"Hi Sunshineeeey!"

"We're finally here~!"



Niyakap ako ng kambal habang si Vince naman ay nakipag-apir sa akin. Nagtaray-tarayan naman ako at hindi nagpakita ng kahit na isang segundong ngiti.



"100 push ups! Late na kayo!"



"Hoy Madam cheerleader! May quiz pa kami!" Itinaas ni Syrene ang kamay niyang hawak ang one whole na may mga Math equations.



Myghad. Tatlong segundo ko lang nakita yung papel pero bigla akong nahilo!



"May activity din po kami! Here madam!" Ibinuklat naman ni Serene ang libro niya na nagpangiwi sa akin. Mga numero nanaman!



"Eto din oh. Para di mo na maisip yang push up push up na yan." Muntik na talaga akong magcollapse ng makakita nanaman ako ng mga numero sa notebook ni Vince.



"Sige na! Sige na! Wala ng push up!" Binigyan ko nalang sila ng isa-isang batok.



"Kayo na ang bahalang magtrain sa mga bata! Magpapahinga muna ako!"



"Aye aye captain!"



Pinaghahampas ko ang mga pwet nila para simulan na nilang kumilos. Tutal at alam naman nila ang steppings kaya sila naman ang papagurin ko sa ngayon.



Nagpupunas ako ng pawis ko ng makitang pumasok sa gymnasium ang basketball team ng ACHS. Lahat sila ay naka suot na ng jersey na color dark blue. Nang magkasalubong ang mata namin ng tatlong J's ay kinawayan nila ako.  May ganap din naman pala ang mga lalaking to kahit papano.



Kakawayan ko sana sila ng magkasalubong ang mga mata namin ni Ouie. Isasabit niya sana ang isang puting towel sa leeg niya ng mapatigil din siya. Ngingitian ko na sana siya para subukan kung anong magiging reaksiyon niya ngunit umiwas siya agad ng tingin.



Nagpaalam muna ako kanila Vince para lumabas ng gym. Tumakbo na ako kaagad papunta sa cafeteria dahil naghahanap nanaman ang bibig ko ng Nips. Habang naghihintay ng sukli ay bnuksan ko kaagad yung Nips at kumain. Sa pag-ikot ko, muntik ko ng maibuga ang Nips sa mukha mismo ni Hanson.



"Hi!"



"Pota naman Hanson. Kanina ka pa diyan?!" Sinuntok ko ang dibdib ko ng maramdaman kong parang may tamis ng Nips atang nalihis ng landas.



Pucha. Kaya ayokong ginugulat eh.



"Busy ka?" Hinablot niya ang Nips sa kamay ko at nagnakaw ng ilang praso.



"Hindi ba obvious?"



Hindi siya nakasuot ng uniform ngayon kaya naman lumilitaw nanaman ang pagka-Rich Kid sa porma niya.. Kasalukuyan siyang nakasuot ng mustard yellow and white stripes na polo na bukas ang isang butones at black fitted pants. Nakababa lang ang buhok niya ngayon na halos matakpan na ang mata niya.



"Ang boring sa classroom. I regretted going to school." Napakamot siya sa batok niya bago napabuntong hininga.



Napalunok ako. Ang lakas nanaman ng dating niya ngayon sa buhok niya pero behave ka muna heart.



"Bakit ba naman kasi hindi ka sumali ng sports? Wala ka bang alam gawin?"



Sa aming magkakaklase ay iilan lang ang walang ganap. Lahat ng kaibigan ko siyempre ay kasama sa mga busy ngayon sa kanya-kanya nilang sports. Si Gracie ay member ng Badminton Team, si Happy at Greggy naman ay Volleyball, si Bryle sa Sepak Takraw at panghuli ay sina Ouie, Japhet, Jethro, at John sa basketball team.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now