Chapter 1

216 14 11
                                    

Ako nga pala si shein furusho isang 3rd year student sa shoyo simple lang akong babae pero mahilig ako manood ng basketball kaya medjo may alam ako sa basketball.

======

Maaga ako nagising para panoorin ang practice game ng shoyo at ng shohoku

Papasok ako ng gym ng may makabanggaan ako na lalaki

"sorry miss okay kalang ba?" tanong nito

"ah oo okay lang ako" sabi ko habang inaayos ang uniform ko dahil nagusot ito

"teka sa shoyo ka rin ba nagaaral?" tanong nung lalake

"ah o---- f-fujima" nauutal na sabi ko

Aminin ko may paghanga ako kay fujima pero hanggang doon lang yun dahil ayokong ipagtulakan sarili ko sakaniya.

"ako nga so andito kaba para manood ng practice game?" tanong nito

"ah oo eh hehe" nahihiyang sabi ko

"bakit lagi kang naka yuko ata sa tuwing magkakasalubong tayo atsaka bakit makapal yung salamin mo malabo ba masyado mata mo?" tanong nito

"ah eh oo hehe ahm f-fujima sge ah una na ako aakyat na ako para mag ready na manood"

"ah ganun ba sgesge salamat sa panonood" ngiting sabibni fujima

Nagmadali ako unakyat para hindi ako maabutan ng siksikan grabe si fujima nakaka tunaw yung ngiti at tingin niya

Dumami na ang mga tao sa gym at nag start na ang laban.

Nakila fujima ang bola ngayon habang ang first five naman ng shohoku ay sina rukawa, miyagi, akagi, mitsui at kogure.

Mukhang hindi muna nila ipinasok yung si sakuragi kung sabagay baka magkalat hehe.

"ano ba tatang bakit binangko mo nanaman ako" inis na sabi ni sakuragi sa coach nila

"sakuragi manahimik ka nga muna sa kinauupuan mo" sabi naman ni ayako at ipinalo ang pamaypay nito kay sakuragi.

"okay team saatin ang unang puntos" seryosong sabi ni fujima

Nag dribble na si fujima papunta sa area nila at mabilis naman ang shohoku kaya naharangan nila ang pagdating ng shoyo.

"subukan mo ako fujima" seryosong sabi nung si miyagi na nagbabantay ngayon kay fujima

"mukhang nagkakausap ang dalawang numero unong point gurad"

"aba oo nga noh"

"ngayon natin malalaman sino sakanila ang pinaka magaling na point guard"

Yan ang mga sinasabi ng nga nasa tabi ko habang ako naniniwala ako na kayang kaya ng shoyo lagpasan ang shohoku.

Malapit na matapos ang 30 seconds ng shoyo naku baka hindi nila ma shoot.

Nag fake si fujima pero alam ito ni miyagi kaya naman madaling nakaisip si fujima ng bagong plano at ipinasa nito ang bola kay hasegawa at nag kunwari naman na mag shoot si hasegawa at hindi naman ito natunugan ni mitsui na nagbabantay sakaniya kaya nagawa ni hasegawa na ipasa kay hanagata ang bola

Ng makuha ni hanagata ang bola mahigpit naman na nagbantay si rukawa

"rukawa" ngising sabi ni hanagata at sinubukan agawin ni rukawa ang bola pero hindi ito nagtagumpay kaya naman malayang nakagawa ng fade away shot si hanagata.

"hanagata! Hanagata!"

"nice one hanagata" ngiting sabi ni fujima dito at nakipag apir kay hanagata

The Girl That I AdmireWhere stories live. Discover now