Prologue

117K 2.9K 555
                                    

WARNING: Ang kuwentong ito ay galing sa malikot na imahinasyon ng author. Ang anumang pagkakatulad ng pangalan, lugar at pangyayari ay hindi sinasadya.

This story may consists of violence and sensitive topics or scenes.

🔞 This is R-18 🔞

PROLOGUE

"MANGINGISDA? Seriously, kuya?" natatawang tanong ni Zeke sa kakambal niya.

Nang makitang hindi ito umiimik ay nawala ang ngiti niya. When his twin is like this, he knew that he's serious.

"I don't want to leave here, kuya. My life is here and-"

"You want me to freeze your bank accounts, then?" Seryosong tanong nito.

Fuck this!

"Why do we have to stay there?" Naiinis na tanong niya.

His brother sighed.

"I need peace of mind. I want you to be with me, Zeke. At para na rin matigil 'yang pagiging babaero mo at maging santo ka kahit papaano." Tumayo ito mula sa swivel chair.

They are currently in his brother's office right now. After their parents' death, his brother became the CEO of their parents' precious business. Halos ang kapatid na rin niya ang gumagabay sa kanya, tila tumayong magulang niya. But he is always a spoiled fucking brat. Nasanay siya sa karangyaan at ang isiping mananatili siya sa isla ay tila nakakabagot na.

Mas gusto na lang niyang manatili dito sa Maynila kasama ang mga babaeng gustong-gusto siyang pinapaligaya. Kung mananatili siya sa isla, paano na ang kaligayahan niya?

"What makes you think that staying in Isla Fontana can make me saint, Kuya?" Sarkastikong tanong niya.

Tiningnan siya ng kapatid.

"We will leave in a few minutes," tugon nito, hindi pinansin ang sinabi niya.

"Kuy-"

"Magreklamo ka pagkatapos mong makita mo na ang Isla Fontana." Putol nito sa sasabihin niya.

Makakas siyang napabuntong-hininga.

"Kahit kailan ay hinding-hindi ko magugustuhan ang isla, Kuya. Pustahan kahit isang oras lang hindi ako tatagal doon." Padabog siyang umupo, umaaktong parang bata.

Napailing ang kapatid niya, tila nagpapasensya.

Wala na siyang nagawa nang sinama siya ng kapatid niya patungo sa private chopper nila. Ni hindi na siya umimik pa nang nasa loob na. Kahit nga ang pagsuot ng simpleng damit kanina bago sila umalis ay napipilitan lang siya.

Nang nasa himpapawid na ay mas pinili niyang pumikit na lang, pinakita sa kapatid na walang siyang interes sa pagpunta nila sa Isla Fontana. Pabalik-balik ang kapatid niya sa isla noon pa man pero ngayon lang siya nito isinama.

Nang lumapag ang chopper ay bumaba na sila. Inikot niya ang paningin sa paligid. Mula sa kalayuan ay nakikita niya ang isla. Normal na tahimik at...boring.

Napabuntong-hininga siya at namulsa.

"Sasakay tayo sa bangka patungo sa isla. Remember not to speak in english when we get there. Simple ang mga tao doon at-"

"Yeah, yeah. Ilang ulit mo nang sinabi sa'kin 'yan." Nayayamot na tugon niya sa kapatid, nauna na doon sa bangkang nakita niya.

Sumunod ang kapatid, sumampa sa bangka. Panay ang buntong-hininga niya habang nasa bangka. Ilang minuto din silang nasa karagatan bago nakarating sa paroroonan nila.

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now