I already feel like a burden to Caelan even if he's the one offering to share his books. Kapag kasi may seatwork na sasagutan sa libro, siya talaga ang inaabala ko.

Our subject before lunch released us earlier than the schedule. Gagastahin ko na lang ang sobrang oras sa pagkuha nga ng libro. Kampante naman akong wala pa gaanong mahabang pila dahil nga oras pa talaga ng mga klase.

Pumasok si Jiro sa room kaya tinakasan ko si Camara. Mag-isa akong lumabas dahil sasama iyon kahit nandiyan si Jiro. Nakakahiya naman sa lalaking sabik makita siya na nakipagpatintero pa nga sa huli naming teacher sa pinto.

"Ay, shit," sambit ko sa gulat at natuod ang buong katawan. May lumipad kasing sapatos sa tapat ng mukha ko pagkadaan sa harap ng katabing room.

I turned my head and had a glimpse of their section's state. Magulo sila sa loob na animo'y wala na ring teacher o hindi napasukan. Kaya siguro sumakabilang room nang maaga si Jiro.

"Parang gago kasi 'to, eh!" angil ni Keno kay Marion habang papalabas ng room nila. "Uy! Sorry, ah!"

Dinaanan niya ako kaya nahagip ng ilong ko ang kaniyang cologne. It's a familiar scent that I smell from most of our male schoolmates too. Dinampot niya ang sapatos na kaniya siguro dahil nakamedyas na lang ang isang paa.

I creased an eyebrow at his black sock because the school only allows white. He caught the look I gave his sock and he grinned at me. May kaibigang cadet kaya nakapasok... o nagpalit pagkapasok.

"Sorry!" someone shouted from their room. Nilingon ko at nakitang si Marion naman iyon na naka-peace sign.

I nodded curtly. Ginaanan naman ako ng loob. Akala ko kasi noong una ay sinadya nila. Pero mukhang nag-aasaran sila at nasaktuhan lang talaga ang pagdaan ko.

What is wrong with me? I always assume all the bad facets of things. I mentally sighed. Hindi ko rin kasi mapigilan.

"Ay, wait. Si Caelan?" habol ni Keno. Nakakapit siya sa hamba at sinusuot ang paa sa sapatos na binagsak sa sahig.

I thumbed the direction of our room. "Nando'n sa room. Wala na kaming teacher, eh."

"Sige, thanks." Nakangiting sinaluduhan niya ako.

I smiled curtly with a single nod then I walked away.

Pinaglalaruan ko ang wallet na tanging dala ko habang naglalakad. I didn't encounter any noise and any horde of students like I expected. I was also right about the absence of a queue. In fact, isa nga lang ang nandoon.

Malapit na ako nang makilala ang nakatalikod na bulto sa akin. Nakatungo si Fern sa window pane at nakikipag-usap sa bilog na butas. Nakatupi ang mga braso niya na nakapatong sa makipot na pasimano.

"Kahit po ba ihahabol naman ang bayad, 'di pwedeng makuha ngayon? Kahit next week na agad 'yung balanse, Ma'am, oh."

I immediately established a guess. Mukhang mga libro rin ang sadya nito ni Fern. Pero may mga libro na sa sahig katabi ng sapatos niya, ah? Hindi ba kaniya ang mga 'yan?

Nakita kong umiling ang admin clerk. "Hindi talaga. Lumagpas ka na rin kasi sa last day ng installment basis. Kapos pa ang unang hulog mo na pinayagan no'ng una."

Napatayo nang tuwid si Fern at napasuklay sa buhok gamit ang mga daliri. His other hand rested on his hip as he clearly stressed over his situation. Hindi niya pa rin napapansin na may kasunod na siyang nakapila.

"You see, we already allowed the chance for your sibling. Sige, ganito, mamili ka na lang. Iyong sa'yo ang kukunin mo o 'yang sa kapatid mo?"

My lips formed a small circle. Sa kapatid niya pala 'yang mga libro sa lapag, kung ganoon? Hindi pa rin siya makakakuha ng libro?

Just the TicketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon