Chapter 3

85 9 3
                                    

Nagising ako ng maaga at bumaba para mag ready na umalis sana ng may naka upo sa sofa na ikina tameme ko.

"F-fujima? Anong ginagawa mo dito" takang tanong ko

"Sinusundo ka" sabi nito sabay kindat saakin

"Pero bakit?"

"Diba sabi ko sabay na tayo magbabasa sa library" ngiting sabi nito atsaka lumapit saakin

"Pero pwede mo naman ako hintayin sa school paalis na rin naman ako eh"

"No shein sabay tayo papasok baka ma bully kapa ulit eh" sabi nito at hinawakan ang magkabilang braso ko

Bakit ganito nararamdaman ko bumibilis tibok ng puso ko.

"Oh anak dumating kanina pa kaibigan mo akala ko nga manliligaw mo eh" sabi ni mama

"Hehe friends lang kami mama diba fujima?" ngiting sabi ko

"Opo tita friends muna po" ngiting sabi naman nito

"Nakss anak balitaan mo ako kapag wala na kayo sa FRIENDS ah haha" pabirong sabi ni mama

"Mama?!" suway ko kay mama at tumawa naman si fujima

"Sge po tita balitaan nalang po namin kayo ni shein haha" birong sabi din ni fujima

"F-fujima"

"Tara na shein hehe" aya nito at hinawakan ang kamay ko

Ano ba shein! patahimikin mo puso mo! Bakit ba ganito nararamdaman ko mali ito.

"Alam mo shein dapat hindi ka natatakot sa mga nambubully sayo kase the more na matatakot ka the more na ibubully ka nila." sabi nito habang hawak hawak parin ang kamay ko

Sinubukan kong tanggalin pagkakahawak niya sa kamay ko pero agad naman nito hinigpitan ang pagkakahawak.

"Wag mona subukan tanggalin shein mas lalo ko lang hihigpitan" ngiting sabi nito

"Baka kasi may maka kita saatin baka ano pa isipin nila"

"Eh ano ngayon kung makita nila tayo at yung iisipin nila kapag nakita nila tayong magkahawak kamay kung pwede naman natin totohanin" sabi nito at kinindatan ako

"Fujima ayoko masira reputation mo sa school ng dahil lang sakin kasi magkaibigan lang tayo pero yung ginagawa natin hindi pang magkaibigan eh"

"Ah basta wala akong pakialam sa mga iispin o sasabihin nila." fujima

======

Ilang Sandali pa nakapasok na kami sa school at nagtungo sa library

"Grabe ang baduy naman ng kasama ni fujima"

"Sinabi mupa"

"Ang manang niya magayos"

Yan ang mga sinasabi ng mga nadadaanan namin, masakit marinig ang mga ganyang salita pero hinihigpitan lang naman ni fujima ang pagkahawak sa kamay ko sa tuwing susubukan ko tanggalin.


=======

Nasa loob na kami ng library at nagbabasa si fujima habang hindi naman ako maka hinga ng maluwag dahil pinagtitinginan kami sa loob ng library pati narin  librarian naka tingin saamin.

"Anong problema shein?" tanong ni funima ng mapansin na hindi ako nagbabasa

"Ah...eh...."

"Naiilang kaba sakanila?" tanong nito at tumango naman ako

Hinawakan ni fujima ang kamay ko na lalong ikina sama ng tingin nung mga naka titig saamin.

The Girl That I AdmireWhere stories live. Discover now