Sorry, kung ako'y umasa
Ngunit ano pa nga ba ang magagawa.
Sorry, kung ako'y umasa at ngayo'y nasasaktan ng sobra.
Ngunit ano pa nga ba ang aking magagawa.....maibabalik pa ba?Masisisi mo ba ako, aking sinta
Nangako tayong dalawa na ang ating nasimula'y ipagpapatuloy pa,
Na sa kahit anumang delubyong dumating maging sinumang hadlang, ito'y ating ipaglalaban pa.
Ngunit diko inakalang ang lahat ng ito'y mananatili na lamang matatamis na alaala,
Matatamis na ala-alang aking binabalik-balikan pa.Lumipas ang mga araw, buwan at taon
Heto parin ako umaasa na baka ito na ang tamang pagkakataon,
Na baka sakaling umayon na sa atin ang panahon
Na baka sakaling ang tahimik ng dagat ng ating pagmamahalan ay muling umalonSorry, ang lahat na mga ito'y mananatili na lamang sa aking imahinasyon
Nagbago na ang mundo, nalagas na ang lahat ng dahon ni higanteng-puno sa haba ng panahon
Ngunit heto parin ako, humihiling sa
PANAHON ng isa pang pagkakataon.....-Mikee Manunulat🍂
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry(Collection)
PoetryIf you're finding some spoken poetry's to hold on or relate on whenever you're sad or feeling empty, i guess you might like reading my compilation of my works🍂 Padayon everyone!