Exordium

27 2 0
                                    

Braville Kojou Clifford Point of View

Huminga ako ng malalim para papasukin ang sariwang hangin na nasa paligid. Kanina pa kasi kaming nakatayo rito ngunit ni isa walang gustong magsalita. 

Ipinikit ko ang mga mata ko habang sumisipol ang ihip ng hangin dito sa kinatatayuan naming tatlo. 

Habang ang dalawang babaeng nasa magkabilaang tabi ko ay walang kibo. Sino naman ang kikibo sa kanila kung muntik na silang magpatayan nang dahil sa akin?

Tumingin ako sa kanan ko at malungkot na nakatingin si Ternler sa ballpen na hawak niya.

"I'll fight for it...because you made me fight for you." Inilagay niya ang ballpen sa bulsa ng coat niya, then she showed me her keen eagerness in her eyes.

"I can't just let anyone take my legacy, my name, my uniqueness, even you?" Napatingin ako kay Grixheah Saminae. Ang Grixheah Saminae na pangalan na kaniyang dinadala ay higit pa sa aking pangalan at nino mang pangalan. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Hinila niya ang braso ko papalapit sa kaniya at niyakap ako.

"Ako 'yung una. And I'll be the last one for you, Kojou." Mahina niyang sabi habang nakapikit siyang yakap ako.

"Hindi mo hawak ang hinaharap Saminae. Matagal ka ng patay. And you should stay in your grave." Napabitaw siya ng yakap at tumingin ng masama kay Ternler.

"I am the Present. You're just the past. And the future will never be suited to a past like you. Past tense ika nga." Sa pagkakataon na iyon, hinawakan ni Ternler ang kanan kong palad. Nararamdaman ko ang pintig ng kaniyang pulso at napahigpit ang hawak ko dahil sa malambot niyang palad.

"But, it's your choice Clifford. Hindi ko naman pagpipilitan ang sarili ko para lang sa sarili kong kagustuhan. I prefer the decision that makes you happy Clifford." Malungkot niyang binitawan ang palad ko at bigla akong nakaramdam ng saglitang kirot sa pagkakawala niya.

Tumingin ako sa mga mata ni Grixheah Ternler, namumukod tangi parin ang mga maladagat niyang mata. Nilipat ko ang aking tingin kay Grixheah Saminae. The one that I've been longing for.

Ngumiti ako at muling ipinikit ang mga mata ko para sa aking desisyon.

(To be continued...)



A/N: This is a sequel of My Pervert Tutor is a Vampire

Hi to my readers. I am ARTAIL the author of My Pervert Tutor is a Vampire. I am now editing book 2 which is My Pervert Teacher is a Vampire. Hope for your loyalty to my characters is still stagnant with love and remembrance. Please wait for my next update, and promise. I'll continue book 2.

My Pervert Teacher is a Vampire BOOK II (REPUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon