“Arin! Anong ginagawa mo dito?” Minsan lang kasi siya nagi sleepover dito sa amin kapag weekdays.

“Mamaya ko na lang sasabihin basta kumain daw muna tayo sabi ni Tita.” Tinitigan niya ako na para bang may pinaparating siya sa mga titig na iyon. Alam ko na agad na tungkol na naman sa nararamdaman ko kay Ryden iyon.

Matapos kaming kumain roon ay dumiretso na kami ni Arin sa kwarto ko para gawin ang homework niya. Isa sa mga dahilan niya na pumarito siya dahil ang hirap daw ng homework namin at magpapatulong daw siya kahit ang totoo naman ay balak niya lang talagang mangopya sa'kin.

“Hay, salamat natapos na rin. So ano na, Aye? Kamusta naman tayo diyan? Baka in a relationship na 'yan tapos di pinaalam sa'kin. H'wag ganon ha, nakakatampo 'yon,” pagsususpetsya ni Arin. Sinapak ko naman siya sa braso niya tapos ang oa pa ng reaction.

“Hindi noh! ganoon pa rin naman eh.”

“Weh, di ako naniniwala. Eh anong nangyari roon sa 'talkie talkie' niyo last time? pabulong naman!” Panay siya kalabit sa'kin na para bang hindi niya hahayaang lumipas ang araw na'to nang walang nalalaman.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa kadaldalan niya. 

Sinabi ko sa kaniya lahat ng nangyari sa araw na iyon. Iyong pinagtatawanan ako ng mga tao roon na kumakain din, kahit nakakahiya pero gusto talagang malaman ni Arin eh. Sarap na magpalamon sa lupa!

“Sana all, french fries.” Humalakhak ng malakas si Arin. Tinampal ko tuloy siya kasi baka marinig pa nina mommy na baka ngayon ay natutulog na.

“Ano pa? Anong nangyari after n'on?”

“Ayon, tinanong niya lang ako na baka gusto kong pumunta ulit roon next time na kasama siya.”

Nanlaki ang mata niya roon. Niyugyog niya ako ng pagkalakas-lakas feel ko na! malapit nang humiwalay ulo ko! “Yej! Alam ko na yang galawang yan may gusto rin yon sa'yo!”

“Tsk, ayon nga eh. Actually, nung isang araw sinabi niya sa akin na liligawan niya daw ako. Eh hindi ko alam kung anong gagawin ko, Arin!”

Mas lalong lumakas ang tili nito at para bang mas kinikilig pa siya kaysa sa akin. “OMG! Wow, ang haba naman ng hair mo! Crush mo pa talaga ang nanligaw sa'yo? Hoy, Aye, ah. Baka ginayuma mo na pala 'yun ah.”

Tumawa ako. “Sira, hindi ko nga alam kung sasagutin ko ba eh.”

"Eh, kailan mo ba balak sagutin?" Parang nanay na nagtatanong sa anak na tanong ni Arin. Narito kami ngayon at nakasandal sa railings ng terasa namin.

"Hindi pa kasi ako handa eh, baka hindi magtagal ay magsasawa din siya sa'kin kasi hindi pa naman ako marunong mag-handle ng mga ganyang bagay."

Iyon ang nakakapag-alala. Sabihin na nating napaka-ignorante ko pa sa bagay na iyan. Well, ewan ko kung sapat ba ang mga nalalaman ko at natutunan ko sa mga romantic stories na binabasa ko but those stories kasi, it's all fictional at malayo sa realidad. Magkaibang mundo ang ginagalawan kaya hindi ko alam kung paano ko malalaman kung magkapare-pareho lang ba ang takbo ng isang relationship.

"Kaya nga di'ba, just try it! It's a part of growing up girl! Well, ngayon nga ay hindi na ako nagsisisi kung bakit ko naging boyfriend si Kenneth. After all, he brings lessons to me. Ipakita mo lang ang tunay mong nararamdaman at magtiwala ka sa inyong dalawa. There's nothing wrong on taking risks. Just do it before it's too late, Aye," she answered.

It's a part of growing up, indeed and I might regret things I wouldn't try it, right? And I trust Ryden enough. I just hope that he's not capable of hurting me and breaking me into pieces.

The Living FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon