Lumapit ako sa bar counter at umupo dun. Nakangising lumapit sa akin si Ryan. My bartender friend.

"Hey, young man!" bati niya sa akin "I saw him" tugon niya na ikinatango ko na lang.

"Same Order" I commanded na ikinatango nalang niya "Where is he?" I asked at itinuro niya ang dance floor.

Sinundan ko iyon ng tingin at nakita ko naman itong may kasayaw na babae habang hawak ang bewang nito. This bastard!

"Di parin nagbabago" saad ni Ryan bago inilahad sa akin ang wine.

"Since birth na ata yan" at natawa kaming dalawa

"Magbabalik pa ba ang 'noon' pre?" tanong niya na ikinatigil ko "Di mo ba namiss ang samahan niyo?"

Umiling ako. "Di na yata" at tinignan ang baso sa aking harapan.

Nagpaalam muna siyang may aasikasuhin pa siyang ibang customers na ikinatango ko na lang. Sumandal ako sa counter table at inilibot ang paningin. Walang kupas!

"Akala ko di kana pumupunta dito" saad ng pamilyar na boses kaya agad ko itong tinignan "Matthew"

I smirk at him. "Akala mo lang yun"at tinignan siya ng maigi "Sky".

---

ZERK's

Bumuga ako ng hangin habang nakatingin sa libro ko. May special test kaming mga Officers bukas para malaman kung nakikinig na talaga kami o hindi sa itinuturo ng guro namin. At kailangan naming makapasa dahil kung hindi aalisin ka sa posisyon mo sa SSG. Saklap nun!

Humikab ako at nag unat ng braso. Lumabas ako ng study room at dumiritso sa kitchen. Ang tahimik na. Siguro natutulog na sila.

I open the fridge and look for sonething until I found it. Yoghurt. Its my favorite bukod sa...hardrinks. I get three packs of yoghurt at bumalik sa study room.

Uupo na sana ako ng marinig ko ang pag ring ng cellphone ko. Agad akong tumayo at kinuha ito sa drawr at bumalik sa pag kakaupo.

A message just pop in.

Natasha:
Hi Zerk!

Napakamot nalang ako sa aking batok at di mapigilan ang pag ngiti.

To Natasha:
Hello

Inilapag ko na ang cellphone ko sa study table at ibinalik ang atensyon sa libro ng mag ring ito ulit.

Natasha:
Masarap ba ang cake na bi-nake ko kanina?

Siguro nahihiya siya habang tinatype ito. Naalala ko pa naman ang mukha niya kanina.

To Natasha:
Yup. Don't worry

Sinarado ko ang aklat na ginagamit ko at iniligpit ang aking mga gamit. Kinuha ko ang dalawang yoghurt at lumabas ng study room.

Natasha:
Mabuti naman. Matutulog ka na?

I replied 'Yes and Goodnight' to her before I made my way to my room.

Agad akong pumasok at inilagay ang mga gamit ko sa side table. I removed my tshirt before going unto bed.

My phone vibrated once again kaya agad ko iyong kinuha.

Natasha:
Goodnight. Sweet dreams Zerk!

Napangiti ako at nagtipa ng reply sa kanya bago ipinikit ang aking mga mata.

---

NATASHA's

Paulit ulit kong sinampal ang aking sarili habang binabasa ang mga replies niya sa akin. Akala ko pa naman hindi magrereply!

Nag ring ang cellphone kaya agad ko iyong dinampot at nagtaka ako nang mapansin kung kaninong number ito.

"Alli?" sagot ko sa tawag at rinig ko naman ang pag buntong hininga nito.

"Di ako makatulog"  mahina niyang sambit kaya agad akong napakamot sa aking ulo.

"Oh anong gagawin ko? Kakantahan ka ng ili-ili tulog anay?" pabiro kong sambit.

Di ko siya narinig na sumagot kaya agad akong napatingin sa aking cellphone sa pag aakalang naputol ang linya.

"Alli?"

"Nagtataka lang ako" sambit niya at sigurado akong nakanguso ito ngayon.

"Ano naman?"  at narinig ko ang sunod sunod nitong buntong hininga. At parang alam ko na kung anong problema nito.

"Bakit---hay"

"Bakit di ka niya gusto?! Aba, alam mo ba Alli---"

"Di naman yan ang gusto kong itanong eh"

"Oh ano?!"

"Bakit..." at kasunod nun ay ang kanyang pag buntong hininga "ang ganda ko?"

Napatampal nalang ako sa aking noo dahil sa kanyang sinabi.

"Alam mo Alliah...maganda ka naman talaga eh"

"Sino bang may sabing hindi?"

"Kaso nga lang---"

"Anong kaso?! Hoy, natashang! Bawiin mo yang mga pinagsasabi mo! Hindi ako naging kriminal kaya wala akong kaso! Walanjo tong babaeng to!"

Napatawa nalang ako sa kanyang sinabi. Ang grabe mag isip ng babeng to. HAHAHA

"Patapusin mo muna kasi ako eh"

"Oo na"

"Kaso nga lang---"

"Hoy tashang! Isa pang kaso mo diyan ipapa-rape na talaga kita kay Zerk! Sige ka."

"Bet ko yan!" at pareho kaming natawa sa aking sinabi. "Di ka nga lang gusto nang DarlingPres mo" agaran kong sabi dahilan para matahimik siya.

Rinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya at kasunod nun ay pagbuntong hininga niya ulit. Hays.

"Oh tapos?"

"Anong tapos? May Neize siya girl! May nieze!"

"Oh ano ngayon?"

"Sa ganda mong yan maraming nagkakagusto sa'yo! Pansinin mo naman yun!"

"Then?"

"Si sky..." eto talaga yung gusto kong sabihin eh. "Nandiyan si sky...siya nalang"

"Lol! Wala akong pake kung may Nieze pa siya! Eh bakit kasal na ba sila? O may sila na ba talaga? Ha! Answer me!"

"D-di nga p-pero---"

"Di pala eh! So may malaki pa akong pag asa sa kanya"

"Di pa nga sila pero si Nieze naman yung gusto niya" natahimik siya sa kabilang linya kaya ipinagpatuloy ko na ang aking sinasabi "Kahit sabihin pa nating..wala pa talaga sila. Di sila kasal. Pero wala parin. Talo ka parin, Alli. Dahil iba ang gusto niya" malungkot kong saad at narinig ko ang peke niyang pagtawa sa kabilang linya.

"Salamat sa sinabi mo Natasha. Tunay nga kitang kaibigan. Natauhan na ako ngayon"

Nakahinga ako ng maluwag at napangiti. Pero agad din yung nawala nang marinig ko ang kasunod nun.

"Natauhan ako na di muna ako susuko hanggang kaya ko pa. Ipaglalaban ko siya, dahil naniniwala akong magbabago rin ang nararamdaman ng isang tao"

"A-alli"

"Pero huwag kang mag-alala kaibigan. Dahil pag dumating ang panahon na di ko na kaya...susuko na ako pag sobrang bigat na"

--------*
©.®.
Allrightsreseved.
REPUBLISHED.

-mlila💜

Hey, Mr. PresidentWhere stories live. Discover now