Kung ikukumpara by percentage na magkakagusto si North sa akin, pasok ako sa standard niya ng very very very very very light.

Siguro out of 100% ng entire standard ni North, baka around 10% sa akin. Isang malaking kabawasan ay dahil sa babae ako. Kaya 0.001% lang ang chance na magugustuhan niya si Jade.

Pagkatapos ng ilang minutong pagm-motivate ko sa sarili na useless din naman ay lumabas na ako, nakasiksik sa isip na magb-bike na lang ako kaysa jogging.

Ni-lock ko ang pinto at nang lingunin ko ang gate ay halos lumaglag ang panga ko sa nakita. What the fuck —

Nagulat ako nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Wala sa sariling kinuha ko 'yon sa bulsa at sinagot habang nakatingin pa rin sa gate. Hindi ako makapagsalita.

Sa labas ng gate ay — si North...bale, ano...

"Come here."

Napatango ako dahil nakikita naman niya ako. She hanged up the call, binaba ko naman ang phone at naglakad habang hila-hila ang bike.

Shit, anong ginagawa niya rito?

Baka nananaginip pa talaga ako? Pasimple kong kinurot ang sarili pero masakit. So, totoo ito.

Pagbukas ko ng gate ay mas nakita ko siya ng maayos at malapitan. Nakasuot siya ng pink colored buttoned polo, dark blue jeans, and sneakers. Napalunok ako. North naman, bakit ganyan ka?

Lahat na lang yata ng appearance niya ikakalunok ko.

Okay ka pa ba, self? Kaya mo pa? Tiis-tiis pa, kunwari walang feelings.

"May lakad ka?"

"Ah," Napakamot ako sa pisngi. Ang init, kailangan ko ng tubig. "Magb-bike lang sana."

"Sama na ako."

"Sure ka?" Parang nag-triple yata ang bilis ng puso ko. Kanina lang nami-miss ko siya, ngayon nandito na siya sa harap ko. Sana talaga 'di 'to joke, o kung panaginip man okay lang na hindi na ako magising.

Nagkibit siya ng balikat at ngumiti. "I'm looking forward with you treating me today."

Nakagat ko ang ibabang labi at napatango.

May dala siyang sasakyan na pina-park ko na papasok ng gate ko. Feeling ko madidisgrasya kami sa bisikleta nang umangkas na siya. Oh, my gosh.

Hindi siya nakahawak sa akin dahil sanay si North umangkas kaya sinimulan ko nang mag-pedal. Ganito rin kami noong highschool at college. Close sila ni Jade ever since pero madalas magkasama kami para lang mag-bike, o hindi kaya tumambay lang kapag natakas kami noong highschool.

Vice president si North noong 4th year highschool kami habang nasa mas lower position ako kaya hindi rin require na lagi akong nags-spend ng oras sa school. Pero dahil crush ko noon si North, ayon at tambay ako sa room, tumutulong sa kanya — minsan sa pagtulong sa mga files, minsan sa sa pagtakas sa school.

Ayon lang ang alam kong flaw ng almost perfect na si North Hansen, she didn't like going to class kaya nag-varsity siya para laging excuse lalo na kung may games or kahit intrams. Tumakbo rin siya sa student government dahil lang sa rason na iyon.

Natawa ako bigla sa mga naiisip ko.

"Natawa ka diyan?"

"Wala, may naalala lang." sagot ko. Panay bike lang ako, kung saan-saan dumadaan. May mga ilan din kaming nakasabayan na nagbibisikleta, ang iba nagj-jogging, yung iba kunwaring jogging. "Hindi ko lang in-expect na magt-teacher ka. Kasi 'di ba psychology kinuha mo?"

Although alam ko naman na pwede ka magturo. She told us before na tatlong setting ang meron sa kurso na kinuha niya — industrial, clinical, and educational setting.

"Miski naman ako." Natawa na rin siya. Natigilan ako nang kumapit na siya sa damit ko. Damit pa lang 'yan nagpa-palpitate na ako. Todo pagpapakalma ako sa sarili ko at pilit itinuon ang atensyon sa sinasabi niya. "Tamad na tamad ako sa klase no'ng estudyante pa tayo, tapos ngayon nagtuturo na ako. It's really ironic how we come to like things we didn't like before."

