Kabanata 21

699 6 12
                                    

''Sorry!'' Bea chuckled when I let go of her mouth. ''Pero kay Jarrell ka nga didiretso?'' aniya nang pabulong.

Tumango ako. ''You know it,'' I winked at her. ''Sige na! Umuwi ka na at nade-delay ako sa lakad ko, e!''

Tumawa siya at saka binitbit ang dala-dala niyang shoulder bag. Pinagbuksan siya ng pinto ni Mang Jimmy kaya't dumiretso na siyang lumabas. ''Huwag mong kalimutan 'yung paper bukas para sa geopol, ha!''

''Due tomorrow, do tomorrow!'' I laughed before finally waving my hand. ''Bukas ko na gagawin!''

Tumawa siya at kumaway na rin. Isinara na ng driver ang pinto at nagsimula nang magmaneho. I leaned my body to comfortably seat and took my phone out to scroll a bit. Natigil lamang dahil nagsalita ang driver.

''Saan tayo, Lucy?'' tanong niya at tinapunan ako nang saglit na tingin sa salamin. 

Bahagya akong napatigil at nag-isip. Naihatid niya naman na ako ro'n kaso hindi ko mapigilang mag-isip na baka nagtataka na siya kung sino ba ang pinupuntahan ko sa building na iyon. Mang Jimmy isn't the nosy type but I still want to be careful specially that Jarrell isn't approved of meeting my family yet. Ayokong mali ang timing kung sakali mang ipakilala ko siya.

''Sa condo pong pinuntahan ko dati, Manong. Naaalala ninyo pa ba ang daan papunta?'' 

''Iyong malapit sa skwelahan mo?'' aniya at niliko pa-kanan ang steering wheel.

Tumango ako. ''Opo.'' Nag-iwas ako ng tingin. ''Pupuntahan ko 'yong isa kong classmate.''

Unti-unti siyang tumango at nag simula nang mag-drive. I got a little nervous but I guess Manong won't tell anything to my father. Ang sinabi ko pa naman kay Daddy ay pupuntahan ko si Liana. Alam ng driver na hindi roon ang daang tinatahak namin kayat paniguradong nagtataka rin siya. I just need him to be quiet and I'm good. 

It's kind of tiring me to lie but I have to live with it. Mahal ko, e.

Bumaba ako sa sasakyan at bahagyang tumungo, nakasilip sa bintana. Hindi ko na pinalabas si Manong dahil magtatagal ako rito.

''Huwag ninyo po akong hintayin. Uuwi na lang akong mag-isa,'' wika ko.

Bakas ang pagtutol sa kaniyang mukha. ''Pero hija-''

''Ako na lang ang magpapaliwanag kay Daddy, okay? Bye, Manong!'' tumalikod na ako at tumakbo papuntang gate. Nahirapan pa 'ko dahil bitbit ko ang mga pinamili ko kanina sa bookstore. Susubukan kong magpinta rito at baka makatulong pa si Jarrell.

Mabilis din akong nakapasok nang sinabi ko ang number ng unit niya sa guard. I was all giggly and excited while I'm on my way on to his unit. Halos isang buwan din 'yun, 'no! Isang buwan na hindi kami nagpapansinan. Para bang hindi ko siya boyfriend sa loob ng mga araw na yon, e. Buti na lang at nagkaroon ako ng lakas ng loob na pumunta sa kaniya.

I miss him. I guess that's enough to end our argument.

Malalim akong bumuntong hininga at pumikit bago pindutin ang doorbell sa unit niya. Bahagya pa akong kinabahan kasi baka wala siya rito o baka hindi niya 'ko pagbuksan ng pinto. Who knows? Baka galit pa rin siya sa 'kin o 'di kaya ay iritado. Sa pampublikong lugar pa kami nag-away at medyo kilala pa naman siya dahil sa basketball at sa tatay niya, baka mas nagdagdag iyon ng inis sa kaniya. 

Pero pagkapindot na pagkapindot ko ay kaagad din bumukas ang pintuan at niluwa siya, blangkong nakatingin sa 'kin habang may multo ng ngiti sa labi. Ngumuso ako.

''May inaasahan ka bang dumating?'' panimula ko at dire-diretsong pumasok, 'di alintana na hindi naman sa akin ang unit na 'to.

Binaba ko ang mga bitbit kong gamit sa sofa. Uupo pa lang sana ako nang marinig ko siyang magsalita.

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें