimik nila, ngunit palagi akong abala at wala rin sa isip ko ang mag-enjoy sa ngayon.

I'm sorry, kailangan ko pang tapusin ang chart ng pasyente ko. Next time na lang. Reply ko sa message ni Cecill.

*DING

Next time? Nakailang next time na kayo Doc, baka kapag namatay ang isa sa amin or si Doctor Luson saka kayo makakapunta? 

Hindi ko na lang nireplayan pa si Cecill, dahil alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako pumapayag.

At sa dinami dami ng pwede niyang sabihin 'yun pa talagang bagay na iyon. Ayaw ko pa naman ang makarinig ng balita na may namatay, kaya lahat ng pasyente ko ay sinisikap kong hindi babawian ng buhay. At sa ilang dekada ko na sa pagiging Doctor wala pa kahit isang namatay sa mga kamay ko, hindi sa pagmamayabang pero ayaw kong sukuan ang mga pasyente ko, ayaw kong may nakikitang umiiyak dahil namatayan sila ng mahal sa buhay, ayos lang na mahirapan at mapagod ako huwag lang may masayang na buhay.

Masakit sa side ko ang makarinig ng iyak, kaya ayaw kong may namamatay. Kaya kadalasan hindi ako tumatanggap ng assist mula sa mga director head ng ibang hospital, hindi naman sa wala akong tiwala sa head doctor nila kundi ayaw kong pumalya ang pag-aassist ko.

.

.

.

Dia's POV

Matapos ang mahigit isang oras na paghihintay ay nakarating na rin sina Gene kasama si Krish. Agad rin kaming bumaba ni Jeyya sa lobby upang makapagcheck out habang naghihintay si Mr. Yong at si Hanz sa exit.

Unexpected RoyalUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum