c u a r e n t a

Magsimula sa umpisa
                                    

Isang Demon ang kaharap ko ngayon, may bolang apoy siya sa kanyang kaliwang kamay. Agad nitong itinira saakin kaya iniwasan ko agad.

Nakatayo lang ako sa harap niya at hinihintay ang mga susunod na hakbang, nag summon siya ng isang malaking bolang apoy.

Napatawa naman ako dahilan para mainis ang kanyang itsura. Dahil sa inis niya ay mabilis niya itong tinira saakin, I concentrate as i remove the air in his fire agad nawala ang apoy.

Walang oras akong sinayang at agad na nilabas ang aking ispada nilabas niya din ang kanya, puro depensa lamang ang kanyang ginagawa ngunit nang may makita akong butas ay agad ko siya sinipa, napaatras siya at kinuha ko ang ilang segundo na iyon para mag teleport sa likod niya at kasabay ng pag saksak ko sakanya ay naging abo ito.

Inikot ko ang aking mata at natagpuan ang Elites kasama si Nicka na may pinag tutulungan na isang Dragon.

Nag teleport ako sakanila at tumulong payatin ang isang to.

"Putangina, asan ba si Zeke!" hinihingal na bulaslas ni Carden.

Tama nga siya wala parin hanggang ngayon si Zeke at Luna kung kailan kailangan namin sila.

Magsasalita sana si Nicka ng may pamilyar na boses kaming narinig.

"Sorry, I'm late." nakangisi nitong sabi.



LUNA's POV

"Sorry, I'm late." nakangisi kong sabi.

"What the hell Luna! Bakit ngayon ka lang? At nasaan si Zeke?!" rinig kong sabi ni Avery kaya naman naptingin ako sakanya.

What? Wala dito si Zeke?!

Hindi ko nalang ito sinagot at nag focus sa pag papalit anyo ko. Naramdaman kong lumutang ako sa lupat at nagliliwanag ang buo kong katawan.

Yes! Goddess form version 2.0

Ang aking buhok ay mas lalong humaba at nagkaroon ng tainia na lumulutang sa aking ulo, ang mga mata ko ay mas tumingkad ang kulay. Ang chiton na aking suot ay naging kulay ginto at nagni-ningning kapag natatamaan ng ilaw.

Paglapag ko sa lupa ay isang tahimik na kapaligiran ang bumungad sa'kin tila'y hindi makapaniwala sa kanilang nakita.

"Luna! Ikaw yung Goddess?!" hindi makapaniwalang tanong ni Ember.

"What the fuck," tanging sabi ni Levi.

"All this time nakakausap at nakakasalamuha pala talaga natin ang Goddess." rinig kong opinyon ng isa sa mga istudyante.

Biglang lumitaw sa aking harap si Acheron at akmang hahawakan ako ngunit iniwaksi ko ang aking kamay.

"Hahahaha. So the other Gods and Goddesses informed you already." nakangisi nitong sabi.

Tahimik ang buong paligid, natigil sila sa pag aaway at tangin ako at si Acheron lang ang nag sasalita.

"Hindi ka ba manlang nagtaka Goddess kung bakit napaka dali mong napasok ang aming kuta at walang hirap na napatay ang mga Demons at Giants?" panimula nito.

The Goddess of Everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon