May hawak siyang bola at ang gym bag niya ang nakasabit sa kaniyang balikat.

Malapit na ako kay River nang biglang dumagsa ang mga tao at sinalubong siya. Lilingunin ko na dapat si Troye nang biglang may tumawag sa kaniya.

"Pare! What's up?! Long time na see!" usal ni Chano at saka niyakap si Troye.

Napalayo na sila dahil nadanggil na rin sila ng mga tao.

Nagiging hopeless na ako nang mas dumami ang nakapaligid kay River at papasok na siya sa bus. Mabuti na lang ay matangkad ako at kaya nakita niya ako nang mapalingon siya sa aking gawi.

Nagulat siya at saka tinanggal ang kaniyang headphones na kanina naman ay hindi niya inaalis. Lalo naman siyang dinagsa dahil nabigyan pansin na niya ang ilan.

"Why are you here?" he mouthed, he was so shocked. Pinipilit niyang makasingit sa mga tao para lumapit sa akin pero hindi niya magawa kaya ako ang gumawa.

Napakahirap noon.

May ilang tao pa rin sa pagitan namin.

"Goodluck!" I mouthed back and signaled him the paper bag I'm holding. Naunawaan niya iyon at pilit na inabot nang iangat ko iyon sa ere dahil mas naitutulak siya papasok ng bus dahil sa mga tao na pilit na nagbibigay ng regalo sa kaniya. Napapaatras siya.

Sa akin lang na regalo ang kaniyang kinuha.

He smiled when he saw what's inside matapos niyang silipin iyon.

"Thank you. I love you," he then mouthed again. Basang-basa ko iyon mula sa kaniyang labi. Tuluyan na siyang napaakyat sa bus dahil hinigit na siya ni Pike na nakangisi na sa akin. Namula ako dahil doon. Inayos ko ang aking buhok at umatras na ng kaunti.

He said I love you.

Uhm... Okay?

Nang lilingunin na sana ako ng mga tao dahil sa pagngiti sa akin ng dalawang lalake ay tumalikod na ako at naglakad na papalayo. Hinanap ko si Troye na nakikipag bolahan pa kay Chano.

"O, 'di ba? E 'di naibigay mo rin mag-isa! Mas sure win si Rivs n'yan!"

Salubong sa akin ni Chano na ipinagtaka ko. Nagulat ako nang kamayan niya ako. "Promise, darating si River sa party mo. Invited man o hindi. Happy birthday!" he winked.

Matapos ang pagsaglit namin sa Sebastian ay inihatid na ako ni Troye bago siya umuwi sa kanila. Sa bahay kami ni Lolo umuwi dahil doon gaganapin amg after party. Nakagalitan pa si Troye nila Kuya dahil late raw ng hatid. Seven minutes late. Ganoon ka-OA nang mga tao rito sa bahay.

"Maligo na, Maria! Parating na ang makeup artist!" sigaw ni Mommy mula sa kusina. Nagluluto sila ng meryenda.

Isa sa hotel ng mga Arnaiz gaganapin ang party. Masyadong engrande kaya nahihiya ako. Ilang kilalang tao sa lipunan ang inimbitahan ni Mommy kaya mas nape-pressure talaga ako.

Ang alam ko ay nag set-up ng after party sila Kuya dahil may ilan sa mga malalapit na kaibigan nila ang hindi makakahabol mamaya dahil may mga laro. This day is the start of the finals of Saints League kaya marami ang hindi makakaabot sa party dahil sa iba't ibang sports sila. Sa rooftop gaganapin iyon kaya lahat sila ay abala. Pati sila Ate Mira at Ate Mag ay abalang-abala rin dahil sila ang pinag-asikaso ni Mommy ng gown ko. Darating din mamaya ang PresSaints kaya mukhang mas masaya ang after party.

Sana lang ay umalis na kaagad si Rad.

Umuwi sila Lola. Lahat sila. Kahit sila Janny ay narito rin.

Mommy is pressured too. Not for me but for her amigos and amigas. I don't know what's with her pero hinayaan ko na lang siya sa gusto niya kaysa sermonan niya ako maghapon.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Where stories live. Discover now