"Anong klaseng teacher ka ba, Ma'am?" Nilingon ko siya saglit bago i-focus muli ang tingin sa daan. Shit, ganda ng babaeng 'to, walang kupas.

"Maka-Ma'am ka, baka ilaglag kita diyan."

"Brutal naman ni North."

"Hindi ko sure kung anong klaseng prof ako pero sabi ni Jade ang strict ko masyado."

Jade na naman.

"Terror prof ka, Miss?" I masked my annoyance with a chuckle. Ayoko maasar kay Jade pero naaasar talaga ako.

"I can't say na terror ako, or even strict, pero I like things in order. In general naman, hindi naman ako keen sa deadlines and scores ng mga estudyante, considerate naman ako sa pagtuturo."

"Nasa aura mo lang din kasi. Kapag seryoso ka, ang intimidating mo." sagot ko.

Humawak na siya sa baywang ko pagapang sa tiyan. Parang gusto kong sumigaw pero hanggang pag-grip ng madiin na lang sa manibela ang nagawa ko.

Kalma lang tayo. Kunwari talaga wala kang feelings, Gail.

Friends lang kasi kami, eh. Nakakaiyak.

"Really?" Sinandal niya ang sarili sa likuran ko.

"O-oo nga." North, bakit ang paasa mo nang hindi ka aware?

"Hmm, siguro nga, pero nasa tao na rin naman 'yan kung paano nila ite-take yung intimidation."

Hindi na ako nakasagot pagkatapos no'n dahil sa literal na halos nablangko na ang utak ko. Ang nasa isip ko na lang ay mairaos ang pagbibisikleta nang hindi kami sumesemplang o nababangga.

Yung kamay mo, North, pakialis. Please. Nanghihina ako.

Ang hirap ma-in love ng ganito.

Kung matapang at may lakas lang ako ng loob — eh, wala. Hanggang imagination na lang ako, okay na rin. At least sa imagination ko, girlfriend ko siya. Nga lang, tatanda na yata akong dalaga sa ganitong siste.

Nang mapagod ay nag-pedal na ako pabalik ng bahay. Mainit na rin kasi, sayang ang kutis...ni North. Wala naman akong pakialam sa kulay ko, kaso ang puti ni North, nakakahinayang if ever.

Hindi naman din siya nangingitim kung tutuusin, namumula lang siya then after ilang minutes balik normal na ulit. Especially no'ng nasa soccer pa siya noon. Kahit anong laro nito, mamumula lang ng ilang oras pero babalik din eventually yung pagkaputi niya.

Pagdating ng bahay ay binuksan ko na ang gate at binalik ang bisikleta sa garahe. Nilingon ko si North at naabutan itong nagpupunas ng pawis.

Naaaning na naman ako. Kahit pawisan, maganda pa rin siya. Parang bagay din sa kanya na pawisan, ang hot — fuck, may mali sa vocabulary ko.

Pretty dapat.

"Pasok muna tayo sa loob?" Pag-aaya ko sa kanya. "Para makapag-freshen up ka."

"Sure." Nag-smile na naman siya at muli na namang nahalina ang pinakatorpeng babae sa balat ng lupa — ako.

Pagpasok sa loob ay tinuro ko kaagad sa kanya ang cr. "Okay lang, ligo muna ako ng mabilis? Grabe pawis ko, waterfalls."

"Siyempre, okay lang." She chuckled. "It's your house, Gail."

"Uhm, okay. Mabilis lang ako, promise. Kapag na-bored ka, pwede ka manood ng tv or mag-play ng games. Wala namang password ang laptop ko —" except sa mga files na puro pictures niya ang laman na hinugot ko sa social media accounts niya na puro photos lang laman and wala masyadong post — "so feel free."

"Alright. Maligo na, Gail. Enjoy."

Ayokong i-enjoy, gusto ko makita agad siya.

_____

Unrequited (GL) [HSS #4, Completed]Where stories live. Discover now